Hi everyone! Kumusta kayong lahat?! Sana malayo kayong lahat sa covid at malusog kayong lahat.
Please enjoy chapter 22!
Ps. Pasupport naman ng PBB audition video ko sa Kumu @ pevinla22
***********
Anghel, anghel, anghel! Pwede ako tumawag ng anghel!
Paano nga ba nagkaroon ng ganitong biyaya si Vinz?
Ito ay dahil noong ikwinento ni i Vinz ang mga pangyayari ay bumigat ang loob ng mga kapamilya ng mga pasahero pero agad namang nasundan ng luwag ng loob at pasasalamat sa Diyos nang marinig nila na ligtas lahat at walang namatay.Lumakas ang paniniwala ng mga tao sa Diyos dahil kay Vinz kung kayat biniyayaan siya ng mga kapangyarihan na maaring makatulong sa kanya. Pero walang alam si Vinz sa mga ito kung kayat magtataka na lamang siya hangang sa may mag sabi sa kanya o matuklasan niya mag isa.
Kasalukuyang nananaginip ng gising si Vinz, kaiisip sa anghel na maaari niyang tawagin, ng biglang "Mr. Vinz"
Nagising ang utak ni Vinz at napasabi ng "ah! Yes, ano po yun?"
"sa tingin mo, ano ang maaring dahilan kung bakit ligtas kayong lahat mula sa lahat ng panganib na inyong kinaharap?" tanong ng reporter
Nakangiti parin si Vinz pero sari-sari ng mga palusot ang umiikot sa utak nya. Hindi naman niya pwedeng sabihin na nakilala niya ang kauna-unahang bayani ng pilipas! Bukod sa hindi ito kapanipaniwala ay kakantyawin lamang siya at pagtatawan. Kung kayat mas magandang paglasunot na lamang.
Pinagdikit ni Vinz ang mga palad at ipinikit ang mga mata.
"ito po ay dahil..." suminag ang araw kay Vinz "sa Diyos. Kung kayat lubos po akong nagpapasalamat sa kanya"
Hindi man kusa, ay lumabas ang Heavenly virtue aura mula sa katawan ni Vinz na sumilaw ng kg kaunti sa mga reporters.Na akit ang mga reporters at nakita si Vinz na parang isang santo. Ang epektong ito ay hindi lamang tumama sa mga reporters, tinamin rin ang mga tao sa paligid na nakatingin lalong-lalo na ang mga manonood. Dahil sa phenomena na ito ay naniwala sa diyos ang mga hindi relihiyoso and mga naniniwala naman na ay nagkaroon pa lalo ng malakas na tiwala.
Dahil maraming nagdadasal sa kasalukuyan lalo na at para makapagpapasalamat ay nakakaranas ngayon ang langit ng kayamanan sa enerhiyang dulot ng mga dasal. Pero bukod sa enerhiyang napupunta sa langit ay unti-unti ding nadadagdagan ang heavenly aura ni Vinz.
Nang imulat ni Vinz ang kanyang mga mata ay nakita niya na nakatulala na ang mga reporter at hindi na mga kumikibo. Hinfi niya alam kung bakit pero nagdesisyon na syang umalis.
"uhm, aalis na po ako" awkward na pagkakasabi ni Vinz dahil nakatulala padin ang lahat.
Walang sumagot pero tumango sila. Naglakad na papaalis si Vinz at sinundan na lamang ng reporter ng tingin habang hindi makapaniwala sa naramdaman nila.
Habang naglalakad, ay may tumawag.
"Mr. Tato"
Tumingin si Vinz at nakita niya ang isang babae at lalaki na naka black na palda at pantalon with black shoes at blue polo. Sa bandang kaliwa ng polo nila, malapit sa may puso ay meroon silang badge na nakaipit.
"yes?"
"galing po kami sa T Airlines. Pinadala po kami ng company namin upang sunduin lahat ng pasahero at trabahador na nasa eroplano" sabi ng babae
"saan po tayo pupunta?"
"we will accompany you po sa isang hotel where our company will provide all of you with accomodation at check-up para sa may mga nararamdaman" paliwanag ng lalaki
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasySi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...