Chapter 20: P.E
Hindi ako pinayagang pumasok ni manang ngayon. Pero kaya ko pang umabot sa last subject ko. Tutal wala naman na siya ee. Kailangan kong matiyak kong ok lang ba siya... Gusto ko rin siyang makita... Lalo na yung ngiti niya. Di ko ata kayang di ito makita kahit sa isang araw lang.
Pagkapasok ko ng klasrum nakita kong pinagtitripan ng mga klasmet naming lalaki si pleum. Pinagtatapon ang gamit nito sa basurahan may tumalsik din sa gawi ko. May kung anong nakasulat din sa puti niyang suot pang itaas. Lalapitan ko sana ito pero sa other door ng room biglang pumasok ang galit na galit na si mhon... Agad niyang inupakan ang mga ito.. Pinagtatadyak saka pinagsusuntok Wala man lang silang nagawa! Napanganga na lang ako sa pinag gagagawa nito."Walang pwedeng manakit sa kaibigan ko!" Galit na sabi nito saka itinulak ang isa sa kanila na sumakto pa sa basurahan. Pagkatapos nun agad ding lumabas si mhon. Nagsilabasan din ang mga bugbog sarado! Buti nga!!!
Umupo ako para pulutin ang notebook nito napansin kong may nakasiksik na picture dito. Laking gulat ko ng sabay namin itong pulutin nahawakan niya ang kamay ko...dahilan para magkatinginan kami. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "O-Ok ka lang?!" Usisa ko. Napansin kong napatingin siya sa I.D ko. Gosh! Gandang ganda siguro siya sa picture ko! Tanging tipid na ngiti lang ang naisagot niya sakin saka ito pumunta sa upuan niya para ayusin ang mga gamit nito. Napakasuplado naman ata niya ngayon?! May regla ba siya?! Di tuloy ako sanay! Dahil ba sa nangyare kahapon?! Hay naku kung alam niya lang! Hindi ako nakatulog kaagad! Puyat pa ko nito! Kakaisip kung ok lang ba siya?! Kung masakit ba yung pwet niya sa pagtulak sa kanya ni austin?! Kung masakit ba yung likuran niya dahil sa pagtulak uli ng buset na austin na yan! Sarap banatan!
"Mar!Pumunta na ba dito si mhon?!" Natatarantang sabi nito. "Bakit ka ba natataranta?!" Tanong ko saka umupo na. "Wala! Sinabi ko lang naman na inaapi ang manok ko!" Sabi ni erl na umupo pa sa table ni pleum at hinimas himas ang buhok nito. Napatingin ako kay pleum pero agad din siyang umiwas ng tingin. Bigla tuloy akong naguilty.
Napatingin ako sa bagong pasok na sina ruah at nicole na ngumisi pa.Iba din talaga kapag may kapit! Di man lang sila matanggal tanggal! Pinagalitan pa ko ni manang pagkauwi ko kasi puro galos daw ako!
Agad namang nagsipasukan ang iba pa naming mga klasmet. Laking gulat ko ng makita kung sino yung prof na pumasok! Nanlaki ang mga mata ko!!! Gusto kong magtago kaso huli na! Nakita niya na ko!!! Siya yung prof na pinapunta kami sa guidance office ni austin nun! Nung basang basa ako!
"For the meantime i will be your P.E instructor!" Sigaw nito sabay palo sa desk na ikinagulat namin! "Cheating arrangement tayo!" Sabay upo nito sa desk. "Ikaw! Dun ka!" Utos nito na may hawak pang stick na ginagamit niyang panturo turo! Biglang nabaling ang tingin niya sakin. Agad kong ibinalin sa ibang direksyon ang mga mata ko. "Miss kiti kiti dun ka!" Utos nito na agad kong ikinayuko! "Tumayo ka na kaysa naman pangalanan pa kita!" Pananakot nito. Wala akong nagawa kundi sundin ito. Laking gulat naman nila ng makitang ako ang tumayo kasi nga tinawag niya kong kiti kiti! Panigurado araw araw na sira ang araw ko nito! Napakamalaaaas!!!
"Sr kailan kayo papalitan?!" Tanong ng isa naming klasmet na lalaki. Paaaak** Napapikit na lang kami sa lakas ng pagpalo nito sa paa ng klasmet namin na agad ininda... "Tuturuan ko kayo ng tamang asal!" Biglang sigaw nito sabay mura!"Nabalitaan kong maraming pasaway sa inyo!" Dugtong pa nito. Bigla niyang itinuro si pleum sa tabi ni nicole. Kainis! Bakit kailangang paghiwalayin kami ng gunggong na prof na to?! Sa harapan ko pa dumaan si pleum habang nakayukot yakap yakap ang bag pack nito. Na trauma na ata kaya di niya na mabitaw bitawan yung bag niya. "Mamimiss kita!" Bulong ko habang nakatingin lang kay pleum. "Ano kamo?!" Sabi naman ni erl na tumayo na para makapunta dun sa new place niya. Nagpatuloy lang siya sa pag aayos. "Austin?!" tawag nito kaso wala siya. San naman kaya pumunta ang asungot na yun?! "Katabi mo siya." Sabay turo nito sakin. Rinig ko naman nag mura si ruah sa bandang harapan.