"At dahil sa decision ni Drew at Elisa ay dumami ang kalahi namin na namumuhay na parang normal na tao na lamang at isa ka sa kanila, Vinz" sabi ni Xinlia
"Hindi po ba pwedeng sabihin sa lahat ng kalahi natin ang secreto sa kanilang pagkatao?" tanong ni Vinz habang naka patong ang ulo niya sa binti ni Xinlia habang hinihilot din ito.
"Lahat ng buhay ay may kanya kanyang tadhana. Dahil daan papunta sa pagiging immortal na ang tinatahak namin ay hindi na kami maaring makialam sa tadhana ng mga normal na tao. Ang tanging namumukod tanging paraan para makasali kami sa byahe ng buhay nila ay ang maging katulad mo sila, isang cultivator, o kaya naman ay bigyan siya mismo ni bathala ng tadhanang magdadala sa aming pagkikita" sagot ni Agipas habang pinipisil niya isa-isa ang ibat ibang parte ng katawan ni Vinz mula itaas hangang ibaba.
"ano po ang ibig ninyong sabihin sa tadhanang bibigay ni bathala?" tanong ni Vinz
"Isang madaling ehemplo ay pagiging itinakda o nag iisang tagapagligtas sa harap ng kalamidad" sabi ni Xinlia
"tapos na" sabi ni Agipas
Inalalayan ni Xinlia ang ulo ni Vinz habang tinutulungan ito ni Agipas sa pagtayo.
"Apo, hindi namin alam kung anong peligro ang kinakaharap mo para gamitin lahat ng kapangyarihan mo pero mag iingat ka. Kung kaya lang naming puntahan ka sa mga oras na ito ay nagawa na namin. Subalit nasa ibang mundo kami ngayon kaya hindi ka namin matutulungan" sabi ni Xinlia
"Apo, maaari mo bang ipakita sa amin ang elemento mo?" tanong ni Agipas
Tumungo si Vinz at inangat ang kamay niya mula sa kanyang siko. Naka bukas ang kanyang palad at pinikit ang kanyang mga mata. Walang naramdaman si Vinz at agad na minulat muli ang kanyang mga mata.
"anong nangyayari? Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko!" tarantang sabi ni Vinz
"ah! Pasensya apo. Nakalimutan namin na nasa loob nga pala tayo ng karagatan ng kamalayan mo. Mahirap para sa mga nagsisimula pa lamang ang gumamit ng kapangyarihan sa lugar na ito. Pero sa oras na makapag ensayo ka ng maayos ay madali mong masusulusyonan ang problema na ito. Di bale, tutulungan kita"
"ganon po pala yun"
Kinuha ni Agipas ang kamay ni Vinz at pinindot ang gitna ng palad nito gamit ang isang daliri. Pagkatangal ng daliri sa palad ni Vinz ay lumabas ang apat na diamante na may kanya kanyang kulay. Isang asul, isang puti, isang itim at isang berde.
Lumaki ang mata nina Xinlia at Agipas at inilapit ang kanilang mukha sa kamay ni Vinz. Tinitigan nilang mabuti ang mga diamante at binilang ito.
"Isa!..." bilang ni Agipas
"dalawa!..." tuloy ni Xinlia
"Tatlo!..." bilang muli ni Agipas
"Apat!" tuloy muli ni Xinlia
Isang milagro na ang pagiging cultivator ng apo namin subalit ang magkaroon ng apat na elemento!? Hindi ba sya masyadong swerte!? Sabay na sabi ni Xinlia at Agipas sa kanilang sarili
Bawat cultivator ay binibiyayaan lamang ng isang uri ng elemento na magiging kapangyarihan nila pang habang buhay. May mga pagkakataon din na lalampas ito sa isa subalit hindi hihigit sa dalawa. Kung kayat maiintindihan ang lubhang pagka gulat ng dalawa. Ipinaliwanag nila kay Vinz na ang bawat kulay ng dahon sa puno niya ay ang simbolo ng bwat elementong maari niyang gamitin. Nagulat din si Vinz dahil sa tatlong elemento na nagamit na niya ay hindi niya inaakalang meroon pa siyang hindi nadidiskubre at ito ang elemento ng tubig.
"Apo, oras na para ikaw ay gumising. Kinakailangan narin naming umalis sapagkat marami pa kaming gagawin" sabi ni Xinlia.
"Apo, may demonyong nakapasok sa loob ng katawan at napaka lakas nito. Ang pagmamasahe na ginawa namin sa iyo kanina ay para lamang mas palakasin ng kaunti ang iyong pangangatawan at isipan upang labanan ang pangungurakot niya sa iyong katawan" sabi ni Agipas
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasySi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...