Chapter 22: I can't
Tulala... Habang nakaupo sa harapan ng bintana. Patapos na ang bagyo. Pero ako? Pakiramdam ko Di nauubusan ng bagyo ang buhay ko. Patuloy pa din ito sa pagguho...Palagi na lang kasing magulo... palagi na lang bang nasasaktan! Mamaya makakarecover pero maya maya lang din pag humagupit yung masakit na katotohanan matutumba... babangon... matutumba uli at iiyak! ~Sigh~
Kailan matatapos ang sakit?! Kailan hihinto ang pag tulo ng luha. Kailan ko masisilayan muli ang ngiti sa labi ko?! Kailan maaayos ang lahat? Kailan ko masasabing ok na kung palagi silang bumabalandra sa daraanan ko habang nagtatawanan.Palagi na lang bang gan'to? Palagi na lang ba kong masasaktan? Palagi na lang ba kong iiyak? Habang patagal ng patagal mas lalong nagiging komplikado... Mas lalong nagiging magulo at masakit! Yung naisip kong way to make erl feel better heto... Lumala! Pareho na kaming sugatan!
Mabuti na lang may bagyo! Kasi hindi ko kayang tignan sila! Wala din akong mukhang ihaharap kay pleum. Pahiyang pahiya ako ee! Ang sarap makinig ng mga sad songs pag nasa sitwasyon kang ganto. Isama mo pa yung panahong ganto!Pakiramdam mo may karamay ka... may nakakaintindi ba sayo...Pero ang totoo mas lalo mo lang pinapalungkot at pinapaiyak ang sarili mo. Sabay singhot ko. "Tumayo ka na diyan!" Utos ni manang na lumapit pa sakin. Nagdadrama ang tao ee! Hinawakan niya ang noo ko. "Mabuti naman at nawala na ang lagnat mo! Kagabi nag aapoy ka ee!"Ano daw nag aapoy?! "Baka dahil sa galit!"bulong ko. "Nag away ba kayo ni pleum?!"
"Pleum na naman! Gusto ko ng mag move on manang kasi sobrang hirap ng pinagdaraanan ko! Hindi isang biro yung mag momove on na hindi naman naging kami!" Wala ee... Nahulog ako sa mga ngiti niya! Kasalanan ko bang naging marupok ako? O kasalanan niya dahil pafall siya?! "Hinihintay kasi kitang umuwi. Ee nung sumilip ako sa bintana nakita kong umiiyak ka tapos si pleum nasa likuran mo sinusundan ka!" Exagge na sabi ni manang. Ba't niya naman ako susundan? Ee diba nga hinatid niya yung girlfriend niya!
"Malabo na po yang mata niyo! Sana ako din... para di ko na makita ang pagmumukha nila!" Sabi ko dito saka tumayo na. Pagkalabas ko ng bahay sobrang gulo! Wala ng bago. Buhay ko nga magulo ee. Magtataka pa ba ako?!"Bitawan mo yan!" Utos niya ng buhatin ko yung isang sanga."Bitawan?Ayoko po! Ayoko pong maging katulad niya!Hindi pa nga kami binitawan niya na ko agad!"Tinignan niya ko ng masama."Ako ng mag lilinis dito! Magpahinga ka na lang!"
"Magaling na po ako. Yung puso ko na lang po yung hindi." Oo sobrang sakit. "A-Aray!Masakit po!" Reklamo ko ng paluin niya ko gamit yung sanga. "May pakiramdam pa rin pala ko kahit papaano akala ko natuluyan na ko. Natuluyan ng maging manhid!"
"Makipag ayos ka sa kanya yun lang yun! O di kaya tanggapin mo na lang yung katotohanan para gumaling yang puso mo!" Sabay turo pa ng tinutukoy. "Madali niyo lang pong sabihin yan kasi wala po kayo sa sitwasyon ko." Sabay pasok ko ng bahay.
Hindi ko na nagawang kumain pa sa sobrang depress ko. "Baka mabinat ka sa pinaggagagawa mo!" Galit na sabi ni manang pero hindi ko siya pinakinggan. Patuloy pa din ako sa pagkuskos... paglilinis at pag aayos ng mga nasira ng bagyo sa bakuran. Kapag di ako nagpakabusy baka mabaliw na ko. Kailangan kong ibalin sa iba yung atensyon ko. Tulad ba ng ginawa niya... nalipat lang ng upuan sa iba niya na ibinalin ang atensyon niya! ~sigh~
Mabilis kong natapos ang pag aayos at paglilinis maging sa loob ng bahay. Kaya balik ako sa pagiging tulala. Mabuti na lang tumawag si erl. Samahan ko daw siya. Pagkapasok ko agad akong sinalubong ng super loud na music. "Hey, boy. Make 'em whistle like a missile, bomb, bomb Every time I show up, glow up, uh Make 'em whistle like a missile, bomb, bomb Every time I show up, glow up, uh." napasabay na rin tuloy ako sa pagkanta. Ang ganda dito! Mukhang masaya! Sana nga totoo yung sinabi ni erl kanina sa phone na makakalimot ako!
May mga patay sinding ilaw. Mga nagsasayawan at nag iinuman first time kong makapasok sa ganto."Mar! Mar my friend!" Sabi ni erl na mukhang lasing na niyakap ako nito. "Let's celebrate!" Sabay abot ng isang alcoholic beverage sakin. "Hindi ako umiinom." Pag tanggi ko saka ito tinabihan nakapwesto siya sa counter sa bandang pwesto ng bartender.