Kinaladkad ni alloy rhodel sa labas ng ospital at muli nitong binigyan ng isang matinding suntok.
((Ikaw pala nagpapagulo ng lahat...masyado mo nang ginugulo ang kapatid ko...halika dito ng madagdagan natin yang kagwapuhan mo halikaaa!!!)) sigaw ni alloy.
"Bayaw....tama na bayaw...aalis na ako".pagsusumamo ni rhodel.
Agad na kumaripas ng takbo si rhodel ng akma nanaman nitong susuntukin ni alloy.
((Humanda ka sakin pag nakita kita uli at wag na wag mo akong matawag tawag na bayaw dahil hindi yun mangyayariiiii)) hiyaw ni alloy.
Tuluyan nang nawala sa paningin niya si rhodel kaya bumalik na ito sa kinaroroonan nina coffee at elaine.
Nag iimpake na ang mga ito para umalis.
"Nakausap na namin ang doktor ok naman daw ang lahat mag papa check up nalang sa mga susunod na araw. kailangan na nating umalis baka mangulit ng mangulit yang taong yan dito."anas ni elaine
Tinulungan ni alloy sina elaine sa pag aasikaso ng mga papeles at mabilis silang nakaalis sa lugar.
"Alloy paki tawagan mo si nanay mo paki sabi dadalhin ko kayo Baguio sumunod nalang siya if gusto niya at wag ka mong ipag sabi kay rhodel para hindi tayo masundan ng mokong."utos ni elaine kay alloy.
((Ringggg..ring...ringggg))
"Hello....mudrakels....umalis na kami sa hospital at papunta na ng Baguio..oo sa Baguio nga po..wag na wag nyo sasabihin kay rhodel kung saan kami naruroon at gumawa ng iskandalo yang lalaking yan sa hospital.kung gusto niyong sumunod I msg mo nalang kami or tawagan mo ako ok?hello...oo tawagan mo kami..ayun parin naman ang number ni ate coffee. Sige....sige...byebye na..wag mo sabihin kay rhodel nay ha?opo may bimpo akong pamunas para sa likuran...ano ba yan mudrakels para naman akong bata pag pinag sasabihan.aray!!!! Oo...wag kana magalit sorry na... Sige mag iingat kami..I love you"off na ni alloy ang phone call.
Nagkatinginan si elaine at coffee.
Kinuha ni elaine ang kaliwang kamay ni coffee at inilagay sa kambiyo at hinawakan ito ng mahigpit.muli itong tumingin sa kanya.
"I love you".bulong ni elaine kay coffee.
"I love you more". Sagot naman ni coffee.
Tumungo sila pa baguio.halos 5 oras din ang kanilang binyahe,mabuti nalamang at halinhinan sila ni alloy sa pag ddrive ng sasakyan.gabi na ng matunton nila ang lugar nina elaine.ipinarada ni elaine ang sasakyan sa isang may malawak na lupain.. dirediretso silang nag tungo sa bahay at kumatok.
((Tok..tok....tok....))
"Insan....insan.....".anas ni elaine.
((Oi...insan andito pa ako....sandali)) sigaw ng pinsan ni elaine sukbit ang mga aning gulay at prutas sa kanyang ulunan.
"Musta na insan....halika pumasok kayo dito sa loob.pasensiya na at ngayon lang din ako nakauwi.late ko nang nabasa ang mensahe mo.halina kayo....pasok.."anyaya nito kina elaine.
"Mabuti't eto ang naisipan mong puntahan..presko at malamig ang hangin dito para sa buntis na kagaya ng kasama mo."sabay tingin niya kay coffee.
"Artista ka ba? Ang ganda mo naman kahit buntis ka...siguro babae yang magiging anak mo,pag nakataon maganda din siya pag lumabas". Anas nito kay coffee.
"Salamat naman kung magiging kamukha ko ang bata wag lang sa ama niya...ok na sa talino niya makuha wag lang mukha hmf."sagot ni coffee.
Tila may halong pagseselos si elaine sa usapan ng dalawa kaya agad niyang iniba ang kwento.
"Insan, madami pa bang kwentong kababalaghan dito?like...may mga nag mumulto pa ba?"tanong ni elaine.
"Multo?.naku wag niyo akong iiwan mag isa dito ate ha.takot ako sa multo".anas ni alloy habang namimilog ang mga mata sa takot.
"Kay rhodel ang tapang tapang mo pero takot ka pala sa multo ha ha ha ha".sagot ni elaine.
"Siyempre...multo yun ano. Di ko naman magagantihan ng sapak yun..ahhhh basta dapat sama sama lang tayo."sabi ni alloy.
Biglang nahulog ang takip ng kaldero sa bandang likuran ni alloy kaya napatili ang binata. ((Meyeowwww...)).hiyaw ng pusa
"Putek!!! Sabi ko na barbie..at talagang una pa siyang tumili samin ...nakakahiya ka hmf".buladas ni coffee sa kapatid.
"Ang mabuti pa...mag aasikaso na muna ako ng pagkain para maaga kayo makapamasyal bukas..dyan muna kayong tatlo ng makapahinga matagal din ang naging byahe niyo. Manuod nalang muna kayo dyan ng tv sa sala at dito muna ako sa kusina. Feel at home insan."anas nito kay elaine.
Inalalayan ni elaine si coffee at sa sala ay inayos ang gaza ng sugat ni coffee. Bahagyang napangiwi si coffee.
"Ay sorry...napadiin ko ba ng maiigi?".tanong ni elaine.
"Opo. Masakit kasi malamig ang klima dito parang kumikirot siya sa lamig.sumasabay pa ang galaw ni baby.".anas naman ni coffee.
"Alam ko kumikirot din anh sugat mo baby kahit di mo sabihin sa akin...tinitiis mo lang.halika baby...isuot mo itong jacket para di kumirot ang tahi mo sa bahaging puso". Dugtong ni coffee.
"Kilala mo parin talaga ako.salamat baby...kahit sa ganyang kalagayan mo sweet mo parin.kaya mahal na mahal kita.".sabay halik ni elaine sa noo ni coffee.
Sabay na napatingin sina coffee at elaine kay alloy. Nanginginig Bantulot at namumutlang nakatingin at nakaturo sa may hagdan.
Isang maputing maputing babae ang kanyang nakita at nakatitig.
"O san....kanina ka pa andyan?"tanong ni elaine.
"Oo san....nakipagtitigan na nga sakin itong guy na ito.".nakangiting sagot ng pinsan ni elaine.
"Ngayon lang ata nakakita ng taong albino".matawa tawang sabi nito.
"Ibig mong sabihin tao ka?akala ko diwata....hi... ako nga pala si alloy..alipin mo".
"Isang matamis na ngiti ang sinukli ng pinsan ni elaine.
"Albina ang pangalan ko ginoo.masaya akong makilala ka may pagka duwag ka pala sa ganitong hitsura."
"Hindi ah.... ang totoo niyan ay napatigil mong saglit ang puso ko kaya nakalimutan kong huminga ng sandali.pero ngayong nadinig ko na ang boses mo sigurado na ako sa nararamdaman ko...tara kape tayo albina..."
BINABASA MO ANG
Tayo Naman Talaga
RomantikMahal ni coffee si tea. Sobra!!!! Pero ibinigay nya kay elaine ang kanyang sarili. Nasa pagitan siya ng naglalabang puso at isipan. Sino ba ang mananalo??? Ang puso o ang isip??? At si rhodel??anong papel niya kay coffee