Last day of May in Como Italy
Dalawang magkatabing daliri ang tumuro sa makulimlim na langit na may dalang mabigat na ulan "Heavenly Wind Cutter!" ang sigaw ni Vinz habang nasa veranda sya ng apartment nila. 165cm ang tangkad nito, may itim na buhok na uma-abot ang bangs hangang mata, may brown eyes, matangos na ilong at medyo tan ang kuti. Naka pose sya ng mga five seconds habang tinititigan ng mabuti kung mawawala ang ulan. Nung walang nangyari ay pumasok na ulit siya sa kwarto at sabay talikod ulit at pinagkabit niya ang kanyang dalawang kamay na nataas baba habang naka pikit "sana maaraw bukas, sana maaraw bukas, sana maaraw bukas"
Sa sahig ng kwarto ay dalawang malaking maleta na punong puno ng gamit: may mga chocolates, damit, pantalon at sari saring mga pampasalubong. Pumasok and isang babae na may dala dalang kuschilyo sa isang kamay at isang rectangle na box sa isa pa " Toy" sabi ng babae sabay turo nya kay Vinz ng kutshilyo "sa tingin mo kasya pa to sa bagahe mo? Bigay mo kay tita mo".
"Akin na Ma, tingnan ko kung kasya pa" sagot ni Vinz. Iniayos na niya ang maleta niya at tinimbang na ang mga ito. Inilagay nito sa timbangan ang unang maleta at nakita na ito ay 23kg pagkatapos ay sumunod ang pangalawang maleta na 22.3kg. Labis ng 5.3kg kaya kailangan nya mag tangal ng gamit. Ibinaba niya ulit ang maleta, binuksan, hinalwat, inayos, sinara at tinimbang. Labis padin ang kilo kaya naman, ibinaba na naman, binuksan, hinalwat, inayos, sinara at tinimbang ulit. Labis padin ng 1kg at dito nagsimula uminit ang ulo ni Vinz. Kinaylangan nya ulit buksan ang kanyang malate, sa pagkakataong ito ay isa lamang ang kanyang binuksan. Inulit na naman ang pag tatangal ng gamit at pag aayos. Pinapawisan na si Vinz kakalagay at tangal ng kanyang mabibigat na mga bagahe sa timbangan. Sa pagkakataong ito ay nag concentrate sya ng mabuti at hinintay ang number na lalabas. Umakyat hangang 20.6 ang timbang pero unti unti ito bumababa 20.5... 20.4... 20.3... 20.2... 20.1... 20kg. "YES! Oh my god, nabawasan ako ng 5 kilos doon ah, grabe".
Pumasok si Vinz ng kusina kung nasaan ang kanyang dalawang babaeng pamankin at nanay. "tapos kana mag impake?" tanong ng mama ni Vinz. Tumakbo ang 5 years old na pamanking ni Vinz papunta sa kanya at sumabit sa binti nya para makipag laro sa kanya "Yup, kakatapos ko lang. Pinawisan ako ng todo... What cha cooking, mommy?"
Binuhat ni Vinz ang pamankin niya at ini upo niya ito sa upuan na nasa harap ng lamesa at katabi niya ay ang pinsan niya na mas maliit pa na naka upo naman sa upuang pambata. "Beef and broccoli, ready na ito kaya mag hain kana at kakain na tayo" sabay sabi ng nanay ni Vinz pagka talikod niya para humarap kay sa bunso niyang anak.
Nag labas si Vinz ng damit mula sa isang Cabinet na mahigit 3 metro ang haba at 2 metro ang taas. Itinabi nito ang kanyang susuotin sa paanan ng kanyang kama. Pumunta sya ng living room at nag latag ng isang blue mat pang exercise. Humiga si Vinz at ipinusisyon ng mabuti ang mga kamay nya. Itinaas niya ang kanyang magkadikit na paa hangang sa nagmukha syang isang baliktad na letter L "one!" ang bilang niya sabay baba ng mga paa niya ng hindi inilalapat sa sahig. "two!" ang pag bilang niya habang nag leg raise ulit sya. Dahan dahan niya ibinaba ang paa nya at tumigil ito ng 5mm mula sa sahig. After 5 seconds ay ibinagsak na niya ang mga paa niya at kitang kita sa mukha nya ang madaming madaming pawis. "wahhh, I'm so tired, siguradong mahimbing na naman ang tulog ko mamaya" sabi ni Vinz habang nakapikit at nag pupunas ng kanyang nuo gamit ang kanyang kanang braso.
Kinusot ni Vinz ang mata niya at inimulat lang ito ng konti tulad ng isang nagising lang at kulang pa din sa tulog. Tumuyo sa mula sa kanyang upuan at naglakad sa aisle ng eroplano papunta ng banyo. May isang banyo sa kanan at isa naman sa kaliwa per naka lock ang mga pinto kaya naman nag hintay siya habang naka tayo para sa mauunang lalabas ng restroom. Makalipas ang ilang minuto ay na unlock ang kaliwang banyo at lumabas ang isang middle aged na lalaki. Agad na pumasok si Vinz at pagkatapos nyang gamitin ang banyo ay nanalamin muna siya "hey handsome, what's up? Haggard looking ka ah, laki din ng eye bags mo" hiningahan niya ang kamay niya tapos inamoy "at least good breath kapa".
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasySi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...