Chapter 25: Vase

6 0 0
                                    

Chapter 25: Vase

"Bumangon ka na diyan at pumasok!" Sigaw ni manang sakin pero nanatili pa din akong nakahiga...pumasok ito sa kwarto ko at pilit akong pinatayo. "A-Ayoko na pong pumasok." Mahinang sabi ko. Parang naubusan ako ng lakas kakaiyak buong magdamag. Mugtong mugto ang mga mata ko habang yung buhok ko parang nabagyo. Ni di pa nga ko nakapagpalit ng suot ee. "At bakit hindi?"

"Wala din naman po kong pambayad ng tuition fee ko ee." Pagdadahilan ko pero ang totoo dahil sa hiya... Dahil sa nangyare kahapon. Konteng pagkakamali... Pero nasira ang lahat! Tiwala at respeto ng iba. Paano na 'to? Paano ko sila haharaping lahat? Kaya ko pa rin bang magbingi bingihan?  "Anong gusto mong mangyare sa buhay mo? Maging katulad ko? Nagtitinda ng lugaw?! Habang yung mga kaibigan mo may sarili ng business o sa office na nagtatrabaho!" Sermon nito. "Ano po bang masama sa pagtitinda ng lugaw? Ang importante naman po marangal at wala kayong inaapakang ibang tao!" Pagkasabi ko nito malakas na batok ang natanggap ko mula dito.

"Ano pang tinatanga mo diyan? Magbihis ka na at sasamahan mo kong magtinda! Para may kapalit naman ang pagtira mo dito!" Rinig kong sabi nito mula sa sala. Pumunta ako ng banyo at nagtoothbrush. Napatingin ako sa salamin.  Bahagya akong nagulat ng makita ang itsura ko. Mugto na nga ang mata ang laki pa ng itim kong eye bags... Kaya siguro hindi ako magustuhan ni pleum kasi ang panget panget ko! ~sigh~ naalala ko na naman siya! Kumusta kaya siya? Okay lang kaya siya? May gumamot kaya sa sugat niya? Nakatulog kaya siya ng mahimbing? Gusto ko na siyang makita!

Pagbukas na pagbukas namin nagulat ako sa unang pumasok dito. "Oh mabuti naman at nakapunta ka rin dito!" Masayang sabi ni manang dito. "Ilang araw ka na ring hindi kumakain dito ee! Nung nakaraang linggo pa ata yung huling punta mo dito. Tama ba ko?!" Dugtong pa nito. Ibig sabihin pumupunta pa rin si ruah dito? Napansin kong nagulat din ito ng makita ako dito. Di niya siguro ineexpect na magkikita kami dito. Pero bakit? Ee diba nga pagpapanggap ang lahat? Pagpapanggap lang lahat ng ipinakita niya samin! Sakin!

"Sabayan mo na ang kaibigan mong kumain dito!" Utos ni manang. "Hah?!" Sa gulat ko yan na lang ang nasabi ko. "Tandang tanda ko pa nung sabay kayong kumakain dito. Matagal na din yun. Kaya kumain ka na rin!" Wala na kong nagawa kundi ang umupo na lang sa tapat niya  kung saan palagi kaming nakapwesto nun. Bago kami sumubo ay nagkatinginan pa kami. Nginitian ko siya. Pero hindi ata niya napansin.

"Parefill po." Sabi nito. Oo pagpapanggap lang ang lahat pero this time napatunayan kong totoo ang ipinakita niya sakin noon hanggang ngayon sa t'wing kumakain kami dito. Maybe sa lahat ng lies niya ito yung nag iisang tama... nag iisang totoo. "Alis na po ko." Paalam niya ng matapos ng makakain. Di ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. "Ang ganda niyang bata!"

"Ee ako?" Malungkot na sabi ko. Si argan lang ata ang nagsabing maganda ako! "Oo maganda ka!" Pabulyaw niyang sabi. "Ok na din kahit napilitan atles may nasabi na kayong totoo!" Bigla niya uli akong binatukan. "Mare! Anong nangyare sa anak mo? Parang magdamag na umiyak ah. Siguro masunget ka sa kanya no?!" Sabi nung babaeng pumunta dito kailan lang. "Sobra po!" Bulong ko na ikinalaki ng mata niya. "May reunion next week idala mo yang anak mo ha!" Pagkatapos nilang makipagchikahan ay umalis na din ito.

"Bilisan mo diyan at magsasara na tayo!" Galit na sabi nito. "Agad agad?!" Pagtataka ko. Nag iba na naman ang mood niya. Basta nababanggit yung anak niya nagkakaganyan siya. Ano ba talaga ang nangyare?! "Lutuan mo ko ng masarap! Ipasok mo sa kwarto ko. At sobrang sakit ng katawan ko!" Pagdadahilan nito pero ang totoo iiyak lang naman siya ee. Pagkauwi namin nagluto na ko kaagad.

"Manang?!" Tawag ko sa kanya pero hindi ito sumagot kaya pumasok na lang ako sa kwarto niya. Inilapag ko sa mesa ang pagkaing niluto ko. Lalabas na sana ko ng mahagip ng mata ko ang isang litrato ng babaeng ka age ko siguro. Hinawakan ko ito at pinag aralang mabuti ang itsura. Kung di ako nagkakamali ito yung litratong yakap yakap niya nun habang umiiyak ee. Heto siguro yung anak niya! Sobrang ganda pala niya kaya bakit palaging napagkakamalang ako ang anak niya? Mahaba ang buhok niya na may pagka curl tulad ng buhok ko. May bangs din siya. Narinig ko ang ilang kaluskos na nagmumula sa Cr.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now