Chapter 16 - barko mula sa langit?

481 27 3
                                    

Kahit na sinabi iyon ni Vinz sa sarili niya ay tinatawag parin niya ang pangalan ni Lapu-lapu at nagbabakasaling bumalik ito para itigil ang ginawa niyang dambuhalang watersprout.

Hindi magawa ni Vinz na maupo na lamang. Alam niyang may kakayahan siya para makatulong kung kayat agad siyang tumakbo palabas ng kwarto kung nasaan ang kapwa niyang mga pasahero. Sinubukan siyang pigilan ng mga trabahador ng barko na naka bantay sa pintuan subalit mas mabilis si Vinz.

Lumabas sa deck ang kabadong kabado na si Vinz at lumipad papalapit sa kanya si Innocente.

"Papa, anong gagawin natin?!"

"Hindi ko din alam. Subukan nating tanungin si Anastacio. Innocente, maiwan ka dito, sa kali lamang na may dumating at ipasok ang katawan ko sa loob"

"sige po Papa"

"Anastacio!" tawag ni Vinz sa loob ng buod niya

"Vinz!" agad na sagot ni Anastacio

"May problema! Kelangan ko ang tulong mo!"

Lumapit si Anastacio kay Vinz at kalmadong nagtanong "anong problema?"

"Gumawa ng isang dambuhalang watersprout si Ginoong Lapu-lapu, at ngayon ay unti-unti nang nahihigop ang sinasakyan naming barko!"

 
Hinawakan ni Anastacio ang parehas na kamay ni Vinz at sinabi "naway makapagpahinga tayo ng mapayapa"

Napanganga si Vinz. Naiiyak na naiirita at para bang gusto nyang batukan si Anastacio dahil sa sinabi nito.

"Hindi ito ang oras para magbiro!"

Ngunit parang hindi parin sineseryoso ni Anastacio ang nangyayari at pinayuhan na lamang si Vinz.

"Ang swerte ay parte ng ating kakayahan, kung kayat wag ka mag alala dahil maswerte ka!" Sabi ni Anastacio sabay kindat at thumbs up

Tuluyan ng naiyamot si Vinz
"Mas magaling pa nung nasa loob ka pa ng puno!"

"Hahahaha" nakapamewang na tumatawa si Anastacio ng biglang humaba ang dalawang tangkay ng mga puno at nagkaroon ito ng flexibility na katulad ng sa isang lastiko.

"Eh?" Nagulat si Anastacio ng bigla niyang naramdaman na may madahon na bagay ang umi-ioit sa kanya mula sa kanyang kanan at kaliwa. Ilang saglit pa ay tuluyan ng hinila ng mga tangkay si Anastacio at itinapon patungo sa puno. Ng malapit na itong bumanga st biglang nakaroong ng isang malaking bunganga ang puno at bumuka ito ng napaka laki. Kinain si Anastacio ng puno at pagkatapos ay nagsara na ang bunganga.

Nag bunga ng dalawang bagong sanga ang puno na may hugis kamay. Humaba ito ng humaba at tinubuan ng mga dahon sa dulo hangang sa lumabas ang mukha ni Anastacio.

Nakatitig lamang si Vinz kay Anastacio. Nagulat siya pero natuwa din. Hindi nya inakala na magkakatotoo ang hiling nya.

"Vinz! Palabasin mo ako dito!" Sigaw ni Anastacio

"Sorry Anastacio, may gagawin panga pala ako! Mamaya nalang ah! Bye!" Nag mamadaling umalis si Vinz dahil gusto muna niyang iwan si Anastacio sa loob ng puno upang matuto itong mag seryoso.

Nawala si Vinz sa Harapan ni Anastacio at hindi ito makapaniwala na inawan talaga siya sa ganong sitwasyon. Dahil wala na syang nagawa ay sumigaw na lamang sya ng "VIIINNNNNZZZZZZZZ!"

*******

Iminulat ni Vinz ang kanyang mga mata at ang bumulaga sa kanya ay ang dambuhalang waterspout! Nataranta na si Vinz at agad na ginamit ang kakayahan niya. Kinontrol niya ang parte ng tubig kung saan nakalutang ang barko. Nagtagumpay siya sa ilayo ang barko mula sa watersprout at nagdulot ito kasiyahan sa kanya subalit panandalian lamang ito. Mas lalong lumakas ang watersprout. Ilang minuto lamang ang itinagal ni Vinz at bumigay nadin sya.

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon