Chapter 27: Bloody Reunion

12 0 0
                                    

Chapter 27:Bloody Reunion

"Pambubully. Yan ang sanhi ng pagpapakamatay niya. Nakita daw yung katawan niya sa cr ng pinapasukan niyang school. Ang masama hindi siya pinakinggan ng mama niya nung nagsusumbong pa siya... Nagbingi bingihan. Kaya ngayon sinisisi niya ang sarili niya sa ginawa niyang yun. Ang pagkakaalam ko pa nga ee hindi pa alam ng mga lolo't lola na patay na yung apo!" Napabuntong hininga ako ng maalala muli ang narinig ko sa mga nagkukumpulang chismoso't chismosa sa tapat ng bahay pauwi na ko nun. Ang sarap hagisan ng bomba! Mga peste!!! Dun pa talaga pumwesto!

Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan nakita ko siya habang pinapaligiran at pinag uusapan ng mga ka batch niya. Bakit? Bakit niya hinahayaang maliitin siya ng mga ito? Nasaan na? Nasaan na yung katapangan niya? Yung kasungitan niya! Bakit di niya ipakita ngayon!? Bakit pa siya pumunta dito? Kung alam niya namang ganto ang mangyayare sa kan'ya?  Sa nakikita ko ngayon...Wala kaming pinagkaiba.

"Buti naaatim niyang umattend pa sa kabila ng lahat."

"Dapat kasi hindi niyo na inimbitahan pa! Nakakasira ng party!"

"Look at her. See? Sobrang badoy!"

"Di man lang pinaghandaan!"

"Parang gusto ko na lang umalis! Nakakawalang gana!"

"Siya ang dahilan kaya nagpatiwakal yung anak niya! Iresponsableng magulang!" Yan ang mga salitang bumungad sakin pagkapasok ko pa lang sa reception."Pabayang ina!" Sabi pa ng isang babaeng maganda na nakasuot ng magandang black dress inisang lagok niya yung wine na hawak nito. Oo isang bote napagod ata sa kakachismis. Naglakad ako palapit sa kanya. Lahat sila napatingin sakin.Tama yan matakot kayo! Mapapahiya kayo ngayon sa sarili niyong pinagsasasabi. Magugulat kayong lahat! "Wow she look beautiful!" Sabi ng isang lalaking ka age ko. Agad naman siyang sinuway ng kanyang ina."Ang ganda ng hubog ng katawan!" Sabi pa ng isang mister bigla siyang hinampas ng asawa niya ng bag nito.  "Mom, Kaninong anak yan?"

"I wanna marry her!" Basta kung anu ano pang narinig ko.  Action."Mama!"sabay yakap ko dito. Gulat na gulat silang lahat kabilang na din si manang. Halos lumuwa na ang mga mata nito sa gulat para bang nakakita ng multo... Multo ng anak niya! Tinulungan ako ni erl na magaya ito nung nasa cr pa si manang kanina pumasok ako sa kwarto nito para kunan ng litrato ang litrato ng anak niya. Naglugay din ako at nagpabangs mabuti na lang may pag ka curl na din ang buhok ko tulad sa anak niya. Suot ko din ang dress na binili niya sakin sa mall nun. Hapit na hapit sa sexy ko daw na katawan. Daw ha! Daw! Baka sabihin niyo binubuhat ko sarili kong bangko. "Paano nangyare yun? Ang sabi niyo patay na ang anak niya!" Galit na sabi ng isang babae namay katandaan na din." Oo nga! Ba't ba ko nagpaniwala sa inyo! Nakakahiya!" Sabi pa ng isang babae na dali daling umalis. Nagsimula ng maging bubuyog ang mga ito. Naaayon na ang lahat sa plano.

"Bakit mo naman ako iniwan mama! Yan tuloy kung anu ano pang masasakit na salita ang narinig mo! Bat ba gustong gusto mong sinasaktan ng iba? Dapat lumaban ka! Dapat labanan mo silang lahat! Kayang kaya mo silang  patumbahin! " Seryosong sabi ko."Huh like mother like daughter! Ganyan na ganyan din ang ugali ng mama mo nung nagaaral pa kami! Palengkera!" Sabi nung babaeng nakasuot ng black dress.

"So anong tawag sayo, Ale?" Nakita kong namula ang mukha nito. "Pinlano nila 'to! Para mapahiya tayo! At magmukhang tanga!"sabat pa ng isang babae. Ang mga lalaki namang nandun ay naging tahimik lang. "Hindi kasi kayo naniniwala sakin na nakita ko sila sa mall nun! Kung sa bagay di naman kasi kapani paniwala na nakakapasok pala sila sa ganung klase ng lugar."sabi nung mama ni nicole na bahagya pang tumawa.

Umakyat ako sa stage."Makinig kayong lahat! Walang pwedeng mang api sa mama ko! Hindi siya pabayang ina! Kasi para sakin pinalaki niya kong tama... Matino at syempre maganda!" Sabay pacute ko. Ee sa tinuro ni erl ee pati the way na maglakad dapat daw pambeauty queen "Di tulad ng mga anak niyo. Di man lang kayo nagawang pigilan sa pinagpupuputak niyo! Ee maling mali naman yang pinagsasabi niyo! Tama ba? Tama ba na mang apak kayo ng kapwa niyo? Bakit? Dahil ba sa nakakataas kayo? Dahil ba nakasuot kayo ngayon ng mamahaling damit? Kung yan ang basehan So pwede ko din kayong pagmumura murahing lahat?! Pero syempre hindi ko gagawin! Kasi matino ako! Matino akong pinalaki ng mama ko. Pero pwede ring maging demonyo kung talagang gusto niyo. And i Thank you." Tapos na ang script makakakain na din ako sa wakas! Heto talagang sadya ko ee!

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now