tayo naman talaga ep5

29 1 0
                                    

Lumipas muli ang 2 araw bago kami nagkita ni elaine. Inimbitahan niya akong muli sa kanilang bahay. Pumunta ako isang flower shop upang bumili ng puting rosas para sa kanya. Bumili din ako ng mumurahing chocolates pasalubong ko. Wala pa kasi akong budget para sa mahal na chocolate ang totoo niyan naka diskarte lang ako ng extra para sa pag d-drawing ng project ng kabataan sa amin kaya siya agad naisip ko na bilhan. Inilagay ko ang 3 pirasong rosas sa aking bag kasama ang chocolate at nag tungo sa kanila.
Pagdaan ko sa iskinitang masukal agad naagaw pansin ng mga tambay ang aking pag dating. Tinawag agad nila ako. Hindi ko alam kung p-punta ako o hindi pero napilutan din ako na magpunta sa kanila dahil wala namang ibang lulusutan pa.
"Tagay bata, alak pre bigyan nyo yang batang yan" anas ng matabang lalaki
"Ho?! A...eee.... sige po" kinakabahan na sagot ko
"Yan ang gusto ko yung hindi tumatanggi" sabat ng kasama niyang mukhang lasing na sa alak.
"Pasensiya na po kung iisa lang akong tagay kasi may ppuntahan pa po ako e baka magalit si nanay pag di ako maaga makauwi" anas ko sa kanila.
Ininom ko ang punong basong alak ng redhorse at ngiwi kong inubos ito. Inabot ko sa tanggero ang baso at naglabas ng halagang biente pesos na pera.
"Pasensiya na po, o ito pang dagdag kahit pulutang crackers" anas ko sabay lapag sa lamesa ng pera.
"Ayun oooo.... Salamat boygirl. O pare pambili natin ng yosi at mani" dampot ng isa sabay ngiti sa akin.
"Aalis ba po ako salamat po sa shot" pamamaalam ko.
"Sige boy. Pag may mangorsunada saiyo dyan, sabihin mo lang sa amin kami ang bahala ok??"
" sige po"
Dali dali na akong lumayo sa umpukang iyon para hindi na ako muling mabigyan ng tagay.
Nakarating na ako kina elaine na hingal na hingal at namumutla. Agad namang pinagbuksan ako ng gate ni elaine dahil kanina pa daw siya nag hihintay sa akin. Pagpasok ko nang pintuan nakita kong abala ang mommy niya sa pag iihaw habang ang tatay naman niya ay katulong nito sa pag aasikaso ng ihahapunan.
"Tamang tama tea.. dito kana kumain at magluluto ako ng masarap na ulam." Anas ng mommy niya.
"Ahh e.. sige po tita" sagot ko
" magandang gabi po pala sa inyong dalawa tito,tita" pagbati ko.
Tumingin lang sa akin ang ama ni elaine at muling nag asikaso. Hinawakan ako sa kamay ni elaine at nagtungo kami sa kanyang kwarto.
" i miss you bhabes" sabay halik sa pisngi ni elaine.
" ahmmmm... i miss you too.. by the way i have flowers and chocolates for you at my bag..teka kunin lang ha" anas ko kay elaine.
Tila excited siya sa regalo ko kaya tinulungan niya ako na buksan ang bag at ilabas ang flowers at chocolates. Pag labas ng regalo natawa siya sa nakita niya. Chocobot at flowers na mumurahin sino ba naman di ma didismaya nun.
"Pasensiya kana ha...wala pa kasi akong trabaho para mabigyan ka ng expenssive na chocolates and roses" anas ko na bahagyang nalungkot.
"Ano ka ba...wala sa kung gaano ka mahal ang regalo...kundi nasa nag bigay nito. I love you bhabes.thanks for the gift..i really apreciate it." Sabay amoy sa rosas na tangan niya.
Napangiti ako sa kanya. Unti unti kong nakikilala ang girlfriend ko kung gaano siya ka humble at sweet. Parang ang mahal ng pagkakabili ko sa mga rosas nuong siya na ang humawak ng mga ito kasi ganun niya pinahalagahan ang gift ko. Hinagkan ko siya sa noo at binuksan ko ang chocobot na dala ko at isinubo sa kanya. Para siyang bata na tuwang tuwa na subuan ng pagkain. Binuksan niya ang tv at nag set ng play station.
" tara game tayo???" Aya niya.
" aba mukhang magaling ka sa mga game ha?? Sige sige laro tayo ano lalaruin natin??" Tanong ko.
"Bhabes.. parang may na amoy akong alak. Uminom ka ba???" Tanong niya.
"Napa shot lang duon sa kabilang kanto.hindi ako maka hindi kasi mukhang mga lasing na baka kursunadahin pa ako,alam mo na.."
"Ahhhh... kaya ka din siguro natagalan ng punta dahil dun"
"Oo beh.ganun na nga"
"Next time sa umaga na kita pa p- puntahin para di delikado. Wawa naman bhabes ko buti hindi ka napahamak"
"Ok po sige.pili kana ng games para matalo na kita..cge naaa bilissss!!!"
"Ok. Lets play"
Halos dalawang oras din kaming naglaro na dalawa ang sumatotal siyempre palagi siyang panalo. Pinagbibigyan ko lang siya sa games kahit alam ko laruin ito. Hehehehe pero ang totoo magaling talaga siya. Halos lahat ata ng laruin namin kabisado na niya. Natigil lang ang laro namin ng kumatok na sa pintuan ang mommy niya..
"Mga anak.... dinner is ready!!!" Anas nito.
Nagtingin kaming dalawa at sabay na tumayo. Bago pa buksan ni elaine ang pinto binigyan niya ako ng isang halik sa labi.
" di ko naman magagawa na i kiss ka sa harap nila kaya kiss na kita hehehehe" pilyang sabi ni elaine.

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon