Ilang buwan pa ang lumipas na masaya kami sa naging takbo ng aming relasyon ni elaine. Isang araw, isang tawag sa celphone ang lalong nagpasaya sa amin. May donor na si elaine nasa hospital room na daw iyon at unti unti nang inaayos ang mga papeles. Agad agad na pinuntahan namin ng nanay ni elaine ang donor para pasalamatan sa ibibigay na pagkakataon na pahabain pa ang buhay ni elaine. Binuksan namin ang pinto kung saan makakausap namin ng personal ang pasyenteng donor. May oxygen ito at maputla ang mukha pero mas namutla ako at hindi halos makahinga ng makita ko ang donor ni elaine. Si tea. Nangilid ang aking mga luha at dali dali siyang hinawakan sa kamay.
"Hindi na daw niya mahihintay ang pinaka mamahal niya. Nalulungkot kami para sa anak naming iyan" anas ng nanay ni tea.
"Antagal kitang hinanap tea. Andito na ako mahal ko... bakit sa ganitong kalagayan pa kita makikita?" Tuluyan na akong napahagulgol.
Nagising si tea at tumingin sa akin. Halata ang pagkagulat niya. Halatang sabik na akoy makita. Hinawakan niya ako ng maghipit. Hinagkan ko siya sa noo. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ngumiti siya at sinapo ang aking mukha. Hinagkan ko ang kanyang kamay. Ngumiti sa kanya na may pait sa dibdib.
"Maylab...bakit??? Bakit nagkaganito?" Tanong ko sa kanya.
Lumuha si tea at pinatanggal sa ina ang oxygen. Nag salita siya ng mahina habang nakatingin sa akin.
"Coffee, sorry talaga.bigla kitang iniwan..ayaw ko kasi na malaman mo ang sakit ko... akala ko kaya ko mawala nalang ng di kita makikita. I miss you so much coffee at pinagsisisihan ko ang mawala saiyo. Mahal na mahal kita. Ngayon di na ako natatakot mawala kasi andito kana...hanggang sa huling hininga ko maylab wag kang aalis sa tabi ko ha..." anas ni tea.
"Shhhh... wag kana masyado magsalita makakasama pa saiyo...i always love you tea. Andito lang ako pangako." Muli hinagkan ko ang kanyang kamay at hinagkan siya sa labi.
"I love you more" maiksing sagot niya pero dama ko ang pagmamahal na iyon.
Unti unti siyang pumikit at lumuha. Pinunasan ko ito at hinagkan. Makulimlim sa labas ng hospital na tila ba nag babatyag ng malakas na pag ulan. Muling nag salita si tea. Coffee... i think its my time." Utal na salita ni tea.
"Promise me na aalagaan mo ang heart ko baby. I love you. Goodbye!" Huling nabanggit ni tea.
"Yes maylab.i will. I love you so much. Wait me there when my time is come, ill search you. I love you." Sagot ko
Ang sumunod nuon ay pag tunog ng aparato.
"Dok...dok..." sigaw ng ina ni tea
Naging abala ang lahat at dinala si tea sa operating room. Ang nanay naman ni elaine ay agad ding pumunta sa kwarto ng anak para asikasuhin ito. Ako??? Ako... tulala lang sa kwartong iniwan ni tea. Para akong sinabugan ng bomba. Unti unting nauupos na kandila. Hindi ko na alam ang nangyari pa dahil nag dilim na ang akin paningin. Namulat nalang ako na nasa isang pribadong kwarto nalang ako at naka suwero.
"Tea... tea.... teaaaa.." buladas ko sa aking pag mulat.
"Wala na siya tol". Tapik ng aking kapatid na lalaki.
Muli akong umiyak. Wala na ang aking si tea. Ang pinaka mamahal kong si tea.
" dalawang araw na nakalipas ng nai transfer na ang puso ni tea kay elaine... si elaine nasa ibang kwarto na ngayon tol.. nagising daw saglit hinahanap ka tapos natulog uli.ngayon di pa daw nagigising. Kaya magpagaling kana agad tol hinahanap ka na niya eh!." Anas ni utol.
"Bakit dalawang araw ako dito?" Tanong ko.
"Nagka nervous breakdown ka.kinailangan na scan ka kasi nung matumba ka tumama ang ulo mo sa bakal di mo ba dama na may tahi ka sa noo??? Ayan o.."sabay pindot ng utol sa ulo ko na may sugat
"Arayyyy... tarantado ka talaga!!" Sabay amba ko sa utol ko.
"Sorry na... pagaling kana kasi...sabihin mo sakin if ppuntahan natin si elaine ha? Alam ko kung saan ang kwarto nun. dadalhin kita duon" anas niya.
May kumatok sa pintuan. Ang nanay ni tea.
"Im sorry coffee. Wala ang anak ko. Gusto ni tea na ipa cremate siya kaya hindi na din namin papatagalin ang burol nito. Siya nga pala naparito ako para personal na ibigay ang box at sulat na ito saiyo. Kabilin bilinan niya na bubuksan mo lang daw ito kapag okey na ang lahat at handa mo na siyang iwan at kung may mahal kana na iba. Ako na pala bahala sa bill mo dito sa hospital pag okey kana sabihan mo nalang ako sa number na ito" Sabi ng nanay ni tea.
"Maraming salamat po. May gusto lang po ako itanong mommy..." anas ko
"Sige.. ano yun anak."
"Nuong wala po ba ako sa pag kakasakit niya ano po ang ginawa niya? Sobra po ba ang sakit na dinanas niya? Paano niya pinaglabanan ang mga iyon? Talaga po bang umiwas siya sa akin o kayo ang nag layo sa kanya sa akin??"
"Nung nalaman niya na may stage 4 cancer siya..she decided to leave you. Ginusto din namin na gawin niya iyon kasi para mas madali siyang mag focus sa gamutan niyang iyon...but when the time past by..habang humihina siya palungkot siya ng palungkot. Lagi ka na niyang kinukwento sa amin ng ama niya. Lahat ng memorable things na nasa box na yan. Lumalakas siya pag nakikita ang mga gift mo sa kanya. Huli na ang lahat nung pinapahanap ka na niya sa amin. We investigate kung ano na ang takbo ng buhay mo. Nuong nalaman niya na ang bago mong kasintahan ay nangangailangan ng heart donor ay agad niyang idino nate ang puso niya dito...sabi niya maalagaan mo daw iyon pag dun niya ibinigay. Kung alam lang namin na ikaw talaga ang mahal niya. Di na sana kami tumutol nuon pa pero huli na ang lahat. Wala na siya.hanggang sa huli gusto parin niyang ikaw ang mag alaga ng puso niya. Mahal na mahal ka ng anak ko coffee. Sana pangalagaan mo ang puso niya ha" humagolgol na iyak ng nanay ni tea.
BINABASA MO ANG
Tayo Naman Talaga
RomanceMahal ni coffee si tea. Sobra!!!! Pero ibinigay nya kay elaine ang kanyang sarili. Nasa pagitan siya ng naglalabang puso at isipan. Sino ba ang mananalo??? Ang puso o ang isip??? At si rhodel??anong papel niya kay coffee