Chapter 26: Last Floor

5 0 0
                                    

Chapter 26: Last Floor

Abala ako sa pagpupunas ng sahig ng biglang lumabas sa kwarto si manang."Tumayo ka na diyan at may pupuntahan tayo!" Nagulat ako ng isama niya ko sa pamamalengke at pagpunta sa mall. "Ano pong gagawin natin dito?!" Pagtataka ko pero hindi niya ko sinagot. Pumunta kami sa PamBueaty section Hindi ko mapigilang di mapangiti ng makitang nagtry ito ng lipstick at bumili pa siya ah like foundation, lipstick, blush on at kung anu ano pa! ee katanda tanda na nga ngayon pa niya na isip magpaganda!

Napatingin ako sa isang dress. Sobrang ganda!!! Pero nagulat ako ng makita ang presyo kaya agad ko ding binitawan. "Oh mar is that you?!" Maarteng sabi nito na lumapit pa sakin. Nakasuot ito ng hapit na hapit na black mini skirt at yung tube na kita ang pusod nakaboots pa nga ee. "You like this one?!" Sabay turo sa dress. Napansin kong mag isa lang nito. Hindi niya ata kasama ang boyfriend niya! Sayang naman. Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. "But the question is... Do you have money to buy this?!" Sabay tawa pa nito. "Miss kukunin ko na 'to!" Maarteng sabi niya sa saleslady. "Nagiisa lang 'to maam. Tanggalin ko na lang po sa manikin." Sabi naman ng saleslady sa kanya. "Much better!" Sagot niya sa saleslady na umirap pa ng bonggang bongga!

"Oh your still here pa rin pala mar. Oo nga pala san na ba ko huminto? Ahhh naalala ko na. Isa ka lang palang dukha! Nagtataka nga ko kung bakit ka nakakapasok sa gantong klase ng mall ee! Ang dapat mong puntahan ay sa kalye! Kung san ka mas bagay!" Sigaw niya sakin. Nanatili lang akong tahimik at baka marinig ni manang pagalitan pa ko. "Hoy manahimik ka kung ayaw mong ipakain ko sayo 'tong pinamili ko! Mas ok ng di maganda basta wag lang kasing panget ng pag uugali mo!" Sabat naman ni manang na ikinagulat ko. "W-What did you say!?" Di makapaniwalang sabi ni nicole na agad pang namula ang mukha. "Gusto mo ba 'to?" Tanong sakin ni manang na inagaw pa sa saleslady ang dress. Umiling lang ako.

"Excuse me? What did you say to my daughter?" Sabat din ng isang mukhang proffesional na babae. "Oh it's you!" Dugtong pa nito na ngumiti pa. "We meet again. Balita ko patay na ang anak mo ah. Pero bakit nandito siya ngayon? At proud ka pa na isama siya sa mall?" Sabay tingin nito sakin ng pababa pataas. Pakiramdam ko na judge niya na agad ang inner beauty ko sa pamamagitan ng pagtingin sa outer beauty ko. "At bakit hindi?! Bakit sa inyo ba 'to?!" Bulyaw niya sa nanay ni nicole. Napatingin ako kay manang ng mga oras na 'to hindi ko akalaing ipagtatanggol niya ko. Kapag wala siya ngayon dito sa tabi ko paano na lang ako? Anong laban ko?!

"Hindi ka pa din nagbabago mataas pa din ang tingin mo sa sarili mo kahit bagsak na bagsak ka na. Well ako ang isang nagpapalakad ng mall kaya pwede kong utusan ang guard na kaladkarin kayo palabas!" Banta nito. Walang duda mag ina nga sila by it's look pati na rin sa pag uugali. Ganto ba? Ganto ba ang gustong makasama ni pleum? Buti napag titiisan niya? Kung sa bagay magbabait baitan siya kasi boyfriend siya nito! "Mommy gawin mo na kasi! Wag na nating hayaang magpalabuy laboy pa sila dito! Nahahalo sa aircon yung mabahong amoy nila!" Maarteng sabi naman ni nicole na nginitian pa ko.

"Kahit ganto lang kami! Kahit mabaho pa kami! Basta wag lang kasing baho ng pag uugali niyo!" Sabay turo pa ni manang sa kanila. "Tama na po." Mahinang sabi ko habang nakayuko. "Umalis na po tayo." Sabi ko kay manang akmang aalis na sana ko kaso hinila ni nicole ang buhok kong nakatali. "Bitawan mo siya!" Galit namang sabi ni manang saka kinagat ang kamay nito. Nakisali na rin ang nanay ni nicole sa gulo. Napaupo ako at nakaladkad ni nicole. Namimilipit na ko sa sakit. Pakiramdam ko mabubunot lahat ng buhok ko! Pakiramdam ko makakalbo ako!!!

"Hooooy!bruuuuuha ka!!!" Rinig kong sigaw naman ni erl saka dali daling lumapit samin agad niyang sinakal si nicole gamit ang braso niya. Saka inilock gamit ang dal'wa niyang paa't binti sa katawan nito na ikinagulat ko. Nakahiga sila sa sahig. Halos tumirik na ang mga mata ni nicole. H-Hindi ko akalaing alam niya pala ang makipag resling. Si erl kasi yung tipon ng tao na maarte na sexy tapos biglang magiging fighter!"Bitawan mo ang anak ko!" Sabay palo ng bag nito kay erl. "A-Aray! Isa ka pang bruha ka! Isusunod kita pag katapos ko sa anak mo!" Bulyaw nito. Bahagya itong natakot pero sa huli nagpatuloy pa din siya sa pagpalo kay erl. "Tama na po yan!" Pigil ko sa nanay ni nicole pero ako naman 'tong pinagpapalo niya ng bag niya. "Buset ka talaga!" Sigaw ni manang saka sinugod uli ito. Nahinto lang ito sa paghampas ng bag niya ng masira ito.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now