I'm so happy na ang daming nagbabasa ng story ko
Kung sa tingin nyo worthit ang time na nyo sa story please FOLLOW ME and VOTE this story! ♥️
Enjoy😘
_______________******_______________Habang umaabante ang apat na sundalo ay napapa-atras naman si Vinz.
Kailangan ko na makaalis dito!
Inihagis ng lalaki na nasa helicooter ang rope ladder upang makababa siya at maintindihan ang nangyayari.
Nang makita ni Vinz ang rope ladder ay may naisip agad isang idea.
"G-ganto na lang! Ipikit nyo ang mga mata ninyo at kung sino ang i-back hug ko sa inyo ay sya ang pakakasalan ko!" Sabi ni Vinz
"Kyaaa!" Irit ng apat
"Pikit na kayo at bumilang kayo hangang lima!"
Pumikit agad ang lima at agad na nagbilang ng sabay sabay. "Isa!..."
Pagkabilang na pagkabilang ng apat ay nagmadaling tumakbo si Vinz papunta sa rope ladder!
Bababa narin sana ang llaaki sa helicopter ng maapnsin niya si Vinz na mabilis na tumatakbo. Ng malapit na si Vinz ay tumalon at umakyat na ito na parang isang ipis sa bilis.
Nakarating agad si Vinz sa helicopter.
"Kuya! Please ilayo mo na ako dito!" Sabi ni Vinz habang nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong niya
Na pressure ang lalaki at napasabi na lamang ng "o-oo sige"
Ng nakahinga ng maluwag si Vinz ay narinig niya ang number "5!"
Natapos na magbilang ang apat na sundalo subalit ng imulat nila ang mga mata nila ay wala na si Vinz.
"Oh my god!!!" Sigaw ni Maputi
"Nasaan na si Papa~!!!" Pasigaw na tanong ni Maitim
"Hoy! Mga bakla! Saan nyo itinago ang aking Papa~!!?" Tanong ni Romina habang nakaturo ang kanyang hintuturo sa tatlo
Nagpamewang naman si Armando habang mataray na sumagot "Hoy babaeng makati pa sa bulate! Baka ikaw ang nagtatago sa Papa ko!"
I should cancel na ang skill na ginamit ko or else baka magkagulo pa sila "<<SIGH~>> napagod ako sa apat na yon, sana makapag pahinga na ako" hiling ni Vinz
*******
Bumaba na ng helicopter si Vinz at agad na pinagkaguluhan ng mga reporters.
"Excuse me! Anong pangalan mo!?" "San ka galing?" "Kamusta ang kalagayan mo?" "Tinangay ba talaga kayo ng watersprout?"
Sari saring mga katanungan ang itinatanong ng mga reporters. Na-overwhelm si Vinz pero naisip niya na magandang chance ito para ipaalam niya sa mga kamaganak niya lalong lalo na sa mga magulang niya na ayos lamang siya.
"Ayos lang po ba kung ikwento ko na lang po ang nangyari sa amin ng kapwa ko pasahero?"
Nagulat ang mga reporters ng malaman nila na may iba pang mga pasahero sa loob ng barko!
Isa itong big news kaya pumayag sila agad sa gusto ni Vinz."Oo sige!" "Walang problema!" "Sige lang!" Tuwang tuwa ang mga reporters. Sa sobrang saya nila ay hoos isubo na nila ang mga microphone sa bibig ni Vinz
"A-aray ko naman'" itinulak ni Vinz papalayo ang mga microphone na halos ipalamon na sa kanya
"para naman akong gutom para sa microphone sa ginagawa nyo...
Anyway first of all... Ma! Pa! Nasa tv na ako! Wag kayo mag alala buhay pa ako! Nandito na ako sa pinas! Dito sa..." Napatigil si Vinz at tumingin sa isang reporter "nasan tayo?""Manila bay" sagot ng reporter
"Nandito na ako sa Manila bay! Dyan pala sa mga taga Batangas, hello sa inyong lahat! Sa mga kaibigan ko sa Como, text text na lang tayo! At sa mga kamaganak ko, pauwi na ako!" Excited na bumati si Vinz
Nagkatinginan ang mga reporters dahil naghihintay sila na magkwento na si Vinz at hindi bumati sa mga manood ng balita.
"Yung kwento COUGH!" sabi ng isang babaeng reporter upang magparinig kay Vinz.
"Ay oo nga pala. Ako nga po pala si Vinz Peter Tato. I am a survivor of flight EZ-360 bound to Manila from Dubai na nag crash sa dagat..." Ikiniwento ni Vinz lahat ng nangyari maliban syempre sa mga bagay tungkol sa cultivation.
"And I am glad to say sa lahat ng mga pamilya na naghihintay ng balita tungkol sa amin, na from the Pilot to the Cabin Assistants and Passengers, lahat po kami ay ligtas"Ang interview ni Vinz na dapat ay ipapalabas sa timeslot ng bawat balita ay biglang isang live interview. Marami ang natuwa sa balita lalong lalo na ang mga pamilya ng nasa aksidente. Sobrang thankfull sila sa Panginoon at kay Vinz.
Dahil sa nangyari ay nakarating sa langit ang pagpapasalamat ng mga tao.
*******
Sa langit ay may isang magandang babae na nakaputi. Mukha siyang isang santo pero ang totoo ay siya si Bathala ang kanang kamay ng Panginoon.
May naramdaman si Bathala kung kayat pinanuod agad niya sa isang ulap ang nangyayari sa lupa at si Vinz ang lumabas dito.
"Hmm~ matagal narin ng huling magpasalamat ng sabay sabay ang mga tao at punong punong puno ito ng pagmamahal para sa inyo, Panginoon. Lahat ng ito ay dahil sa isang bata na si Vinz Peter" sabi ni Bathala
Light shone on Bathala. Ito ang paraan na pakikipag-usap ng Dyos kay Bathala.
"Naintindihan ko po Panginoon" sabi ulit ni Bathala. Itinaas niya ang kamay niya at bumuo ng nakakasilaw na ilaw na pagkatapos ay itinutok niya kay Vinz.
*******
Rays of light pierced the clouds and shone upon Vinz. Ito ay biyaya ng langit kay Vinz. Dahil dito ay nagkaroon si Vinz ng Heavenly Virtue Aura. Ang Heavenly Virtue Aura ay pinaka malakas na kahinaan ng mga nilalang ng kasamaan. Oras na meron ang isang cultivator nito ay hinding hindi siya maaapektuhan ng kapangyarihang itim o kaya naman ay basta basta na lamang malalapitan ng mga demonyo.
Nagbago narin ang elemento na puti na nasa katawan ni Vinz. Na upgrade ito. Dahil naging isa na itong Heavenly light, may kakayahan na si Vinz na mag summon ng Angel.
Kasama sa biyaya ng langit ay ang isang Martial Skill para kay Vinz at ito ang "MUSIC OF THE SAINT". ang skill na ito ay may napakalakas na destructive power. Ang skill na ito ay lalakas lamang sa paglakas ng Heavenly Virtue Aura ni Vinz. Sa pagkakataon na hindi madagdagan ang Heavenly Virtue Aura ni Vinz ay hindi lalakas ang MUSIC OF THE SAINT kahit na magka breakthrough paman siya sa ibang stage.
Lahat ng impormasyon na ito ay pumasok sa utak ni Vinz. Tuwang tuwa siya kahit na nagtataka siya kung bakit siya biglang nagkaroon nga ganitong kapangyarihan.
Dahil nasa harap pa si Vinz ng mga camera ay hindi niya ipinapakita ang kanyang kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasiSi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...