"Kumusta na kaya siya?!" Malungkot na sabi ko habang nakatanaw sa malayo. "Umm. Ilang araw na rin ang lumipas ee." Dugtong ko pa.
"Malay mo busy lang siya."
"Pakiramdam ko pinaparusahan ako sa ginawa ko sa kanya. I miss him so bad ruah! Gusto ko na siyang makita, makausap, makasama, makasabay sa pagkain sa lahat! Miss ko na ang ang pambubully niya."
"Naiintindihan kita." Maikling sagot ni ruah saka ngumiti ng pilit. "I have to go ruah, may duty pa ko!" Paalam ko dito na tumango lang. Tapos na ang klase ko. Pagkarating ko sa store ay abala sila sa paglilinis. Bibisita daw ang may ari. Tss matagal na rin nung huling beses na pumunta yung may ari.
Ilang araw na rin akong pumapasok dito sa store kahit na wala kong vacant gusto ko siyang makalimutan kahit ilang oras lang sana. Para siyang isang bangungot. "Mar, Pwede bang tumulong ka munang maglinis dito sa dinning area?! Pls." Pakiusap ni judee ang Bisor namin.
Habang nagmamop sa dinning area. Biglang may sumigaw na guest sakin. Sabay sabay na naman kasing kumain sina judee. "Y-Yes po?!" Sabi ko ng makalapit. "Bingi ka ba?! Kanina pa kita tinatawag!!!" Bulyaw niya. Pakiramdam ko na puno ng takot ang buo kong katawan. Di pa man din ako sanay na nakikiharap sa mga guest.
"W-Wala naman po k-kayong sinasabi."
Pero pinipilit pa din niyang meron daw. Meron nga ba? Sa kakaisip ko kay austin di ko na napapansin ang iba. "Itake order mo kami!" Galit pa ding sabi nito. Nanginginig ang mga kamay kong nagsusulat. Ni repeat ko ang order nila para sure. Lumapit sakin si master at kinuha niya yung piece of paper na pinagsulatan ko.After 30 mins. Ok na ang order nila. Pero wala pa sila judee. Ganun! Ganun sila katagal kumain! Ng matiyak kong ok naman na yung mga guest nag mop uli ako. "Hoy miss pakuha kami ng tubig." Utos uli niya pagkabigay ko ng tubig meron na naman yung sauce, parefill ng tubig at rice. Yung paisa isa! Nakakapagod ng di na siya nag utos sinimulan niya na kong lait laitin. Sobrang dugyot ko daw tignan para maging dinning. Bukod pa diyan bingi pa daw ako. Mali din daw yung order nila.
"T-Tama po yan. Ni repeat ko pa nga po diba?!" Pilit ko. Kinuha ko kay master yung copy kaso wala na daw. Nag hehesterikal na yung bakla. Naiiyak na tuloy ako. "Kapit bahay namin yung may ari dito! Gusto mo isumbong ko kayo?!" Sigaw ng guest nagsialisan na din yung ibang kapapasok lang na guest dahil sa kanya.
Di ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot na ko!!! "Ibig sabihin kapit bahay kita?!" Cold na sabi ng kaboses ni... "A-Austin?!"
"Ibig sabihin kayo yung mga eskwater sa bakuran namin!"
"At sino ka naman?! Isa ka lang crew dito akala mo kung sino ka ng magsalita! Mag ko' complain ako!"
"Go ahead." Dun lang nagsilabasan sila judee, shie, yung manager namin at yung iba pang kitchen. "Anong nangyare be?!" Usisa ni judee. Mabuti na lang umalis na yung guest.
Pakiramdam ko na trauma ako sa nangyare. "Bat nandito si marguax?!" Seryosong tanong ni austin. "S-Sinabi niya na dito muna siya para makakain kami!" Pagsisinungaling ni judee. "Diba?!" Sabay akbay niya sakin. Tumango lang ako ng pilit.
"Magsibalikan na kayo sa station niyo! At ikaw naman austin di pwedeng papasok ka na lang ng basta basta. What is your reason bat wala ka ng ilang araw?! Sita ni maam fearlyn. Ng di umimik si austin ay ako naman ang hinarap niya. "Ngayon alam mo na kaya kita nilagay sa diswash. Kasi alam ko namang di mo kayang ihandle ang mga guest di tulad nila judee. Kaya wag ka ng maging back snober!"
"P-Po?A-Ano pong nagawa kong m-mali?!" Pagtataka ko. "May nagsabi na panay reklamo ka daw dahil sa posisyon mo!" Galit na sabi ni maam fearlyn. Magsasalita pa lang sana ko ng biglang nagsalita si shie. Siya daw ang nakarinig. Bigla akong nanghina. "Bibigyan kita ng disciplinary action." Pakiramdam ko pinag tutulungan nila ko dito. Ano bang nagawa kong mali sa kanila?! May kasalanan ba ko?!
Suspendido ako ng halos isang cut off. Ok lang magtitipid na lang ako. Bukod pa diyan pinauwi na ko kaagad. Pagkasara ko ng pintuan ng boarding house nagulat ako ng marinig ulit itong bumukas.
Kaya sumilip ako sa pinto ng kwarto ko. Si austin!!! "Bakit?!" Sabi nito ng makita ako sa pintuan. "S-Saan ka pumunta?" Usisa ko kaso di niya ko pinansin pumasok na lang siya sa kwarto niya. Bigla kong naguilty kasalanan ko din naman. Sa ilang araw na lumipas na wala siya palagi ko siyang hinihintay gusto kong humingi ng sorry sa kanya. Na dismis siya sa school ng dahil kay mhon. Nakita rin sa cctv ang unang pagsuntok ni austin plus yung pagsuntok niya sa akin. Bukod pa dun may una pa kaming atraso yung unang gulong nangyare sa cafeteria. Pinaliwanag kong aksidente ang pagkakasuntok niya sakin pero wala akong napala.
"Tutunganga ka na lang ba diyan?!" Agad akong napatayo ng makita itong nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. "Nagugutom ako lutuan mo ko!" Utos nito. Di pa rin nagbabago napakabossy! "Anong gusto mong iluto ko?!" Sabi ko dito na sinundan pa siya
"Adobo o kaya tinola! Basta kung anong laman ng ref!" Pumunta ako sa mini kitchen. Inihanda ko yung mga rekado. Binuksan ko yung ref. "OMG! Bahala na!" Sabay dampot. Ilang minuto lang ay tapos na ko sakto namang lumabas ito.
Nasa mesa na lahat ng niluto ko. "Bakit ka pala umuwi?!" Usisa ko. Kumuha ito ng rice. Napakapoker face naman ata niya ngayon. Baka nahihiya dahil sa atraso niya sakin? "Sabi ko suspendido na rin ako tutal absent ako ng ilang araw!" Wow siya pa talaga ang nagsabi!
Kunot noo. Yan ang masasabi ko ng makita niya yung niluto ko. "Seryoso ka ba?!" Sigaw nito. "Sabi mo kung anong laman ng ref! Isa pa manok din naman yan di lang napisa!" Paliwanag ko.
"Ngayon lang ako makakatikim ng adobong itlog at tinolang itlog!" Sabay tingin niya ng masama. "Hindi ka ba magsosorry sakin?!"
"Bat ako magsosorry sayo?! Diba dapat ikaw kasi may atraso ka sakin!" Galit na sabi ko. "Wala akong atraso sayo kaya bat ako mag sosorry!" Seryosong sabi nito. Ngayon na nga lang kami nagkita mukhang mag aaway pa kami. "Nag enjoy ka sigurong kasama palagi si mhon habang wala ako!" Bulyaw niya.
Kaya sinagot ko din siya ng pabulyaw. Kung alam niya lang na miss na miss ko siya."Oo! Sobra!" Gusto kong umiyak dahil sa tuwa. Masaya akong nandito na siya.
Sabay naming hinugasan ang mga nagamit namin. Namiss ko 'to. Yung magkadikit kami habang nag kukwentuhan. (^___^ ). Pagkatapos naming maghugas pumunta kaming mall. Sabi ko mag tipid dapat kami. Ang sabi niya siya daw bahala sakin.
Ang sarap sa pandinig.
Thank you for reading.
Don't forget to vote and comment.
Godbless. 😊