Abala ako sa pagkuskus sa mga damit ko. Ng may marinig akong boses ng lalaki sa loob ng cr ng inuupahan kong boarding house. Pinasok ko ito. Na tulala ako ng may makitang lalaking nakatalikod may cover na towel ang pang ibaba niya. Pag kaharap niya halos mabingi ako sa pag sigaw niya.
Bigla niya kong nilapitan at inakbayan ng pasakal. Hinila niya ko hanggang sa makalabas kami ng cr para niya kong rereslingin.
Inapak apakan ko ang paa nito. Bali na ata leeg ko. Hanggang sa kagatin ko siya sa tagiliran niya. "Aaaaaaah!"
Pero nagulat ako ng may makitang puting tela sa baba.... towel?
"Aaaaaaaah!" Sigaw naming dalwa itinulak niya ko mabuti na lang at sumakto ako sa kama then i cover my innocent eyes using my pillow. Lumabas lang ito ng makapagbihis na ng may kalumaang damit at short ng pambasketball.
"Hindi ka talaga makatulog no? Babayaran naman kita ee! Di mo ko kailangang sundan!" Galit na sabi ko dito. "Hindi talaga iyak ka kaya ng iyak kagabi!"
"H-Huh?! D-Dito ka natulog?!" Oo umiyak ako. Uminom pa nga ko ee. Sa daan pa lang inumpisahan ko ng uminom!!! Nalasing ako agad kasi di naman talaga ko umiinom. Mugto pa rin nga mga mata ko ee.
"It's none of your business!" Aalis na sana to kaso pinigilan ko lang. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya. Kaya tinanggal ko arte. "Ano nga?!"
"Ganyan ang pakiramdam kapag may tinatanong ka tapos di ka sinagot ng maayos!"
"Girls only dito!"pilit ko. "I know right!" Sabay lakad niya ng pambabae. Sumigaw ako ng walang sound sa sobrang inis ko. Di ko ata kayang makasama ang gunggong na yun dito!!!
Saktong pagkaupo ko para bumalik sa paglalaba ng may ilagay ito sa batsa ko. "Pakilaba na din to para bawas utang!"
"Babayaran kita. Hindi kita niloloko!" Madiing sabi ko. "Talaga? Ee diba sabi mo pumasok ako ngayon para ibigay lahat ng sahod mo. So ba't ngayon nandito ka pa?!"
"Tumawag ako sa store ang sabi ko masama pakiramdam ko!"
"Inaprobahan ba kita?!" Sabay taas ng kilay nito na ikinagulat ko. "Ee bat ikaw di ka pumasok ?!"
"A-Ouch s-sobrang hapdi pa kasi ng mga sugat ko di ko pa kaya magduty!" Nagkukunwari lang naman ata to.
"Labhan mo na mga damit mo!"
"P-Paano ee di ako makaupo!"
"Di tumayo ka! Ang simple simple ng problema mo!" Sabay buhat ko nung batsa sa lababo. Tinignan niya ko ng masama. Pero nagkuskos na siya. "A-Ouch! Y-yung braso ko n-nagagalaw. Y-yung sugat ko!" Sabay tingin niya sakin. "Di ka ba nakokonsensiya?!" Nagpapacute ba siya?
"Oo ako na! Ako na!!!" Sabay turo ko pa sa sarili ko. "Dapat lang kasi ikaw naman ang reason kaya nangyare sakin to ee!"
"Naglalaba na nga ko diba?!"
"Laba lang? Ipagluto mo rin ako!" Sabay higa niya sa nag iisang sofa sa sala. Saktong titignan ko siya ng bigla siyang dumapa. "A-Ouch" Nagkukunwari lang ata to! "Masarap ka bang magluto?!"
"Aba oo naman! Ako pa! Pag natikman mo luto ko sinasabi ko sayo hahanap hanapin mo!" Pagmamayabang ko.
"Huwaaaaaw Oh sigeee! Sa labas na lang!!! Libre mo ko. " Heto na nga bang sinasabi ko ee di pwedeng magsama sa iisang bubungan ang parehong dukha! Walang magkukusang manlilibre.
Pansin ko sa mga damit ng unggoy na to puro may kalumaan at butas butas na din. "Pati pa naman brief ko minamanyak mo?!"
"Ay shede ba!!! Kabahan ka naman!" Inirapan ko ito. Pagkatapos kong isampay ay nagpalit muna ko ng damit at nabasa ko. "Hoy! Ambilis mo namang maglakad!" Sigaw ni austin. "Ang bagal mo kasi para ka namang matanda uugod ugod!" Ayokong may makakita samin na magkasama kami!