Chapter 28: With you

19 0 0
                                    

Chapter 28: With you

"Tumigil ka na sa kakaiyak mo. Di pa ko mamamatay."Tinanggal niya ang suot niyang coat  saka Isinuot  ito sakin napatingin tuloy ako sa kanya habang ginagawa niya ito... sobrang lapit niya sakin. Pagkatalikod niya nakita kong duguan na ang suot nitong puting long sleeve. Umupo siya't sumandal sa isang punong kahoy. "Ano pang tinatanga tanga mo diyan?" T-Tinawag niya kong tatanga tanga? K-Kailan pa siya naging rude?! Nagulat na lang ako sa biglaang paghila niya sa kamay ko dahilan para mapaluhod  ako't mapasubsob sa matigas niyang dibdib. Saka niya ko nilock gamit ang dalwa niyang binti. Nanlaki ang mga mata ko ng magtitigan kami nito. Para bang tuluyan ng namagnet ang mga mata ko sa makinis at mala anghel nitong mukha. H'Hindi niya suot ang salamin nito sa mata. ito ang unang beses na makita siyang ganto! . Idagdag mo pa yung pagiging messy hair niya sobrang hot niya!!! Si pleum pa din ba 'to? Nakakapanibago.

"Wag mong sasabihin sa iba na sobrang gwapo ko ha!" Mahanging sabi nito na sinabayan pa niyang ngumisi. Ang kapal! P-Pero totoo naman ~Hmmft~ "Umm... T-Tara na kaya! Sobrang lamig na dito at malamok pa!" Nauutal na sabi ko. Ganun pa din ang sitwasyon ko nasa harapan pa din niya ko.  "Binigay ko na ang coat ko di pa ba sapat? Oh sige na nga." Sabay yakap nito sakin pero nagpumiglas ako. Gosh ambango bango pa din niya kahit pawisan na siya!! "Ayaw mong yakapin kita?" Walang ka emo emosyong sabi nito. "Umm..." Syempre gusto ko!!!  "Okay. Di ikaw na lang ang yumakap sakin!" naughty boy! "Umamin ka! Kambal ka ni pleum no?!" Seryosong tanong ko dito. "Umupo ka sa tabi ko!" Utos nito na pinakawalan na ko agad ko namang ginawa. "A-Anong ginagawa mo?!" Gulat na sabi ko ng isandal niya ang ulo niya sa balikat ko.Pinilit kong pakalmahin ang puso ko kasi sobrang likot na naman aatakihin na ata ko sa pusooo!!! Pero mas lalong tumindi ng hawakan niya ang kanang kamay ko! Magkaholding hands kami... Ang init ng palad niya!!! Sobrang lambot parang cotton candy! Kumpara naman sa palad ko na puro kalyu kalyo. Gosh kakahiya!!! "Inaantok ako!"

"U-Umm... eh di Uwi na tayo." Nauutal na sabi ko. "Di pa nga tayo gusto mo ng iuwi kita agad." Sa gulat ko sinapak ko siya sa ulo kaya di na to nakasandal sa balikat ko. Mas lalo akong nainis ng ngumisi pa ito di ba niya nahahalata na pulang pula na ang pagmumukha ko!!!. Gosh ba't ibang iba na siya!!! "Ba't ka pa ba nag iinarte ee ginagawa ko na nga ang gusto mo diba?" Taas kilay na sabi nito. Biglang naginit ang mga pisngi ko. Kaya Bigla ko siyang nasampal. "Ang sama mo! Nag sisisi na kong sinabi ko yun sayo!" Hasik ko. Sana di ko na lang sinabing kami na lang!!! Heto tuloy nahihiya na ko sa sarili kong katangahan at nag tandem pa sila ng magaling niyang girlfriend nun! Bigla niyang hinablot ang kanang braso ko. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa amoy na amoy ko na ang mabangong hininga nito. Medyo na sasagi na rin ng matangos niyang ilong ang ilong kong medyo may kaliitan. "Kapag hindi ka tumigil iiwan kita dito kasama ni laurence." Banta nito. Patulak pa niya kong binitawan. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko lang. Hindi dahil sa takot. Dahil 'to sa nakikita ko! Bakit siya nagbago? Dahil ba 'to kay nicole?! Nahawaan na ba siya nito?!

Pinili kong lumayo sa kanya. Pumwesto ako sa tapat nito saka sumandal sa puno dahan dahan ko siyang tinignan nakapikit ito. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Siguro palaging tinititigan ni nicole ang mukha niya sa t'wing natutulog ito. Tapos nayayakap pa niya! Ilang beses na kaya silang nagkiss?! So lucky! Ng gigigil akoooo!!! Siguro kapag siya ang katabi kong matutulog tititigan ko lang siya buong magdamag. Erase erase! Wag kang mag isip ng kung anu ano mar! Oo, Iniligtas ka niya ngayon pero kabayaran na lang 'to sa ginawa niyang pagpapahiya sayo sa buong campus! Sila ng girlfriend niya!!!Bigla akong napapikit ng magmulat ito ng mga mata. Nakita niya kaya? Nakakahiya ka mar!!!

Narinig ko ang ilang yabag papalapit sa gawi ko. Naramdaman kong may tumabi sakin at isinandal ang ulo ko sa matigas nitong balikat. Buong magdamag lang akong nakapikit kahit na nagtutulog tulugan lang ako! Pero sa totoo lang biglang kumalma ang puso ko. Ewan ko ba? Sobrang gaan sa loob. Maybe dahil i like him???

Saka lang ako napamulagat ng may bumusinang sasakyan sa harap namin pero agad din akong napapikit dahil malakas na liwanag ang bumungad sa mga mata ko. Ilaw ng kotse ni austin. Agad itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Saka lang ito kumalas ng lapitan ako ni manang na namumugto ang mga mata. "Akala ko hindi ka nahanap ni pleum!" Nag aalalang sabi nito. Anong ibig niyang sabihin? Alam niya kayang mangyayare sakin 'to? At bakit ako hinahanap ni pleum?!

Napatingin ako sa gawi ni pleum. Isinakay siya sa ambulansiya. Pero bago pa sila umalis nilapitan ako ni nicole. "Kasalanan mo 'to! Napakamalas mo talaga! Pang ilan mo na ba 'to mar?! Kung di dumating si pleum sa tingin mo masasaktan siya ng ganto?! Please lumayo ka na sa kanya! Wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya!" Galit na sabi nito saka ako itinulak mabuti na lang nasa likuran ko si austin. H-Hindi ko naman 'to ginusto ee. Sino bang tangang tao ang may gusto nito?! Sa pagkakaalam ko biktima lang din naman ako.

Pagkatapos ng pangyayareng to. Dumeretso kami sa police station para kunin ang statement ko. Dun ko lang nalaman na ang pumatay sa anak ni manang ay si laurence. Sa ngayon magkasama silang nasa kulungan ng mama niya dahil sa pagtulong niyang itago ang kademonyuhan ng anak niya. Kaya pala inimbitahan niya si manang sa reunion para maisama ako nito. Para patayin din! Ang akala kasi nila ako pa din talaga ang anak ni manang. Baka dahil sa magkahawig kami?!

Maliwanag na sakin ang lahat kaya pala nag sasara kaagad si manang sa t'wing nakikita niya ang mama ni laurence dahil malaya pa ding gumala gala kahit saan ang mga kriminal! Kaya din pala umattend si manang ay para ilabas ang katotohanan. Kaya pala siya bumili ng mga pampaganda nun sa mall para gamitin ko. Sa tulong ko gagawa ng actions ang mag ina para iligpit uli ako. Mabuti na lang dumating si pleum.

Si austin ang naghatid samin pauwi sa bahay. Hinagkan ako nito sa noo na ikinagulat ko mabuti na lang wala si ruah. Kinaumagahan pumunta ako ng hospital pagkatapos ng hearing para sana dalawin si pleum may dala pa nga kong soup na niluto ni manang bilang pasasalamat niya dahil di niya ko pinabayaan. Kaso nasa pinto pa lang ako ng biglang lumabas si nicole sa room ni pleum. Binuksan niya ang baunan inamoy amoy pa nga niya ito ee "M-Masarap yan." Sabay ngiti ko. Kaso bigla niyang isinaboy sa katawan ko. Mabuti na lang hindi sa mukha ko. "Ahh... A-Ang init!" Sigaw ko na mangiyak ngiyak pa. "Ganun ba kahirap intindihin ang sinabi ko mar? Mag aral ka nga para di ka mabobo!" May tinawagan ito sa cellphone niya maya maya lang ay kinaladkad na ko ng mga tauhan niyang naka suot pa ng itim na suit.

In'update din ako ni erl about sa pageant sa school. Pero sayang saya pa ang bruha Kasi natalo daw sila ni mhon. "Ibig sabihin hindi ka na niya madedate pa!" Sabay hagikhik nito kaya naman pala happy!!! Si ruah at austin daw ang nanalo. About sa singing contest ang black team ang nanalo. Si nicole abala kasi sa pag aalaga kay pleum. Todo effort. "Nagustuhan ba ni pleum yung niluto ko?!" Bungad ni manang ng makauwi na ko. Tinignan ko lang siya. Sa wakas mapapanatag na ang kalooban niya masaya akong natulungan ko siyang ipadakip ang pumatay sa anak niya. "Oo naman! Soooobrang sarap daw!" Sabay ngiti ko ng pilit. White lies again. Pumasok na ko sa kwarto ko. Dumeretso ako sa cr. "Ahhh." Impit ko ng malapnos ang balat kong nasabuyan ng soup walang ligtas ang boobs ko ang liit liit na nga lang ee!!!Hinugasan ko ito at nilagyan ng toothpaste. Sa sobrang pagod di ko namalayang nakatulog na pala ko.






Don't forget to vote, comment and share.
Thank you for reading.

Marguax Meets PleumWhere stories live. Discover now