Chapter 17 - falls or false falls

389 18 3
                                    

maraming mga sasakyan ng mga pulis ang nagsidatingan ng humingi ng backup ang pulis na si Bernard. Inireport ni Bernard ang biglaang pag litaw o sa mas malinaw na salita, ay ang pag bagsak ng barko mula sa langit.

Bukod sa mga pulis ay may mga ambulansya at mga bombero na dumating para tumulong sakaling may mga pasahero sa loob ng barko.

*******

"Uugghhh" ungol ni Vinz.

Ang mga binti ni Vinz ay parang noodles sa sobrang lambot pero pinilit nya paring tumayo sabay <<SLAM>> hampas ng kamay niya sa dingding na bakal para suportahan ang katawan niya na makalakad ng maayos dahil sa liyo na nararamdaman niya.

Habang naglalakad siya ay humihinga siy ng malalim. Mula sa ilong at palabas ng bibig. Kelangan ni Vinz ng fresh air upang guminhawa ang pakiramdam niya. Inakyat na niya ang maliit na hagdan at binuksan ang pinto.

Agad na narinig ni Vinz ang ingay ng hangin na mabilis na hinahati kung kayat ng makarating siya sa labas ay agad niyang nakita ang isang helicopter at ang mga sundalo na bumaba mula dito.

Nakita ng Capitan ng mga sundalo na may matipunong pangangatawan si Vinz at agad na lumapit.

"Bata!" Tawag ng sundalo kay Vinz "ayos ka lang ba?"

Sumunod ang tatlo pang mga sundalo at tumayo lamang sa likod ng kanilang Kapitan.

Na offend si Vinz ng tawagin siyang bata ng Kapitan subalit di na nya ito masyadong pinansin, hindi dahil ayaw niya itong bigyan pansin kungdi dahil wala na syang oras para makipag debate sa kanila sa mga oras na ito.

"Opo..." Lumunok si Vinz "Ayos lang po ako kaya padaan muna po ako" naglakad na sya muli at inikutan ang mga sundalo.

Pinagmasdan ng mabuti ng Kapitan si Vinz at kitang kita niya na hinang hina ito habang maputla ang kanyang mukha at labi. Hindi rin nakaligtas ang pag lunok ni Vinz mula sa mga mata ng Kapitan. Ng paalis na si Vinz ay agad siyang hinawakan ng kapita sa dalawang braso para pigilan siya sa pag-alis.

"Bata, kung may masakit sa iyo, pwede mong sabihin sa amin at tutulungan ka namin!" Seryosong sabi ng kapitan

"Oo nga bata, huwag kang matakot sa amin" sabi ng babaeng sundalo.

<<SNAP>> may nag flick sa loob ni Vinz. Napakunot ang nuo niya.
"Makinig po kayo ah, 21 na po ako... kaya hindi na po ako bata!" Kahit na nanghihina si Vinz ay sinabi niya ito with a firm tone in his voice. "Matangkad lang po talaga kayong apat!"

May point si Vinz sa sinabi niya dahil kung ikukumpara ang height nila, makikita na malaking malaki ang dipirensya ng height ng mga sundalo sa height niyang 165.

Ang Kapitan na si Armando ay 185 ang taas

Ang babae na si Romina ay 180

Ang lalaki sa kanan ni Romina na si Maputi ay 183 habang ang nasa kaliwa naman na si Maitim ay 183.5

Kung wala lamang common sense si Vinz ay inisip na niyang height ang basehan para maging isang sundalo.

"At saka hindi po ako natatakot sa inyo..." Himinga ng malalim si Vinz at saka itinuloy ang sinasabi niya "nagmamadali po ako dahil... bbbrrrppp!" Lumobo ang mga pisngi ni Vinz at mabilis na kumilos ang kanyang mga kamay upang takpan ang kanyang bibig.

Too late! Sabi ni Vinz sa Sarili niya

"Ayos ka lang!?" Tanong ni Maitim

Umiling lamang si Vinz at may nag-aalalang hitsura sa kanyang mga mata.

"Anong n..." Bago matapos ni Maputi ang sasabihin niya ay biglang <<BLEEERRGGGHHHHHHHHHHH>> sumaka si Vinz ng tubig.

Marahil dahil sa isang cultivator si Vinz kung kayat hindi normal ang pagsuka niya. Masyadong malakas ang pwersa ng lumalabas sa bibig ni Vinz. Sa sobrang lakas nito ay lumagpas pa ito ng barko at umabot ito sa Manila bay.

*******

Nakita ng mga naghihintay na mga tao ang suka ni Vinz na lumalagpas ng barko, pero sa paningin nila ay tubig lamang ito at mukhang falls.

May mga couples sa mga magkakatrabaho sa mga nagsiyakapan at meron ding mga single na pareparehas lamang na namangha sa falls na nasa harap nila. Naging mas kamangha mangha ang view nila ng biglang may nabuong rainbow sa ibabaw ng falls na nasa harap nila.

Nilapitan ng mga tao ang suka ni Vinz na tubig na patuloy pating lumalabas sa bibig niya. Sinahod ng mga pulis, bombero at mga nurse ang tubig at masayang naglaro ng kaunti upang hindi mabasa ng tuluyan ang kanilang mga uniporme.

Isang malaking tanong kung bakit hindi man-lamang sila nag tataka o nag tatanong kung saan nangagling ang tubig na nasa harap nila. Bastat masaya silang naglalato ay limot na nila ang dahilan kung bakit sila naroroon sa mga oras na iyon.

Sumalok muli ang isang babaeng pulis ng tubig gamit ang kanyang mga kamay ng bigla siyang may mapansin.
"Mahal..."

"Ano iyon Mahal ko?" Tanong ng lalaking pulis

"Tingnan mo oh! May butil ng kanin at ng parang dahon ng gulay!"

"Oo nga no!"

"Attention sa lahat! Attention!" Sabi ng isang lalaki na naka kapit sa gilid ng helicopter habang may hawak hawak na megaphone sa isang kamay.
"Itigil ninyong lahat ang paglalaro sa tubig na iyan at agad na lumayo. Maghugas din kayo agad ng inyong mga kamay! Suka yan ng isang pasahero ng barko! Inuulit ko! Suka iyan!"

Naging parang bato ang mga tao at hindi agad naka react sa narinig nila. Paano nga ba naman paniniwalaan agad na ang tubig na parang falls kung saan sila naglalaro ngayon ay suka pala ng isang tao.

<<Ano ang bibig ng tao na yun!? Hose ng mga bombero!? Paano ka nakagawa ng isang false falls!?>> Tanong ng marami sa sarili nila.

Nahimasmasan ang mga tao at agad na lumayo sa suka ni Vinz. Kanya kanya silang paraan para maghugas o maglinis ng kamay. Ang mga nurse ng ambulansya ay nag bukas ng alcohol at ipinanghilamos ng mukha at ipinanghugas ng kamay.

Ang mga pulis naman ay kalmado, kinuha na lamang nila ang mga bote ng tubig nila at naghugas ng kamay kahit walang sabon.

Dahan dahang binubuhos ng isang pulis ang tubig para tulungan ang katrabaho niya maghugas.

"Salamat!" Sabi ng pulis sabay pat sa balikat ng katrabaho niyang pulis habang basa pa ang mga kamay nito. Napatingin lamang ang tumulong na pulis at napansin na parang pinapahidan siya ng basang kamay.

"Oh, ako naman ang tulungan mo"

Ginawa ulit nila ang pag huhugas ng kamay at sa pagkakataon na ito ay ginawa rin ng unang pulis ang ginawa sa kanya at unti-unti ay nagpahidan na sila ng nagpahidan. Kahit na natuyo na ang mga kamay nila ay hindi parin sila tumigil.

Wala namang alcohol at bote ng tubig ang mga bombero kung kayat kinuha na lamang nila ang gripo nila at agad na binuksan. Naka pila ng isang line pa sideward ang lahat ng mga bombero na naglaro sa suka ni Vinz. Minaliit siguro nila ang lakas ng pwersa ng hose nila dahil agad na tumalsik papunta ng dagat ang unang tinamaan ng tubig! Nang nakita ito ng ibang mga bonbero ay agad silang nagsitakbuhan subalit hinabol sila ng may hawak ng hose at isa-isang pinalipad papunta ng dagat.

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon