Chapter 21:Boyfriend
"Guys listen to me! Isang beses na lang natin makakasama yung P.E instructor natin! Inilipat yung klase sa sabado!" Maarteng sabi ni ruah . "Sabado?! Ee sabado bukas ah!" Sabat naman ni erl na halatang nadismaya. "Wag ka ngang tanga diyan erl! Wala tayong klase sa kanya bukas kasi tapos na kahapon!" Sigaw naman ni nicole dito. Pero imbis na mainis si erl sa sinabi nito ay nagsigawan at sumayaw sayaw pa sila sa tuwa actually halos lahat kami. Pag dating sa subject na yun nagkakaroon ng pagkakaisa. Sana always...
Nabaling ang atensyon ko ng pumasok si pleum. Nagtinginan kami pero agad siyang umiwas ng tingin. Pinagmasdan ko lang siya habang dahan.... dahang naglalakad papalapit sakin........ para makidaan! Pagkaupo niya nilapitan siya ng mga lalaki naming klasmet. "Swerte mo di ka napagod mag push up kahapon!" Sabay batok nito kay pleum na nanatiling tahimik! Bakit ba hindi siya lumalaban!
"Baka naawa si sr sa payat ba naman niya! Baka magkalasug lasog yung buto niya! Hahahaha!" Sabi pa nung isa na sinabayan pa ng hagakhak. Pakunwari pang inaayos ang kwelyo ni pleum pero ang totoo sinasakal siya ng mga ito. Ang sabi ni manang lumayo ako sa mga gulo. Pinagalitan na naman niya ko ng umuwing may gasgas ang nguso. Pero hindi ko kayang panoorin lang siya na inaapi ng iba. Tatayo na sana ko ng biglang magsalita si erl. "Layuan niyo nga ang manok ko!" Hasik naman ni erl na namaywang pa. "Hoy! Tumahimik ka kung hindi baka mahalikan kita diyan!" Banta naman ng isa pa. "Yucks! Matakot ka nga sa sinasabi mo! Mas masahol ka pa sa kanser!" Maarteng sabi ni erl. "Pinagsabihan ko na kayo diba!!!" Sabi naman ni mhon na kakapasok lang nasa likuran nila ito na agad naman nilang ikinagulat. "Gusto niyo bang mabigwasan!!!" Dugtong pa nito agad namang nag sialisan ang mga epal. Napatingin ako kay erl... Aba iba din! Kilig na kilig ang bugnutin kong kaibigan!
"Pleum. Let's talk!" Seryosong sabi ni mhon sumunod naman sa kanya ito. Pakiramdam ko iniiwasan ako ni mhon?! Pero kung yun ang makakapag pagaling sa puso niya... kung yun yung makakapag palimot sa mga nakaraan namin why not?! Mag titiis na lang ako... Na kunwari hindi ko din siya nakikita.
Ano kayang pag uusapan nila?! Ilang minuto lang ay bumalik na si pleum. Napahinto siya sa may pintuan at matagal akong pinagmasdan sa totoo lang hinihintay ko siyang pumasok nginitian ko siya pero hindi niya ko pinansin. Pagkangiti ko naglakad na siya. Aaminin ko nasaktan ako.Iniiwasan niya ba ko?! Mag isa niya lang sa kinauupuan niya... mag isa niya lang sa isang sulok... "Pleum kung iniisip mong mag isa ka lang. Nandito pa ko." Bulong ko. How i wish na marinig mo. ~sigh~
Yung inayos na cheating arrangement nung P.E instructor namin yun na ang nasunod. Sa totoo lang gustong gusto ko siyang lapitan... gustong gusto ko siyang kausapin... kamustahin... tulad ba ng dati... kaso natatakot ako... natatakot ako na baka hindi niya ko pansinin... Natatakot ako sa kung anong magiging reaksyon niya... Baka masaktan lang ako.
Kaya hanggang tingin na lang ako...
Dumating si austin. Agad siyang nilapitan ni ruah. Iniabot nito yung jacket na inagaw sakin kahapon. Kinuha naman ito ni austin pero pagkatapos niyang tignan lumapit siya kay pleum at iniabot ito na ikinagulat ni ruah. "What are you doing?!" Maarteng sabi nito. Lahat kami nakatingin lang sa kanila. Kukunin ba niya?! Kanino ba talaga ito?! Inutusan lang ba ni austin si pleum na isuot ito sakin noon? "Iba ang kulay ng jacket ko!" Sabi ni austin kay ruah. Agad namang nabalin ang tingin sakin ni ruah na sobrang pula ng mukha. Di ko tuloy naiwasang hindi ngumiti. Medyo kinilig ako.
"Namiss mo ko?!" Sabi ni austin ng umupo ito sa tabi ko. Tinignan ko lang siya ng masama. Pero bigla niyang kinurot ang ilong ko. "Tantanan mo nga ko! Natanggal tuloy yung oil balak ko pa man ding ibenta! Para magkapera! Extra income." Iritableng sabi ko dito dahilan para tumawa siya. "May nakakatawa ba?!" Sabi ko dito habang tumatawa din. Saka ko muling tinignan si pleum. Nakaramdam ako ng hiya ng magtama ang mga mata namin. Nakita niyang nakatingin na naman ako sa kanya! Baka kung anong isipin niya! Iiiiish nakakahiya!!! Kaya nagpasiya akong wag na itong tignan.