Kinabukasan.
Araw na ng check up ni coffee. Maaga silang nag asikaso para hindi sila abutan ng trapik.
"Alloy mag dahan dahan ka sa pag ddrive ha..ikaw pa naman ay kaskaserong maiigi.".
"Opo mother.wag kang mag alala di ako dadaan sa lubak" nakangiting sabi ni alloy.
Lulan ng owner jeep narating nina coffee ang asiyana hospital.Sa clinic ng doktor.
"Kayo po ang mister?".tanong ng assistant kay alloy.
"Ahhhh..hindi po kapatid po niya ako."dagling sagot ni alloy.
"Sige na alloy dun kana sa labas kami nalang ni dok dito."anas naman ni coffee
"Sige teh...maghahanap na din ako ng babaunin natin para sa pasyal natin mamaya mahirap na walang baon baka magutoman tayo pareho.i message mo nalang ako pag tapos kana dito ha?" Sabi ni alloy.
"Sige na.uboo..ubo...ubo..." Tipid na sagot ni coffee.Check up siya ng doktor. Sinilip ang history ng files ni coffee at nagsulat ito sa files.
"Medyo matigas ang ubo mo feelicity. Di ka pwedeng basta basta iinom ng gamot dahil makakasama na saiyo. Bibigyan kita ng bagong reseta.ito para sa ubo mo at ito para sa lagnat.mas mabuting herbal ang inumin mo like lagundi syrup dahil wala namang gaanong dosage yun. Kumain ka ng madami prutas more on vit C para mabawasan ang pag ubo mo at plema.hinay hinay sa pag pupuyat kasi nag ccause din ito ng panghihina ng emmune system mo.kung wala kang panlasa sa pagkain ay kumain ka na lang ng apple or banana .kahit di ka kumain ng kanin pwede namang patatas or kamote.magpalakas ka ms feelicity pilitin mo para di ka din mahirapan sa mga susunod pang buwan."sabi ng doktora ni coffee.
"Sige po doktora tatandaan ko po mga sinabi niyo." Sagot ni coffee.
"Wag ka din masyado mag iinom ng malamig na tubig para di lumala ang pag ubo mo..namamaga ang tonsil mo.iwas iwasan mo para di tuluyang magasgas at mamaga"dugtong ng doktora.
"Okey po dok!".
"After 7 days bumalik ka at I ccheck natin uli ang kalagayan mo para malaman ko kung hiyang ka sa gamot na binigay ko. Pagnakakaramdam ng pangangati or sa tingin mo lalong lumala ang sakit mo itigil mo ang gamot at bumalik ka agad...wag na hindi ok?"
"Okey po doktora"
"Okey sige.puntahan mo nalang ang assistant ko sa labas para ma I prepare ang mga ito."
"Sige po salamat po uli."
Lumabas si coffee at nag mensahe na kay alloy.agad naman sinundo siya ni alloy at nag byahe papuntang malate. Sa tabing dagat sila nag pahinga malapit sa starbucks.
"Ansarap talagang mag chillax sa tabing dagat ano teh?" Anas ni alloy.
Tumingin lang siya kay alloy at pinagmasdan ang alon sa dagat.
"Ma'am/sir eto na po yung order niyo na starbucks cappocino,eto na din po yung non fat milk."anas ng serbidora ng starbucks.
"Salamat ms....cute..anong pangalan mo nga uli???"anas ni alloy.
Ngumiti lang ang empleyado kay alloy habang sinipa naman ni coffee sa binti si alloy.
"Sorry na teh.nakyutan lang naman ako"paumanhin ni alloy.
Hinigop ni coffee ang cappuccino at napangiti ito.inintay nila ang pag lubog ng araw. sinindihan ni coffee ang sigarilyo.
"Teh... alam mo nang inuubo ka pero nag yosi ka parin.alam mong masama saiyo yan pero sige pag bibigyan kita ng isa lang...pero dapat wala nang kasunod yan ok?".pag aalala ni alloy.
Tumango lang si coffee at muling humithit ng sigarilyo.
((Ubo....ubo....ubo....))
Humithit pa ng isa pa...at pinatay na ang sinding sigarilyo.
Muling itinuon ang sarili sa dalampasigan.tahimik siyang nagmmamasaid sa paligid.walang imik.
"Ateh..madilim na at nag uumpisa na din ang trapik umuwi na tayo next week sa rizal naman tayo maglakad lakad ha.??"aya ni alloy.
Dahan dahang tumayo si coffee at iniligpit ang dalang gamit.
Marahan na sumakay sa owner jeep at nag seatbelt.
Marahan naman ang takbo ni alloy sa pag mamaneho subalit bigla na lamang may sumulpot na bagong bagong sasakyan at nagiliran sila nito.nagitla si alloy at agad natinapakan ang preno na siya namang kinagulat ni coffee.
"Aba't tarantadong driver yun ahh... tulog ba siya at tanga teka ng bababain ko"galit na sabi ni alloy.
Kinatok ni alloy ang tinted na kotse.
((Hoiyyyyy!!!! Bumaba ka dyan..kung gusto mong magpakamatay..ikaw nalang wag kang mandamay pa..baba))
Bumaba ang driver at parehas sila nagkagulatan ni alloy
((Ate elaine ikaw ba yan?))
((Alloy???))
"Walastek ang liit ng mundo...ikaw pala iyan..at ako pa ang na tyempuhan mong nabangga mo hehehhehe" nakangiting anas ni alloy
"Naku alloy pasensiya kana kasi kalalabas ko lang sa casa ng bagong bili ko na kotse medyo di pa ako sanay pasensiya kana talaga malaki ba ang damage" paumanhin ni elaine
((Alllooooyyyyyyy)) sigaw ni coffee
"Naku si ate coffee." Natarantang bigla si alloy.
Lumapit si alloy kay coffee. Nakitaan niya ito ng napakaraming dugo.sa pagka taranta ay agad na tinawag ni elaine.
"Dalhin mo siya sa asiyana hospital sa emergency room at duon tayo magkita." Bitbit niya si coffee at inilipat sa kotse ni elaine. Natulala si elaine habang pinagmamasdan si coffee. Duguan ito.pinaharurot niya ang sasakyan at dinala ito sa hospitalSa emergency room.
Hawak ni elaine ang puso nito habang inaasikaso nila si coffee.
"Sino ho ang kasama ng pasyente?" Tanong ng doktor.
"Ako po...ako po.. kamusta na po ang kalagayan niya?".umiiyak na si elaine sa pangyayari.
"Natusok ang tagiliran niya mula sa isang stainless na bagay mabuti't nakalihis ito at hindi tumama sa dinadala niyang bata.marami rami din kasi ang lumabas na dugo sa kanya ..at medyo mahina ang katawan..kailangan paring obserbahan natin ngayon si mrs. baka mapaanak siya ng di oras kapag di niya kayanin at tuluyang manghina.
"Dok gawin nyo lahat ng makakaya nyo para mailigtas sila wala pong problema sa pera ako na pong bahala.
"Ok sige.pakihintay kami sa delivery room"
((Ate..ate...ate elaine ano na ang nangyari)) hahangos hangos na lumapit si alloy kay elaine.
Humagolgol ng iyak si elaine kay alloy sapo ang puso nito.
BINABASA MO ANG
Tayo Naman Talaga
RomanceMahal ni coffee si tea. Sobra!!!! Pero ibinigay nya kay elaine ang kanyang sarili. Nasa pagitan siya ng naglalabang puso at isipan. Sino ba ang mananalo??? Ang puso o ang isip??? At si rhodel??anong papel niya kay coffee