Chapter 11 - Anak kita!?

443 28 0
                                    

Bumibilis ang pagpalibot ng itim na kinang sa katawan ni Anastacio hangang sa pumasok ang mga ito sa pores ng buong katawan niya.

Yumuko si Vinz at hinawakan si Anastacio sa balikat "Ayos ka lang ba?!"

Tumango si Anastacio at sinabi "O-oo... ayos lang ako, subalit..."

"subalit ano?!"

"sa palagay ko ay may kakayahan na din ako na gamitin ang itim na kapangyarihan" sabi ni Anastacio habang tinitingnan ang kanyang mga kamay

"sigurado ka? Wala bang masakit sayo?"

"sigurado ako..."

Tumayo si Anastacio at saglit na ipinikit ang kanyang mga mata. Nang buksan niya ang mga ito ay agad na lumiyab ang kamay niya at nabalot ng itim na kapangyarihan na ngayon ay mukhang apoy

"Hindi ko maintindihan..."

"ako din... hindi ko maintindihan ang hindi mo maintindihan. Alam mo naman, bago lang ako dito sa cultivation. Kaya ang mga hindi mo maintindihan ay mga hindi ko alam" na awkward si Vinz at hindi malaman ang kanyang sasabihin kaya naman sinabi na lkamang niya ang agad na pumasok sa utak niya.

"Bawat cultivator na gaya natin ay binibiyayaan lamang ng isang uri ng elemento at para sakin iyon ay ang elemento ng lupa. Hindi impossibleng magkaroon ng ibang elemento pero kailangan kang magustuhan ng ispirito nito para pagkalooban ka ng kanilang kapangyarihan"

"so... ano ang hindi mo maintindihan?"

"hay..." buntong hininga ni Anastacio na sinagot ni Vinz ng isang mukhang <<ano bang problema nito?!>>

"isipin mo ng mabuti, basi sa sinabi ko. Paano ka magkakaroon ng ibang elemento?" tanong ni Anastacio

"kapag nagustuhan ka ng ispirito nito"

"Tama! Ngayon isipin mo nasaan tayo?"

"nasa loob ng buod ko"

"mahusay! Pwes kung nasa loob tayo ng buod mo at, kailangan ng isang ispirito para mapagkalooban ako ng kapangyarihan, paano ako nabiyayaan ng itim na elemento?"

"Dahil sakin!"

Nanlaki ang mga mata ni Vinz at kumurap ng tatlong beses na magkasunod. Nagulat siya ng marinig niya ang isang maliit na boses. Hinanap niya kung saan ng nanggaling ang maliit na boses pero wala siyang ibang nakita. Humarap muli siya ng mabuti kay Anastacio at tinanong ito.

"Narinig mo din ba yun?"

"Narinig alin?" nagtatakang tanong ni Anastacio

Hmm? Wala siyang narinig? Pero I swear na meron talaga akong narinig... masyado lang siguro akong napagod. Sabi ni Vinz sa sarili niya

Ng ipagwawalangsambahala na ni Vinz ang boses ay bigla niyang naramdaman na tila may humahampas sa pisngi niya.

"Pansinin mo ako!"

Narinig muli ni Vinz ang maliit na boses at sa pagkakataon na ito ay nakita na niya kung kanino ito nanggaling. Isang batang lalaki na 10 cm ang tangkad ang lumitaw sa harap ng mukha niya. Maikli ang itim na buhok nito, itim din ang mala kumikinang nitong mga mata, may matangos ito na ilong at mapulang labi. Dahil siguro bata pa ito ay medyo chubby ang mga pisngi nito at medyo mapulapula din. Naka suot ang bata ng isang itim na t-shirt na pinapatungan ng isang puting waistcoat na may mga feathers at kumikinang na morning dew; hindi lamang sa waistcoat na puti makikita ang mga design na ito, pati narin sa puti nitong short na above the knee level.

Hinawakan ng bata si Vinz sa ilong at kiniskis ang ulo niya dito na tila naglalambing sabay sabi ng "Papa!" gamit ang isang napaka lambing na boses

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon