Chapter 23:Picture

10 1 0
                                    

Chapter 23: Picture

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti siya. "Hindi ka ba masaya na nagkita uli tayo?" Dugtong pa nito. Na lalong ikinasasakit ng ulo ko! Dahil sa hang over."Tinanong kita nun. Ang sabi mo hindi ikaw yun!" Seryosong sabi ko.
(Chapter 13: house. I-Ikaw y-yung batang inalagaan ng mama ko?!" Matagal bago siya sumagot. "Hindi!").

"Alam ko nabigla kita." Sabi pa nito na akmang yayakapin ako pero agad ko siyang sinuntok sa mukha. "Araaay!" Sigaw niya ng matamaan ko ito banda sa mata. "Ano bang problema mong babae ka!" Bulyaw niya na ang mga kamay ay nakatakip sa matang sinuntok ko. Namimilipit ito sa sakit! "Akala mo masaya ako?! Akala mo sabik na sabik akong makita ka! Kung nalaman ko lang agad na ikaw ang batang yun! Matagal ko ng ginawa yan sayo! Kulang pa yan sa mga pinaggagagawa mo sakin noon!" Galit na galit na sabi ko sa kanya saka dali daling lumabas sa dati naming bahay.

Pagkagising ko kanina naalala ko ang inamin nito sakin kagabi. "Mar ako 'to. Yung batang inalagaan ng mama mo!" Napapikit ako ng maalala ang pag amin nito. Dumeretso ako sa kusina. Kumuha ako ng baso saka pumunta sa kwarto niya.Pagkapasok ko pa lang ay Agad kong ibinato sa litratong nakasabit sa dingding ang baso. (Chapter 13:House. Lalabas na sana ko ng mapansin ang nag iisang litratong nakasabit sa may dingding. Dalwang bata. Kilala ko ang isa dito.)Nabasag ito at nakalikha ng di kanais nais na tunog.Sa sobrang lakas ng pagbato ko may tumalsik sa mukha ko kaya nasugatan ang pisngi ko. Nung araw na yun pabalik na sana kami sa bahay nila pero sinabi niyang ayaw pa niyang umuwi. Gusto daw niyang pumunta sa park. Walang nagawa ang parents ko dahil nag sisiiyak na siya. Lahat ng gusto niya nasusunod. Kahit anong hilingin niya nakukuha niya. Ginawa niyang robot ang parents ko! Kung di sana niya pinilit na pumunta sa park sana buhay pa sila! Sana buhay pa ngayon ang parents ko!

"Mar!What happen to your face!" Bungad ni erl na halatang hinihintay ako. Di ako nagsalita sa halip sumakay ako sa kotse niyang mukhang bago na naman. "You know what ang kulit mo kagabi! Sumasayaw sayaw ka pa ng nakakaloka!" Exagge na kwento nito habang nasa byahe. "Wait! Your a liar! Sabi mo di ka umiinom! Pero naikwento sakin ni austin na lasing na lasing ka daw nung nasa iisa kayong boarding house! At heto pa kiniss mo pa daw siya! So dalwang beses na kayong nag kiss!"

"Ayoko munang marinig ang pangalan niya!" Malungkot na sabi. "Ok fine! Change topic! Natatandaan mo pa ba yung pagsuka mo nung nasa labas na tayo ng bar!" Napakadaldal talaga ng kaibigan ko. ~sigh~

"Nasukaan mo si pleum! Haha." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Seryoso ba siya? Iiish parang ayoko na tuloy pumasok bukas!Nakakahiya!"Mas lalong ayokong pag usapan yang taong yan!" Galit na sabi ko saka dali daling bumaba."So this is your new house?" Di ko na lang siya pinansin. Wala talaga ako sa mood makipag usap ngayon dahil sa nalaman ko. "Magkano upa mo dito?!"

"Wala akong binabayaran." Matamlay na sabi ko. "As in? Even your foods and water?!" Bumuntong hininga ako saka siya sinagot. "Oo. As in zero!"

"Ok not bad. Kasi kung meron ipapadampot ko na lahat ng gamit mo sa katulong namin." Hinarap ko ito. "Sana isinama mo na lang akong umuwi sa inyo!" E di hindi ko sana nakita yung pamumukha ng austin na yun! Kaya hindi niya inamin kaagad kasi gusto niya kong paglaruan uli! Obvious naman ee. Bata pa lang kami sobrang sama na ng ugali niya! "I'm really sorry mar! Kasi kapag sa bahay ka baka isipin nila papa na naging bad influence ako sayo!I hope you understand." Paliwanag nito. Ano pa bang magagawa ko?! Tapos na ee. Nangyare na! Nalaman ko na!

"Manang!" Masayang sabi ko ng mapuntahan ito sa pwesto niya. "Ba't ngayon ka lang?!" Galit na sabi niya. "Um.. kasi po.. hmmm.." Baka pagalitan niya ako kapag sinabi kong uminom ako! Ee ayoko namang mag sinungaling. "Maagang pumunta si pleum sa bahay kanina. Tinatanong kung nakauwi ka daw ba?" Napahinto ako sa pag aayos ng mga mangkok ng marinig ang sinabi nito. "Alam ko na din na nagpakalasing ka!" Hinintay kong pagalitan ako nito pero hindi niya ginawa.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now