tayo naman talaga ep.34

4 1 0
                                    

Kinagabihan:
Nakahiga na sa kama sina coffee at elaine.
"Kay tagal kong hinintay na makasama kang muli...pero hindi sana sa ganitong sitwasyon.".anas ni coffee.
"Ang lahat ay nangyayari ayun sa tinadhana.nakatadhana tayo na magkahiwalay ng sandali pero pinagtagpo parin tayo para muling magkasama".sabi ni elaine.
"Ano ka ba...tayo naman talaga kahit nung una pa.oo dama ko yun!".sagot ni coffee.
"Papalakihin natin ang baby na normal at puno ng pagmamahal baby....hindi man tayo normal sa iba..pero normal ang pagmamahalan natin kaya dapat maging malusog at normal ang magiging takbo ng buhay ng bata...kahit pa parehas mommy ang meron siya".anas ni elaine.
"Pagka panganak ko..kailangan natin I settle ang parental rights niya....siya parin ang ama ng anak ko saka para may ama ang baby natin...okey lang ba saiyo na sa kanya ang apelyido ng bata at papasyalan siya nito pag lumabas na si baby natin?".tanong ni coffee.
"Kung ano ang nakakabuti para sa magiging baby natin yun ang gagawin natin.ano nga pala magiging name ng baby natin baby???.".sabi ni elaine
"Elainie..elainie tolentino".para maliit na elaine hihihihihi"sabi ni coffee.
"Mga 1 week lang tayo dito tapos ppunta tayo kina rhodel.kakausapin natin ang mama niya at ipagtatapat lahat lahat ng pangyayari para wala tayong secret at di mahirapan ang bata sa sitwasyon,ayaw ko din namang maguluhan siya pag dating ng panahon at pag away awayan siya... mabuti nang alam ng magulang ni rhodel ang katarantaduhan ng anak niya.wala na tayong pakiaalam kung tatanggapin iyon ng magulang niya ang mahalaga mabubuhay tayong normal.magiging malaya sa pagmamahalan at maging totoo sa mga sarili.".sabi ni elaine.
"Tama ka dun.halika nga dito at yakapin mo ako... di ko magagawang yakapin ka kasi patagilid na ako matulog eh.ikaw nalang muna."anas ni coffee.
Yumakap si elaine ang kamay niya ay inilagay sa tiyan ni coffee.
"Luh.... selosa?look mo baby...sinisipa niya ang kamay ko.selosang baby.oi....elainie,paakap lang kay mommy coffee..ikaw naman.i love you baby elainie..."sabi ni elaine.
"Salamat baby.salamat talaga at sa akin ka hanggang huli.i love you so much!".sabi ni coffee.
"I love you more."sabi naman ni elaine.
Kinabukasan:
Gumala sina elaine at coffee sa mga park at ma tourist spot sa Baguio habang kasama nina si albina at alloy.
"May napapansin ka ba kay alloy,baby?".anas ni elaine kay coffee.
"Oo.. parang binatang binata siya sa ayos niya ngayon...atsaka di makulit ha.sa tingin ko nag papa charming nanaman yan sa isang babae dito".matawa tawang sabi ni coffee.
"Ha ha ha kay albina ba? Mukhang bagay nga sila ano?".anas ni elaine.
Masaya ang pagbabakasyon nina elaine sa baguio.matapos ang isang linggo agad nilang kinontak si mrs.cheng at nakipagkita kita ito sa tagaytay sa isang pizza parlour.

fellow cab Tagaytay city:
Nakaupo sa isang sulok sina coffee at elaine nang dumating si mrs.cheng at rhodel.
"Parang kelan lang iha...napakaganda mo parin kahit na preggy ka na..ilang buwan na ba iyan at sino ba ang swerteng daddy ng baby?naku iho ambagal mo ayan tuloy naunahan kana ng iba..sayang!!!gusto ko pa naman para saiyo si coffee"nakangiting si mrs.cheng.
"Ayun nga po ang pag uusapan natin kaya nakipag kita kami sainyong dalawa".sabi ni elaine.
Naging mahaba ang usapan at naging masalimuot ang bawat detalye. Halos lumubog sa kinauupuan si rhodel sa kanyang kinauupuan habang ang ina naman nito ay paulit ulit na pag hingi ng paumanhin sa dalawa.
"Kung sangayon na ang lahat ay walang magiging problema.ipina consult ko na sa lawyer ko ang mga papers na pipirmahan nasasainyo kung gusto nyong nang pirmahan ngayon. Ilang araw nalang at ka buwanan na ni coffee I uupdate namin kayo lagi sa anumang kalagayan ni coffee pati ang panganganak niya at mga bills. Apelyido ni rodhel ang ilalagay sa birth certificate ng bata kaya ang responsibilities mo ay wag mong kakalimutan.
"Oo... sige.akin na ang ang mga papeles pipirmahan ko na para maging settled na lahat ito.!"maiksing sagot ni rhodel.
"Pasensiya na sa inyong dalawa ha mga iha. Wag kayong mag alala pag di niya tinupad ang mga nasa kasulatan ako na mismo ang mag aasikaso ng mga iyan.pasensiya na coffee iha.sa kabila ng pagliligtas mo sa kanyang kapatid eto pa ang ginawa at sinukli niya saiyo.nakakahiya talaga."anas ni mrs.cheng.
Matapos ang pormal na usapan ay masayang lumabas sina coffee at elaine. Maluwag na ang kanila loob na hindi na sila guguluhin ni rhodel. Lumibot muna sina si elaine at coffee sa peoples park at pinag masdan ang ganda ng tanawin sa paligid.
"Ready ka na ba next month baby?"tanong ni elaine.
"Medyo kinakabahan ako.1st baby ko siya kaya hindi ko alam kung paano ko siya mailalabas,dinadalangin ko lang na maging okey siya paglabas niya.". Sagot ni coffee.
"Ano ka ba...tayo ang magulang kaya okey na okey siya.di ba?".sabi elaine.
"Tama ka! Kaya di ako magagamba.sorry baby elainie...excited na kami ni mommy elaine mo makikita ka nanamin next month.".sabi ni coffee habang hipo ang tiyan nito.

Dumating na ang araw ng panganganak ni coffee. Sa emergency room.
Nagkakagulo na ang lahat.
"Asan na po ang daddy ni baby?".nandito oo ako..ako po ang daddy..siya naman po ang mommy(sabay turo ng kamay kay elaine) ay ako...ako po ang daddy kamusta po dok?"tanong ni rhodel.
"Congratulation po sir.its a bouncing baby boy and girl".anas ng doktor.
"Ha?you mean 2 babies?".tanong ni rhodel.
"Opo sir.babae't lalaki po ang anak mo.".sabi ng doktor.
Hinimatay si rhodel.mabuti at sinalo siya ni alloy.
"Ano ba para ka talagang bakla.hoi gisingggg!!"sabay tapik sa mukha ni rhodel.
((Ha ha ha ha daddy na ako... dinig niyo iyon daddy na akoo niyahahhha)) parang batang nag sisigaw si rhodel.
binisita nila sa recovery room si coffee.hinawakan ni rhodel ang kamay ni coffee.
"Salamat coffee.sa pagbibigay sa akin ng 2 magagandang bata.kahit papaano binuo mo na ang pagkatao ko.daddy na ako coffee.sobra ang kasiyahan ko.salamat talaga".
Ngumiti ng bahagya si coffee.

Tayo Naman TalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon