Chapter 19: The Truth
"Naku erl wag na!" Pagtanggi ko sa ibinibigay nitong uniform. Baka kasi di na rin ako magtagal dito... Wala ee... Wala naman akong pera pambayad ng tuition fee ko. "Hindi na 'to bago. Alam ko namang mas lalo mo lang akong tatanggihan kapag bagong bili ee!" Pilit nito. "T-Teka nga! Where's your bag?!" Pagtataka nito ng makitang nakaplastic lang mga gamit ko. Sirang sira na kasi yung bag ko. Yung isa ko pa namang bag hayun! Ninakaw!!!
"Magtataka ka pa ba erl?! Parang di ka naman nasanay na ganyan yang bestfriend mo!" Sabat naman ni nicole na ngumiti pa nakasandal ito sa desk ng prof namin na nasa harapan. "Alam mo ikaw napakasabatera mo no?! Siguro pinaglihi ka sa manok putak ka ng putak ee! Matakot ka baka bukas makalawa yang nguso mo humaba! Wala ka na ngang ganda!" Bulyaw naman ni erl dito nagsitawanan ang iba naming klasmet sa sinabi nito."Aba bakit sa tingin mo maganda ka?!" Sigaw ni nicole na akmang susugod na sana.
"Given na yan!" Taas kilay na sabi ni erl. Suportado ko 'tong nag uumapaw na ganda ng kaibigan ko! "Go erl!"sabi ko dito. Mukang nakahanap na ng katapat si nicole. Magsasalita pa sana 'to ng biglang magsalita si ruah "Stop it nicole!"
"Ganyan nga... Makinig ka sa bestfriend mo!" Dugtong pa ni erl ng di na ito nagsalita. "Wag tayong pumatol sa di natin kalevel!" Biglang dugtong pa ni ruah na umirap pa ng bonggang bongga! Magsasalita pa sana si erl kaso tinakpan ko na yung bunganga niya gamit ang uniform na ibinigay niya. "Kagigil!" Hirit pa ni erl. Nagsibalikan na lang kami sa upuan namin.
Sa t'wing may papasok sa pinto napapatingin ako. Late lang kaya siya?!Saka ako tumingin sa right side ko.~sigh~
Napatingin ako sa paper bag na kakalagay ni austin sa table ko. Kadarating lang nito. "Ano 'to?!" Pagtataka ko. Kaso hindi ito nagsalita kaya tinignan ko siya sa kinauupuan niya ng malipat ang tingin ko kay ruah na nakatingin lang sakin.
Sinilip ko na lang ang paper bag. Bag pack na mamahalin ang laman nito. Nagdal'wang isip pa ko kung tatanggapin ko 'to. Pero sa huli napag isip isip kong dapat lang dahil siya naman ang reason ng pagkasira ng bag ko! "Ibalik mo yan sa kanya!" Bulong ni erl sa left side ko. "Wag kang tatanggap ng kahit ano sa kanya!" Dugtong pa ni erl na akmang hahablutin na sana ang bag. "Ang hina kasi ni pleum!" Rinig kong hasik nito na with actions pa. Bugnutin!
Dumating na yung prof namin. "Ba't wala ka pa pleum?!" Bulong ko saka bumuntong hininga. "Ano yun mar?!" "Naririnig ko na rin ang boses niya! Namiss ko ba siya kaagad kahit kahapon lang naman ng last subject siya nawala."
"Can you read the first article pleum." Utos ng prof namin na ikinagulat ko! Halos mahulog na ko sa kinauupuan ko! Kung ganun kanina pa siya nandito?! N-Narinig niya ba yung pinagsasabi ko?! Huwaaaaat! Biglang nag init ang pisngi ko dahil sa hiya!!!
Pagkatapos niyang magbasa agad ko siyang tinanong kung kanina pa ba siya?! Ang sabi niya lang nakatalikod daw ako nung dumating siya. "Bakit mar?!"
"Um...Ano yun pleum?!" Pagtataka ko. "Kanina ka pa kasi nakatingin sakin. May dumi ba ko sa mukha?!" Bahagya akong nagulat. Nakatingin ako sa kanya?! Sure siya?! "Ba't naman kita titignan!" Medyo napalakas na sabi ko. "Yes Mar. Can you read it." Biglang utos ng prof. Naikinataranta ko. Napatingin na lang ako sa daliri ni pleum ng ituro niya sa hawak kong libro yung pinapabasa sakin. Tatayo na sana ko ng biglang basahin ni ruah ito. "Thank you ruah." Sabi ng prof namin. Pumalakpak pa yung iba naming klasmet. Nagbasa lang kailangan pang pumalakpak?! Then ipinaliwanag uli ng prof namin yung binasa ni ruah. "Austin read the last article."
"Tss. Di niyo ba kayang basahin?! Kailangan niyo pa ng tulong ng iba! Di naman kami bata ee!" Inis na sabi nito. Nagsitawanan naman ang iba naming klasmet. Hambog! Biglang tinapos na lang ni sr yung klase namin. Napakabastos kasi ng austin na 'to. Sarap banatan!!!