tayo naman talaga ep 18

8 1 0
                                    

Its summer time.
Puno ng kung ano ano ang mga kamay ni alloy habang masayang nagbubulungan sina coffee at elaine.
"Tama palang naisama natin ang utol mo". Pagpaparinig ni elaine kay coffee.
"Sabi ko naman saiyo the best yang utol ko". Sabay kindat sa kapareha
"Geh....utuin nyo pa ako...di naman talaga ako sasama kung di lang libre itong outing na ito...kung alam ko lang na gagawin nyo akong chimoy, sana pala di nalang ako sumama" pagsisisi ng kapatid ni coffee.
"Ano ka ba tol, andami kaya chicks sa bora malamang mamamaga yang mga mata mo kakaboso sa mga ito.. chillax kalang brother palabas na tayo ng port o..." sabi ni coffee.
"Ahahayyyyy mga chicks. .andito na ang principe nyoooo Humanda na kayo yahoooooo" Sigaw ni alloy.
Inakbayan ni coffee si elaine habang papalabas sa port.
"its honeymoon time baby" sabay halik ni elaine kay coffee.
bahagyang namula si coffee sa tinuran ni elaine. Nahihiya kasi siya sa makakarinig na mga ganung salita...sinusubukan naman nyang maging showy subalit hindi parin nya masyadong gamay ang sarili sa ganung ugali.unti unti ibinaba niya ang pagkaka akbay kay elaine at pormal na naglakad. Kinuha ni elaine ang kanyang kamay at muling inilagay sa balikat nito.
"Baby nakakahiya pinagtitinginan tayo ng mga nakakasalubong natin sa daan" anas ni coffee
"Bakit ba? Hayaan mo nga sila dyan...di naman natin sila inaano" anas naman ni elaine.
Tumahimik nalang si coffee at
Isinuot ang kanyang darkshades para hindi niya mapansin ang mga taong kanilang nadadaanan.
Ngumiti siya kay elaine ..at si elaine ay yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Ma'am /sir ..saang station po tayo?". Tanong ng trisikel driver habang tinutulungan sila mag dala ng impake.
"Ah.. kuya station 2 po.salamat". Sagot ni coffee
"Baby,diretso tayo sa pinsan ko may na provide na daw siya na room para sa atin.kubo style yun pero aircon meron na ding food na nakahanda kaya pag dating natin dun kumain muna tayo at magpahinga mejo napagod din kasi ako sa byahe natin sumasama na ang pakiramdam ko eh" sabi ni elaine.
"Ok sige. Oiii..tol ikaw na bahala sa mga sobrang bagahe ha... paki bitbit mo na din yung kay elaine kasi di ko naman kakayanin ang lahat paghatian nalang natin...alam mo naman mahirap sa kanya mapagod."anas ni coffee
"Ok boss,amo,manager,ceo" sagot ni alloy na nakangiti.
Pag dating sa station 2  diretso sina coffee sa kwarto at nagbihis ng komportableng damit.napatingin ang lahat sa suot ni elaine.
"Wow...pang miss universe naman ang outfit ng hipag ko teka nga makalabas na sa sala at makahalungkat ng makakain"paghanga ni alloy kay elaine.
Lumukot ang mukha ni coffee ng makitang naka two pieces si elaine.akma siyang magsasalita subalit agad na pinigilan ni elaine.
"Ooooppss..opppss...oooopps. di pa ako tapos magbihis ok? May balabal pa yan at puke short wag ka ngang ano!!!"matawa tawang sabi niya
"Siguraduhin mo lang baby...tandaan mo akin lang yang maganda na yan kaya wag mong ipaglandakan na para bang ibebenta"masungit na sabi ni coffee
"Opo. Ito naman napaka old fashion talaga, wag kana magalit mahal naman kita e.". Dagling sagot ni elaine
"Sinasabi ko lang saiyo baby... ayaw ko ng ibinibilad yan sa iba dahil kaya ko ding ibilad ang sarili ko pero di ko ginagawa dahil para lang ito saiyo".anas ni coffee.
Saglit na napatahimik si elaine sa tinuran ni coffee. Hindi niya maitatatwa na mas maganda at mas kaakit akit si coffee sa kanya kung tuluyan itong mag aayos ng pang babae. Maputi lang siya at kayumanggi si coffee. Mas may hubog ang katawan nito at kahit hindi madekolorete sa mukha ay kapansinpansin ang kagandahan nito.
"Oi....ansarap ng pagkain!!!"sigaw ni alloy.
"Seafoods wow......." dugtong nito.
Duon lang naramdaman ni coffee ang pagkalam ng kanyang sikmura kaya agad niyang niyaya si elaine.
"Tara baby kain na tayo, sa takaw ni utol baka maubusan tayo dali".pag aaya niya sa kasintahan
"Oo nga mejo gutom na din ako,baby mamaya nalang ako magbabalabal ha tutal di pa naman tayo lalabas".sabi naman ni elaine.
"Okey sige, pero wag mong kalimutan yan pag nasa labas ng compound ha".anas ni coffee
"Opo..manang!!!" Pang aalaska ni elaine
"Sabi ko na nga ba di lang sa babae masiba ito eh...oi tirhan mo kami" sita ni coffee sa kapatid habang papalapit sa hapag kainan
"Ginutom niyo ako..andami daming abubot pinahawak niyo pati pag ppicture sa inyo pina career niyo sakin hmf!" Reklamo ni alloy.
Nagtawanan lang sina coffee at elaine sa tinuran ni alloy.
Matapos kumain ay nagpahinga muna sila sa kwarto at hinayaan nalang si alloy mag liwaliw sa labas. Habang nasa kama sila nag salita si elaine
"Baby, ewan ko ba kung bakit kinabahan ako sa araw na ito...parang may di magandang mangyayari".
"its only in your mind baby...kalma kalang...andito tayo para mag saya ok? Walang ganung pangyayaring masama mars.".sabay tawa ni coffee
"I dont know. Sa tagal na nating magkasama ngayon lang talaga ako kinabahan ng ganito".anas ni elaine
"Okey...kung anoman yang kaba mo ay iwaksi mo na baby.everything is fine okey? Just be calm and let the airs flow. Inhale and exhale ka baby dali...."
"Inhale...exhale....inhale...exhale"
"Hmf...ambaho amoy seafoods" sabay tawa ni coffee kay elaine
Isang malakas na kultap ang dumapo sa ulo ni coffee.
((Toink!.))
"gagong toh! Last mo na najoke yan ha".inis na sinabi ni elaine
"Eto naman di na mabiro....umusod ka pa nga dito sa akin... lika.... ng masisim yang amoy seafoods na yan he he he". dugtong ni coffee
" ehhhh....inulit pa talaga nya...hmf!!!bahala ka nga dyan". Sabay talikod ni elaine kay coffee
"Ay...tampo na ang bata! Sorry na agad baby. Lika na humarap kana sa akin...sige na" lambing niya kay elaine.
"I love you baby"
Dahan dahang humarap sa kanya si elaine na naka ngiti.
"I love you too".

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon