Humahaba ang tatlong kulay na nasa may ulo ni Vinz habang pataas sila ng pataas hangang sa hindi na siya makita. Mataas na ang narating ni Vinz at ng reyna bago sila huminto. Agad na lumipad papalayo ang reyna para magkaroon ng distansya mula kay Vinz.
"Wag kang pakialamero!" sigaw ng reyna sabay pagaspas ng malakas ng kanyang mga ginintoang pakpak na nag sanhi ng isang malakas na ihip ng hangin.
Inilagay ni Vinz ang mga kamay niya sa harap niya at gumawa ng X sign para malabaan at hindi siya madala ng malakas na hangin. Hindi nagtagal at nadala din si Vinz kahit na sa kabila ng kanyang pagtitiis.
Huminto na si Vinz at hinanap agad ang reyna subalit hindi niya ito nakita. Umikot siya, tumingin sa kanan, kaliwa at baba niya subalit wala parin siyang nakita. Ang itaas na lamang ang hindi niya natitingnan pero ng tumingin siya ay malapit na ang reyna. Naka tiklop ang kamay ng reyna at handa ng suntukin si Vinz. Hindi na magagawang umiwas ni Vinz dahil bukod sa malapit na ang reyna ay napakabilis rin nito.
Pinag dikit ni Vinz ang kanyang mga palad at iniharang sa mukha niya. Nag tagpo ang kamao ng reyna at ang palad ni Vinz. Sa loob lamang ng tatlong segundo ay bumagsak na sa lupa si Vinz.
"ah!" ungol ni Vinz habang sumuka siya ng dugo
Habang naka higa si Vinz ay may nahawakan ang kamay niya ng nag paplano na siyang tumayo. Tumingin si Vinz sa tabi niya at nakita niya ang isang maliit na lambada. Kahit na maliit ito at mukhang 6 years old ay siguradong matanda na ito at maaaring mas matanda pa kay Vinz. Pero sa mata ni Vinz ay isa itong bata... bata na nakapikit ang mga mata habang nababalot ng dugo ang tiyan at ang buong ulo nito.
May nabuong tubig sa mga mata ni Vinz na tumulo ng maging mabigat na ito.
"Katapusan mo na, tao!" sigaw ng reyna na hindi umalis sa kanyang kinaroroonan ng suntukin niya si Vinz.
Naka angat ang dalawang kamay ng reyna at tila isang bolang itim ang nabubuo dito. Iniharap ito ng reyna kay Vinz at naging isang beam.
Sa harap ng lagusan ay ang 9 na lambada na ginagawa lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang kanilang harang habang pinapanood ang kanilang Reyna at si Vinz.
"Hya! Hya! Hya!" isang boses ng babae ang narinig na tila nikikipag laban.
Ilang sandali lamang at bumagsak na ang huling sinumpang lambada na uma-atake sa harang nina Luning. Nakita ang isang mala dyosang babae na may hawig sa reyna.
"Princesa Hiwatnig!"
"Princesa Hiwatnig!"
"Princesa Hiwatnig!"
Isa isang sabi ng mga lambada ng makita nila ang lambada na pumatay sa mga sinumpang lambada. Nagsiluhod ang lahat gamit lamang ang kanilang kaliwang tuhod.
"Ayos lang ba kayo!? Tandang Risa, Tandang Garo, Tandang Mihad at Sakbi, asan ang mahal na reyna!?" nag aalalang tanong ni Princesa Hiwatnig
"Ayos lamang po kami Princesa Hiwatnig subalit ang mahal na reyna..." hindi maituloy ni Tandang Risa ang kanyang gustong sabihin
"Anong nangyari sa mahal na reyna!?"
Nagtinginan ang matatandang lambada at tumango.
"Isa na pong sinumpang lambada ang mahal na reyna!" masakit na sabi ni Sakbi
"Anong sinabi mo?! Nasaan na siya ngayon?! Nasaan na ang kapatid ko?!" alalang tanong ni Princesa Hiwatnig
"Kasalukuyan po siyang nakikipag laban sa isang tao" sagot ni Tandang Garo
"Kung gayon ay magsitayo kayong lahat at samahan ninyo ako! Kailangan nating mapigilan ang mahal na reyna" matatag na sabi ng princesa
Nagsitayo ang lahat mula sa kanilang pagkakaluhod. Nang makita ito ng princesa ay binuksan niya ang kaniyang mga kamay at lumapit sa mga matatandang lambada upang sila ay yakapin.
![](https://img.wattpad.com/cover/187637496-288-k804655.jpg)
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasySi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...