*******AUTHORS NOTE*******
Gusto ko lamang magpasalamat sa lahat ng nagbabasa ng story.
I started this story kasi na-inspire ako sa isang webnovel na binabasa ko.
Nakakapagsulat lamang ako tuwing may free time ako or kapag hindi ako pagod na pagod.
Pagpasensyahan nyo na ang mga long days before updates, usually I take 3-4 days para maka kompleto lang ng isang chapter (super bagal ko kasi) pero kapag naging busy, aabutin ako sigurado ng weeks. Sometimes masyado akong naaabsorb sa pagbabasa kaya kahit 3 hours lang tulog ko ayos lang basta matapos ko agad yung novel :'(
Anyway, thank you sa inyong lahat sa pagbabasa and sa mga support! I hope to be with all of you sa journey ng Double Cultivation!
Please follow and vote :D
*******ENJOY THIS CHAPTER <3*******
Naka-abot padin ang kamay ng Reyna at ito ay pinagmamasdan ni Vinz. Nang makita niya na mukhang ayos naman ang lahat ay dahan dahan siyang lumabas mula sa likod ng matabang puno. Step by step, a little bit at a time at nakarating narin siya sa harapan ng magkapatid.
"maaari bang malaman ang pangalan mo?" mahinhing tanong ng Reyna
Nagdalawang isip si Vinz bago siya sumagot "Ako... si Vinz"
"Ako naman si Florencia, ang reyna ng mga lambada at ang nasa tabi ko ay ang aking mahal na kapatid" sabay turo niya gamit ang kanyang kamay
"Hiwatnig!" pakilala niya sabay abot sa kamay ni Vinz. Hindi pa nakakapag react si Vinz ay nalagyan na ni Hiwatnig ng pwersa ang kanyang hawak sa kamay ni Vinz habang pwersahang nakipag shaking hands. "Ako ang Princesa at ang Kumandante ng aming militar" tuloy niya sa kanyang pakilala
Matapos magpresinta ni Hiwatnig ay binitawan na niya ang kamay ni Vinz. Malakas ang hawak ng Princesa kung kayat namumula na ngayon ang kamay ni Vinz na agad niyang hinila pabalik at hinipan.
Hinawakan ni Florencia ang gilid ng kanyang mahabang saya at nag bow. Hinugot naman ni Hiwatnig ang kanyang mapayat na espada at ipinatong ang kamay na naghahawak sa dibdib niya kung nasasaan ang puso at pagkatapos ay lumuhod sa isang tuhod.
"Bilang Reyna..." sabi ni Florencia
"at bilang Princesa at kumandante" sabi naman ni Hiwatnig
"taos puso kaming nagpapasalamat sa kadakilaan na iyong ipinamalas na nagligtas sa buong kaharian ng Faedis!" sabay na sabi ng magkapatid
Nataranta si Vinz sa kung ano ang gagawin niya sa sitwasyon na ito. Iwinawagayway niya ang kanyang kamay sa dalawa habang nag-aalala sa kanyang sasabihin.
"oh my god, napaka seryoso nyo naman" kabadong sabi ni Vinz. "tama na ang isang thank you kaya tumayo na kayo, hindi ako sanay sa mga pormalan na ganyan"
Tumayo ang dalawa at muling hinarap si Vinz. Iniabot muli ni Florencia ang kamay niya na sa pagkakataon na ito ay agad na tinangap ni Vinz. Tumalikod ang Reyna at nagsimulang maglakad na sinundan naman ni Vinz habang magkahawak ang kanilang kamay. Limang hakbang lamang at nakarating na sila sa flowerbed kung saan naka higa kanina si Vinz. Mahinang hinila ni Florencia ang kamay ni Vinz at pina-upo ito sa flowerbed na sinundan naman niya habang si Hiwatnig ay naka tayo sa harap nila.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Vinz?" tanong ni Florencia
"uhmm..." inikot ni Vinz ang kanyang mga balikat at saglit na pinakiramdaman ang sarili niya "maayos na maayos!" naka ngiti niyang sagot
"mabuti naman kung ganon. Mahigit limang araw kanang natutulog at nagsisimula na kaming mag-alala"
"limang araw?! Ibig sabihin limang taon narin akong nawawala sa mundo ng mga tao!" sabi ni Vinz na biglang nanghina at nagmukhang walang sigla
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasíaSi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...