tayo naman talaga ep1

152 2 0
                                    


CHAPTER 1
Coffee and tea

Hapon nuon, sa di kalayuang iskwelan ng san gabriel . Habang naglalakad ang mag babarkadang niana, gela, cathy at rose ay may napansin silang mukhang bagong notebook sa tabing kalsada. Nagkatinginan ang mga ito at dali dali silang tumakbo upang kunin ang pink na notebook na iyon. Si cathy ang nakakuha. nag apiran ang tatlo muling nag lakad pauwi.

"Teka saglit...pahinga muna tayo sa waiting shed na iyon" aya ni gela sa mga kasama.

" okey sige tutal pauwi narin naman tayo di na natin kailangan pang mag madali." Sagot naman ni niana.

Sumangayon ang lahat kaya nag tungo sila sa waiting shed. Pagkaupong pagkaupo ni cathy ay malakas niyang binasa ang nakasulat sa pink na notebook. Sa bandang ibabaw ng pahina ay may nakalagay na

For my tea ranch:
Please promise me you'll never forget our love.promise me!!! I love you so much

Lovelots,
Coffee latte

At sa bandang ibaba naman ay may sagot na

My dearest coffee latte:
Yes i promised. Until my last breathe. I love you more.

Love much,
Tea ranch

Kinilig ang apat na dalagita at sabay sabay nagtawanan.ipinapatuloy ni cathy ang pag basa sa nasabing notebook.
Mga 3 pahinang blangko ang nabuklat bago nagkaroon uli ng sulat.

"Naku diary ata yan eh.diary ba??" Tanong ni rose kay cathy.

"Palagay ko nga. O itutuloy ko ba ang pag basa ng malakas??" Tanong ni cathy

" SIGE" mala koryong sagot ng tatlo.

September 01,2018
3:30am

My Ever Dearest tea ranch,
Malamang ikagugulat mo ang sulat ko sa ating pink diary. pag pasensiyahan muna Ang aking dila ay umurong kaya dito nalang sasabihin ang aking saloobin saiyo. Naalala mo ba nuong una tayong nagkita??? Oo sa 7'11 iyon. lasing ako at ikaw naman ay gutom na gutom... nagkasabay tayong kumuha ng hotdog sandwich sa istante ng 7'11 at nakipag unahan kapa sa akin dahil nag iisa nalang at wala ng available pa na ganung pagkain. Napatingin ako saiyo ng masama kasi pati ang favorite coffee ko ay natapon dahil sa pagiging magaslaw mo.napaso pa nga ako..mabuti nalang at agad kang humingi ng sorry nuon at nagkatinginan ang ating mga mata. saglit na tumigil ang mundo ko pero ang mas nadama ko ay may kung anong gumalaw sa aking sikmura naisip ko na gutom din siguro ako nuong mga panahon na iyon.
Dahil sa inis ko saiyo, pagkatapos mong bayadan sa counter ang food na inorder mo ay tumabi ako sa inupuan mo at walang pasabi-sabi ay hinati ko ang hotdog sandwich at kinain ito. humigop sa iniinom mong green tea at sinuklian ka ng matamis na ngiti. Oo sinadya ko iyon para inisin ka....para ipakita sayo na hindi maganda ang maagawan ng dapat ay sa tunay na nauna..subalit imbis na nagalit ka ay sinuklian mo din ako ng ngiti at tila ok lang saiyo ang hatiin ko ang pagkain mo. Hindi ako umimik at pinagpatuloy ko lang ang pagkain. May naligaw sa labi ko na tirang ketsup kaya pinahid mo ito. Sabi mo nga..
"Anong ka bang bata ka...kanino ka bang magulang?? Napapabayaan kana o?!!! Gutom ka pa ba o lasing pa? Gusto mo ba ng bagong coffee? Teka ibibili kita"
At akma kang tatayo subalit pinigilan kita
Tila may guiltness kasi akong naramdaman sa pambabastos ko saiyo sumenyas ako saiyo para muli kang umupo. Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya ko saiyo umurong ang aking dila at walang salitang lumabas ang aking bibig...kaya ang ginawa ko ay sumenyas ako ng pang linguwaheng pipi na hindi ko man lang naisip kung maiintindihan mo ito.
Laking gulat ko nang sumenyas ka din sa akin at sinagot mo ako
( ay sorry hindi ko alam na pipi ka pala, sorry talaga)
Pinanindigan ko na ang pagiging pipi dahil sa na amazed ako saiyo. Iilan lang kasi ang interesado na makaalam ng sign language.
Nag usap tayo sa pamamagitan ng ating mga kamay. Walang ingay pero naghahagikgikan. Kung ano ano na ang napag usapan natin nuong araw na iyon.hindi ko na din maalala. Alam mo ba yung parang matagal na tayong magkakilala pero ngayon lang tayo nagkita??? Ganun ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko napansin na alas 10 na ng umaga ng matapos tayo mag usap sa kumpas ng ating mga kamay. Nagpalitan tayo ng cp number at nag paalam. Mula nuon ay lagi na kitang naiisip at sa twing naaalala ko ang una nating pagkikita ay napapatawa mo parin ako. Hindi ka naman komedyante pero napapasaya mo ako kahit wala ka pang sinasabi.

" Yun o.bolero." komento ni gela.
" wag ka ng gela, makinig muna tayo mamaya na yang komento mo" ismid ni rose
"Sige tuloy ang kwento cathy" anas niana

.....marami akong pinagpapasalamat saiyo dahil nabago mo ang mundo. Ang mundong minsan ko nang pinagisipang takasan at wakasan. Naalala ko pa nga nuong tumawag ka sa cp ko at bigla mo ding binaba at nag message ka na humihingi ng paumanhin dahil nakalimutan mo na pipi ako (kahit na sa totoo'y hindi)..ikaw na ata ang nag turo sa akin na mas powerful ang hindi pag sasalita pero ipinadarama ang tunay na pagmamahal kaysa may boses pero sumbatan lang maririnig. Yung sumunod nating mga pagkikita ay excitement ang naramdaman ko. Hindi ko akalaing magkikita pa tayong muli nuon kasi sino ba naman ako para bigyan mo ng oras at panahon. Galing ka pa ata ng trabaho pero nagawa mo paring magbigay ng oras para sa akin. Nanuod tayo ng sine sa sm south mall nuon di ba?? Mejo comedy nga lang ang palabas kasi parehas nating ayaw ng drama.. kahit saan magaslaw ka parin..natapon mo yung softdrinks na binili natin sa burger king. Para tuloy akong umihi sa pantalon ko habang ikaw naman ay tawa ng tawa sa paglabas natin. Naging kakaiba ang tema ng buhay ko nuon kasi kadalasan pag may date ako..maingay ako at bulero..pag tapos namin manuod ng sine nagyayaya na ako sa motel pumunta pero nang maka date kita ay obligado akong manahimik dahil paninindigan ko ang aking pagiging pipi.

Itutuloyy...

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon