tayo naman talaga ep9

27 1 0
                                    

Araw ng pasukan.
Maaga gumising si elaine. Excited pa siya sa akin gumising upang asikasuhin ang mga gamit ko sa iskwela...habang ako? Halos idikit ko na ang katawan sa kama.
"Baby. Babbyyyyy.gising na 1st day mo sa school wake up na po."pang gigising niya habang hinahalikan ako sa noo..mata..pisngi..baba at ilong.
Iminulat ko ang aking mata ng akma niya akong hahalikan sa labi. Umungol ako at sumenyas ng paghinto sa kanyang gagawin.inilagay ko ang aking kamay sa kanyang mukha at pilit niyang idinidikit ang kanyang labi sa aking mukha. Dagli akong bumangon at dumiretso sa c.r.. naiwan si elaine na naka upo sa higaan. Nagmumog ako ng mouthwash habang nakatingin sa kanyang reation at pagkatapos nun ay muling lumapit kay elaine.
"Baby pede mo na ako i kiss po sa lips" paanyaya ko.
Abot tenga ang ngiti ni elaine. Mariin niya akong hinalikan sa labi na may halong pananabik.
"I love you baaabbyy. Good morning!" Anas niya sa akin.
"I love you too baby." Dagli kong sagot.
"Kumain ka na po.handa na ang agahan bhabes.nagluto ako sinangag ,half cook egg at cheesedog at coffee." Paanyaya nya.
"Ayaw ko kumain." Agad kong responde
Sumimangot siya.
"Ayaw ko kumain ng di ka kasabay" dagli kong dugtong sabay ngiti.
"Lika nga baby.kandong ka sakin gusto mo?" Tanong ko.
Tumango lang siya at ngumiti.
Tahimik kaming kumain ng agahan ngunit nakatingin sa isat isa.nakangiti habang kumakain. Bago pa matapos ang agahan nagsalita na si elaine.
"1st day na ng schooling mo... dapat ba akong mangamba?" Tanong niya.
"Mangamba saan baby?"tanong ko.
"Syempre...di naman ako nakaabot sa enroling di kita mababantayan dun baka may mga girls na lumapit saiyo at magpakilala...alam mo na." Mahinahong salita ni elaine.
"Susmio baby. Di ako cute para pag sabihan mo ng ganyan. Ang mukhang ito ay di kapanapanabik sa mga babae okey? Saka alam mo naman na devoted ako saiyo di ba?" Diretsahang Sagot ko sa kanya.
" ikaw lang nagsasabing panget ka. Syempre ikaw ang baby ko...cute cute mo kaya. Saka kahit saang aspeto cute ka kaya wag mo laging ibinababa ang self confidence mo... you are beautiful inside and out." Pagmamalaki ni elaine.
Ngumiti lang ako ng bahagya at tinapos ang pagkain.
Tinulungan niya akong magsuot ng aking uniform. Mabuti nalang polo tshirt black ang aming uniform at dark blue pants.
"Wow plantsadong plantsado baby... kaso baby..di po ako komportable sa plantsadong damit parang nasasakal ako sa singaw ng init... sorry to offend baby ha di ko nasabi saiyo" anas ko kay elaine.
"Okey lang baby. Sorry din.di ko naitanong saiyo buti nasabi mo agad. Hayaan mo next time di ko nalang plantsahin ang pang itaas mo.okey ba yun?" Sagot niya.
Tumango ako sa kanya at handa na pumasok.
"Huwag mong sabihing ihahatid mo pa ako sa iskul nito? Aba hindi ako kinder baby ha" panunukso ko.
Natawa siya ng bahagya.
"Yun nga sana ang plano ko pero naunahan mo lang ako he he he he"
"Hala ka.... wag mong gagawin yan..ay hindi na ako papasok!!" Dabog ko.
"Ito naman di na mabiro.pa hug nga ng makaalis kana baka magbago isip ko ihatid nga kita sa school hahahaha" sabi niya inihatid niya ako sa pintuan.
Kumaway siya sa akin at tinatanaw ako papalayo.
Sa iskwelahan:
Madali kong nahanap ang room ng major class namin.pagpasok ko madami dami din pala kaming magkakaklase. Lahat sila nakatingin sa aking pagpasok. Nasa gilid na pala ang guro at naghihintay sa mga papasok.
"Tell me your name. Where you from and what talent are you going to show" direktang anas ng titser.
"Patay.... sa isip isip ko." Napalunok ako.
"My name is feelicity short for coffee. Im from las pinas... and my talent??? Is .... is not yet discover teacher" namumulang sagot ko.
"Ok..im looking forward on that miss? Or mister coffee. The next time you enter in this room im hoping that you already know your talent.am i clear on that mr. Ms. Coffee?" Sagot ng masungit na titser.
"Yes maam." Nahihiyang sagot ko.
"Ok you may take your seat." Sagot niya.
Marami pang sumunod sa akin na nagpakita ng kani kanilang talento sa pag awit at pag sayaw..naging masaya naman ang unang araw nang pagsalubong ng klase at madali kaming nagkakilanlan ng mga magkakaklase dahil narin sa mga pinakita nilang talento. Ako? Ako lang ata ang hindi nakapagpakita ng talento sa kanila.ano nga ba ang talento ko? Parehas kaliwa ang aking mga paa. Sintunado pa sa sintunado kapag akoy kumanta na. Di naman ako manunula o di kaha madyikero...ano nga ba ang talent ko? Kailangan madiskober ko ito agad kung hinde ay mapapahiya ako nito malamang.bago mag tapos ang klase nagkaroon kaagad ng grupo grupo sa mga mag kakaklase. May grupo ng mga maarte at papogi. May grupo ng mga talentado. May grupo ng mga pasusyal at grupo ng mga tipong rock star at adik sa kanto.
Vacant time:
Naghanap ako ng smoking area upang matupnan na ang paglalaway ko sa sigarilyo. Pawis na pawis ako sa paghahanap tila napakalayo nito sa mga room. Umupo ako at hinanap ang sigarilyong baon.
"Lintek. Nakalimutan ko amg lighter ko sa shorts ko na hinubad" anas ko sa sarili.
May nag sinde ng lighter at itinutok sa aking sigarilyo. Nagpasalamat ako at hinithit ang pinananabikang yosi.
" albert.seniority dito" anas ng isang matipunong lalaki.
Duon ko lang siya pinagmasdan. Matipuno, gwapo at maangas ang dating ng lalaking ito. In all fairness di siya amoy marijuana para pagbintangan na adik at tambay ang pinagmulan.
" mga brad. Pag gusto nyo ng prat sabihin nyo lang saakin sama ko kayo sa samahan namin." Anas ni albert.
" feelicity-freshmen" pag iisipan ko ang alok mo na yan pero sa ngayon pag aaralan ko muna. Ano bang adhikain nyo sa prat nyo? Tanong ko.
"Simple lang. Lahat ng pangangailangan ng mag aaral ay mapunan.susuportahan..maging sandigan ng samahan at kapatiran.lahat pantay pantay at iingatan ang mga nakakababa yan ang samahan ng Sacrifice force.kung interesado ka kunin mo itong papel at i search mo."
Kinuha ko ang papel at isinilid sa bag.

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon