tayo naman talaga ep30

7 1 0
                                    

Pinakikiramdaman at naka titig sa celphone si coffee .8 buwan na ang nakalipas ngunit walang elaine na bumalik sa kanya.itinuon na niya ang sarili sa pag aaral.
((Ubo....ubo..ubo....))
Ate ipapacheck up na kita sabi ni nanay bukas.nasosobrahan ka na ng pag aaral mo kaya humihina na ang resistensiya mo o ito na yung tinola.maghapunan kana.dinala ko nadito sa room mo habang mainit pa baka makalimot ka nanaman kumain masama saiyo yan."sabi ni alloy.
Tumingin si coffee kay alloy at kinuha ng pagkain...dun kumalam ang kanyang sikmura kaya kumain siya at humigop ng sabay ng tinola.mula ng magkahiwalay sila ni elaine ay wala siyang imik at naging matipid sa pag sasalita.
"Sarap ano?ako nagluto nyan teh...para saiyo talaga yan.pagaling kana at wag na magpabaya sa sarili mo.sana teh maka move on kana sa lahat ng pangyayari para yung guiltiness ko naman mabawasan... sorry kung di kita nagawang ingatan nuon pero promise di na ngayon ate...tutulungan kita makabawi sa pagkakamali mo...i love you ate."may lungkot na sabi ni alloy.
Tumingin siya kay alloy at muling itinuon ang sarili sa pagkain.
"Masarap ang tinola mo".maiksing sagot ni coffee.
Isang malaking ngiti ang ibinigay ni alloy sa kapatid.
"Salamat ate, oo nga pala...napanood ko sa news kanina...yung michelle na kamukha ni tea nahuli ng mga pulis at na televised sa tv...nahuli ang gaga sa pag tutulak ng party drugs.siya pala ang mga nagsusuplly ng drugs sa mga aspiring actor at actress pati na mga models.mabuti ngat nahuli na siya ang hayup na yun... ".sabi ni alloy sabay lumabas na ng kwarto ni coffee.
Makatapos kumain ni coffee ay isinantabi niya ang pinagkainan at itinuon uli ang sarili sa pag aaral.
((Uboo...ubo...ubo..))
Binuksan niya ang internet at tiningnan ang trending news. Million milliong party drugs ang nakuha kay michelle kaya malamang habang buhay na pagkakulong nito sa bilangguan.
"Tingnan mo nga naman kanya kanya tayong karma michelle ganun paman pinapatawad n kita."anas niya sa sarili.
Isinara na niya ang internet at napabugtong hininga ng malalim. Kinuha niya ang kwaderno at muling inumpisahan ang pag aaral.kumatok at pumasok ang ina ni coffee.
"Sinabi na ba saiyo ni alloy na check up mo bukas? Kukunin ko na ang mga pinagkainan mo..maya maya matulog kana baka magpuyat ka nanaman matindi ang ubo mo makakasama yan saiyo. Natawagan ko na professor mo at aabsent ka bukas.sumangayon naman kaya wag kana magpuyat.after ng check up pumasyal pasyal naman kayo ni alloy hindi yung nag kukulob kalang sa kwarto mo para malinis ko naman itong kwarto mo para ng bodega ang dilim dilim at maalinsangan..pinahiram kay alloy ng tito mo yung owner type jeep para hindi kana mahirapan sa byahe."
"Sige po." Ang tanging nasambit ni coffee sa ina.
Pinagmasdan siya ng ina at hinawakan ang ulo.
"Mabuti at sinat lang meron ka pero kailangan talaga na ma check up ka.feelicity halos 8 buwan na ang nakakalipas kaya wag mo na pahirapan ang sarili mo..hindi na tama yan sa kalagayan mo ngayon... pinatawad na kita pero patawarin mo din ang sarili mo"
"Sorry nay....hu hu hu hu".yumakap si coffee sa ina at paulit uli na nagsisisi.
"Sige na anak. Kaya natin itong trials sa buhay natin.naku.... ang laki laki mo na para ka parin talagang isip bata kung makaiyak".sabi ng ina ni coffee.
"O siya tapusin mo na yang ginagawa mo at magpahinga kana."
Lumabas na ng kwarto ang ina.pinahid ni coffee ang kanyang luha. Muling kinuha ang pluma at nagsulat ito.matapos ang ikatlong kwaderno ay iniligpit ni coffee ang mga aklat at libro.isinilid sa bag ang mga gamit at pumunta ng palikuran.
((Ubo...ubo...ubo..))
Nag shower si coffee ng kaunti dahil sa init ng pakiramdam.matapos ay binuksan ang tv at nanuod ng balita.
((Nasakote ng qc pulis ang pusher at usher na si ms.michelle klimaco habang nagbibigay ng party drugs sa nagpanggap na buyer.ayun sa mga pulisya ay matagal na nitong sinusubaybayan subalit lubhang madulas dahil sa madaming kilalang tao sa industriya ng media.halos tatlong kahon ng mga pills drugs ang nakuha sa kanya at nang matunton pa ang lugar na kanyang tinitirahan ay kahon kahon ang nakita pa dito.ayon sa source ay ginagamit din umano ni michelle ang kanyang karisma para maging malapit agad sa tao na kanyang target at paiinumin ng drugs ng di alam at paulit ulit niya na gagawin iyon hanggang hahanap hanapin na ang naturang drugs.nakapiit ngayon sa qc station 4 ang babae at hinihingian ng ilang pahayag subalit tila bangag pa ito sa ipinagbabawal na droga dahil iba iba pa umano ang kanyang pahayag.narito ang ilang bahagi ng video...))
((Why you doing this to me?I need my lawyer...isusumbong kita pag di niyo ako pinakawalan dito hahahahaha may party pa akong pupuntahan...are you coming with me guyz? Lets play!!! Madami kang matututunan sakin..".sabay inilabas ni michelle ang kanyang dibdib sa media at pinigilan ng mga kapulisan ang ginawang aksiyon ni michelle.
Pinatay na ni coffee ang tv at muling napaluha.
"Nasunog na ang utak niya sa drugs..sana di ko nalang siya nakilala..haissttt!!!".anas niya sa sarili.
Sa ganung posisyon ay nakatulog na si coffee.
Isang masamang panaginip.
6 11 1970.tumingin siya sa kalendaryo at tumingin sa paligid.naruruon siya sa isang lumang maliit na simbahan habang pinagmamasdan ang mga nasa paligid nito.paglingon niya sa kabila...katabi pala niya si elaine.nakatingin ito sa kanya at malungkot.akmang lalapitan niya sumablit biglang sumulpot si rhodel. Naka barong tagalog ito at pagtingin niya sa sarili ay naka gown naman siya na pangkasal. Tumakbo palabas si elaine at hinabol naman ni coffee.hindi niya namalayan na isang bangin ang kanyang nalakaran.nahulog ito at pilit na sinasagip ni rhodel.tuluyang siyang nahulog sa napakalalim na bangin nang mahawakan niya ang isang pusang kulay brown.si sputnik....
Me o yow ...me o yow...
Nagitla si coffee at nagising sa panaginip.nakita niya si sputnik na nakahiga sa kanyang tyan at masarap na natutulog.
"Oh.sputnik....salamat ha.ambait mo talagang pusa.mii....miiii.." anas ni coffee.

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon