Chapter 18: Pleum

11 1 0
                                    

Chapter 18:Pleum

Halos mapatalon ako sa gulat ng mabusinahan ako! Ang luwang luwang ng daraanan!Inis na nilapitan ko ito ng huminto sa tabi. Pagbukas na pagbukas nito ay nahampas ako ng pintuan at lumabas doon si austin kasama si ruah! "SI RUAH!RUAAAAH!" Sabay dagsa ng mga fans nito na pinagbabangga bangga pa ko! Akala mo naman magmumudmod ng relief goods si ruah! Nakakagigil!!!~sigh~

"Mar!" Tawag ni pleum sakin kumaripas ito ng takbo. "Kumusta tulog mo?!" Nakangiting sabi pa nito. "Ok lang naman!" Sagot ko saka tinignan muli sina ruah at austin. "Bagay na bagay talaga sila!" Bulong ko.

"Nagseselos ka no?! Si mar nagseselos!!!" Pang aasar nito na agad kong itinulak. "Hindi ah!Ba't naman ako magseselos!!" Pagtanggi ko. Liar!!! "Bakit hindi?! Ee diba boyfriend mo siya? Kung ipagtabuyan niya nga ko nun wagas!" Seryosong sabi nito. Sana nga totoong boyfriend ko na lang siya... Para matawag kong akin siya! Kaso hindi ee... tuluyan na ring naputol ang kung anong meron kami... Meron nga ba?

"Tara na!" Yaya ko. "Anong ginagawa mo?!" Pagtataka ko ng kinuha niya ang books at bag ko."May lahi ka bang magnanakaw!" Bigla ko na namang naalala yung nangyare sakin kahapon. "Tss. Wag ka ng mahiya! Sa kapal ba naman ng mukha mo meron ka pa nun!" Pang aasar nito saka kumaripas ng takbo. "May sinabi ba ko?!" Bulyaw ko sa kanya saka siya hinabol.

Huminto lang kami sa pagtakbo ng makapasok na kami sa room. Agad ko siyang sinabunutan. Gosh! Ang lambot ng buhok niya tapos ang bango bango pa! Kumpara mo naman sa buhok ko garapata na lang ang kulang. Bigla niya naman ako kiniliti ee sobrang lakas ng kiliti ko! "Ano yan! Umagang umaga landi agad!" Parinig naman ni nicole na umirap pa.

"Inggit ka lang!" Sabat naman ni erl na kanina pa pala nakatingin samin at wagas makangiti! "Look oh! Ang sweet diba!" Sabay pakita nito ng litrato namin. Dumating na rin si austin kaya tumahimik na ko. "Austin gusto mo rin bang makita?!" Alok ni erl na agad kong tinignan ng warning look. "I'm not interested!" Cold na sabi nito. "Eeh di wag!" Pagsusuplada naman ni erl. Hindi siya interesado... Kung sa bagay nasikmura niya nga kong pabayaan na lang kahapon.

"Ruaaaah!" Sigaw ni nicole ng makitang pumasok ito. Niyakap pa nga siya ni nicole ee. Matagal na ba silang magkakilala?! Sa totoo lang pinipigilan ko lang wag tumingin sa likuran. Minsan kahit nakaharap ako sa gawi nila di ko tinry na tignan sila. Alam ko naman kasi na masasaktan lang ako. Bukod pa diyan baka pag tinignan ko sila pareho silang nakatingin sakin.

Pagkatapos ng klase namin ay nakahinga ako ng maluwag! Sa next subject namin di ko na makakasama si ruah. Ewan ko ba. Parang nagkaroon ng distance?! Ibang iba na talaga... Hindi na tulad ng dati! "Alam mo ba kaya nakabalik si ruah?! Ang sabi kakilala niya daw yung may ari ng school!" Rinig kong sabi ng klasmet naming babae. "Really?! So talagang rich kid siya?!"

"Ok ka lang?!" Bulong ni pleum. Sa gulat ko agad ko siyang nilingon busy kasi ako sa pakikinig ng usapan ng iba. Pero mas lalo akong nagulat ng halos maduling na ko sa lapit ng mukha niya. Simple lang ang kagwapuhan nito...  Dumagdag pa sa kakyutan niya yung suot niyang reading glasses na tulad kay detective conan idagdag mo pa yung style ng buhok niya na para bang nagpapabait sa kanya. Wala man lang kaangas angas.  Para siyang nerd sa mga stories o pelikula pero yung nerd na saksakan ng kagwapuhan.Para siyang totoy... Um...Swerte din naman ng girlfriend niya kasi sobrang bait niyang tao... Mukha ding loyal... parang di marunong manakit o magpaiyak... parang siya pa nga yung taong iiyakan ka ee. Bigla akong napangiti sa na isip ko.   H-Hindi ko alam pero... Bakit ako ngumiti?  kinakabahan ba ko?! "Tabi!" Galit na sabi ni austin na dumaan pa sa gitna ng kinauupuan namin dahilan para maputol ang pagtititigan namin ni pleum buti na lang dumaan siya kung hindi... di ko na alam kung papaano ihahandle yun! Pero teka nga dati rati naman hindi siya dumadaan dito! Tss Bigla tuloy uminit dito sa loob. Basta pagkatapos nun di na kami nag imikan!!!

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now