1 buwan na muli ang lumipas. Nag iisip ako kung ano na ang nangyari sa atin tea??? Teka meron ba tayo??? Wala pa nga pero alam ko na may pagkakasunduan na ang ating mga puso..di ko din sure ang sinabi ko. Asan kana ba? Ano bang kailangan kong gawin para makausap ka?...
Tinawag ako ni utol. Sabi niya
"Tol iniimbitahan tayo ng birthday ng kapitbahay.tara may inuman duon sabi ko papunta na tayo eh"
Wala akong magawa kaya sumama ako sa kanya. Tshirt, pants at naka tsinelas lang ako kasi alam ko namang halos kapitbahay lang ang ppuntahan naming village.
"Tol ano bang pormahan yan.ang baduy" pang aalaska ng kapatid ko
"E ano naman kung baduy? Gwapo naman" sa isip isip ko na ngumiti lang sa utol ko.
Pag dating namin sa may birthdeyan ay agad kaming inentertain ng may ari...
"Halikayo pasok..parine... ipapakilala ko sa inyo ang mga dalaga dito" anyaya samin ng matandang babae.
"Aba eh maraming salamat po. Alam na alam nyo kahinaan namin lola he he he he" biro ni utol.
Isa isa naming nakilala ang mga magagandang anak ni aling bebang. Alam ni utol na hindi ako pala imik pero hindi niya alam na nag papanggap na akong pipi..nakilala na namin ang lahat Ngunit ang bunso daw ay hindi na makalabas ng kwarto dahil galing hospital. Nakipag huntahan kami sa mga naruruon..at nalibang naman ako dahil sandali kitang nakalimutan.
Napasarap din ang inuman namin kaya duon na kami nakatulog.
Kinabukasan:
Kumikirot pa ang aking ulo.pagkapa ko ay tila may bukol at sugat ito.
Isang tinig ang narinig ko mula sa pintuan
"ayyy gising na ang heroinne." Anas ni aling bebang.
"Kamusta kana iha??este iho??" Tanong nito sa akin.
Sumenyas lang ako ng okey at pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga. Bumulong ako sa utol ko
"What happen???" Bulong ko.
"Ay.... kasi lasing tayo kagabi di ba? Tapos si leonard papauwi na paauray suray. Lumabas ngayon itong bunsong anak ni nanay bebang...naku lumabas ang pagka maniac ni leonard basta nalang niya itong niyakap at pinaghahalikan. Ay kakagagaling lang pala ng hospital nito... sinugod mo si leonard at inilayo itong si elaine.kumuha ng dos por dos si elaine habang ikaw Kinarate mo si leonard..tumba si leonard..ayun tulog!!!
"Siya naman pala ang tulog...bat ako may bukol at sugat sa ulo??" Tanong ko na may halong pag tataka.
"Hehehehe.... e kasi eksaktong pag sipa mo sa mukha ni leonard at pag tumba niya ay siya namang palo ni elaine sa ulo nito... ikaw yung natamaan at nakatulog din." Matawa tawang sabi ni utol.
"Pambihira sino bang elaine yan ng masermunan" inis kong hinanap sa utol ko ang salarin sa aking sugat.
Ngumuso ang kapatid ko sa bandang gilid ko at nakita ang dalagang namumula ang pisngi sa kahihiyan. Nagitla ako at mejo nahiya. Saglit na napatulala. Napakagandang babae sa aking harapan. Ngumiti nalang ako at nag pakilala.
"Hi ms. Ako si fhee..coffee nalang dear.. ikaw?"
"Ako si elaine. Pasensiya na talaga di ko naman sinasadya coffee"
"Ay ok lang alam ko namang di mo sinasadya pero mejo masakit dito o" sabay turo sa bahaging may sugat.
"Ay... asan patingin?? Gamutin ko gusto mo?"sabi ni elaine sakin.
"Pwede bang puso ko nalang gamutin mo?" Patutsada ko sabay hawak sa kamay niya ay inilagay sa parte ng puso ko.
"Eheemmmmmm.....tol andito pa ako...mejo may side effect pagkakapalo saiyo..unti unti kang nagiging maniac tol". Anas ng kapatid ko.
Biglang tumunog ang aking tyan... malakas ito at tila kinakain na ang small intestine ng large intestine ko.
"Ay... oo nga pala oras na ng tanghalian..halina kayo at kumain na tayo" anyaya ni elaine.
"Palagay ko nga mukhang tumutunog na ang budega ni utol eh... tara kainan naaaa..." aya ni utol.
Hindi namin alam na magkahawak kamay Kami ni elaine habang ang kapatid ko naman ay may ngiting halong pang bbully.
Hindi na ako umimik. Dahil gusto ko amg nangyayari sa mga sandaling iyon. Pumunta kami ng kusina at pinagsandukan kami ni elaine ng pag kain
" kain kayo marami ha...lalo kana coffee.ikaw super hero ko kaya dapat pakabusog ka. Tumawag nga pala ang nanay mo umuwi na daw kayo pag ok kana at magising... nag alala.sila pero sabi ko ok ka naman dito" anas ni elaine.
" hindi pa ako ok..aalagaan mo pa puso ko" sagot ko.
Isang matamis na ngiti lang ang iginanti ni elaine sa akin. Habang ako ay ngingiti ngiting sumubo ng menudong handa niya. Si utol? Ayun... abala sa pagkain niya ng baboy. Nang matapos kami kumain ay nagtungo kami sa kwarto ni elaine. Habang si utol naman ako kausap ng barkada niya na kapatid ni elaine... nagkatitigan kami ni elaine. Ni lock niya ang pintuan, lumapit siya at agad akong hinagkan. Ikinagulat ko iyon dahil first time ko na halikan sa labi. Kadalasan ay sa pisngi lang ako hinahalikan. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko..parang sasabok. Nanigas ang buo kong katawan at para akong nakuryente. Matamis ang kanyang hininga at malambot ang kanyang mga labi. Parang langit ang aking napuntahan. Masarap sa pakiramdam. Nagulat ako nang unti unti niya akong hinuhubaran. Para akong robot na walang reklamo lung ano ang gustong gawin ng creator ko. Hinubaran ko din siya at nakakasinag na kaputian na katawan ang tumambad sa akin
"Wow.... laba ka ba sa tide grabeh ang ganda mo"
"Shhhhhh.... wag ka maingay. Alam mo ba gagawin natin??" Tanong ni elaine.
"Sa totoo lang virgin pa ako" sagot ko.
"Yeah i know. Halika... tabihan mo ako sa kama. Ill teach you something sweet." Paanyaya niyang may pag lalambing.
Muli niya akong hinalikan. Dahan dahan.ang kanyang kamay ay unti unti ring gumagapang sa aking harapan... nakikiliti ako pero sa hindi ko malamang kadahilanan ay hindi ko magawang mapigilan siya. Masarap ang pakiramdam na iyon. Nanginginig ang buo kong katawan..hindi ko alam kung takot o excitement ito. Ginaya ko ang ginawa sa akin ni elaine. Iginapang ko din ang aking kamay. Napangiti siya sa aking ginawa.Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Tayo Naman Talaga
RomantikMahal ni coffee si tea. Sobra!!!! Pero ibinigay nya kay elaine ang kanyang sarili. Nasa pagitan siya ng naglalabang puso at isipan. Sino ba ang mananalo??? Ang puso o ang isip??? At si rhodel??anong papel niya kay coffee