Naka lubog ang kamay ni Vinz sa tubig habang pinapa ikot niya ito para lamang may magawa siya habang naka sakay ss rubber boat kasama ng ibang mga pasahero ng bumagsak na eroplano. Parang isang hayop na malakas ang pang dinig, gumalaw ang tenga ni Vinz sabay lingon at tingin sa langit.
Ano yun? Parang may naririnig akong nag uusap sa langit
May dalawang lumilipad sa himpapawid na tila nag hahabulan
Anghel! Mga ang...hel? Natigilan si Vinz sa pag iisip niya na maaring mga anghel ang nakikita niya. Napansin niyang gumagalaw ang kamay ng nang hahabol na para bang pinapalo ang nasa harap niya na mukhang nasasaktan naman ng sobra.
Tumigil na si Lapu-Lapu at Aizel sa pag hahabulan nilang dalawa.
"Lapu... Lapu? The... National hero?" bigkas ni Vinz habang naka tingin sa dalawang nasa langit.
Ibinalik ni Lapu-Lapu at Aizel ang tingin ni Vinz na kanina pang nanood sa kanila ng hindi nila na mamalayan. Lumipas ang mahigit isang minuto na pag titigan ni Vinz at Lapu-Lapu ng may bigla siyang napansin.
"Kaibigan, humihingi ako ng paumanhin sa nagawang abala ng anak ko. Ako nga pala si Lapu-Lapu ang tinatawag ninyong national hero habang itong nasa tabi ko ay ang anak ko na si Aizel"
"ah, aha, ahaha... tanong lang po, mga anghel po ba kayo?"
Nagulat si Lapu-Lapu pati na rin si Aizel sa tanong Vinz. Tila hindi nila ina-akala na mang gagaling ang tanong na ito sa isang kagaya ni Vinz. Agad na nabura ang gulat sa hitsura ng dalawa at may tawang lumabas sa kanilang mga bibig.
Dinikit ni Lapu-Lapu ang kanyang hintuturo sa kanyang ilong na para bang nag sasabi na maging tahimik. "hangin, patulugin silang lahat" utos niya sabay lipad pababa patungo kay Vinz habang hila-hila ang anak niya.
Nakaramdam ang isang babae ng antok na tila hindi niya malabanan at bigla ito natumba. Habang naka tingala si Vinz ay napansin niyang may natumba sa tabi niya. Pag tingin niya ay naka higa na ang lahat habang pikit ang kanilang mga mata. Tumingin siya sa mga katabi nilang mga rubber boat at lahat ng mga sakay nila ay isa isa din na mga nag sisitumbahan.
Bakit sila lahat nag tutumbahan!?
Inilapit ni Vinz ang tenga niya sa ilong, ang dalawa niyang daliri sa leeg at tumingin sa tiyan ng katabi niya na naka higa.
Mukhang wala namang problema sa pag hinga nila... kung ganon...
Umupo na ulit si Vinz ng maayos, huminga siya ng malalim sabay pikit at higa ng mabilis.
Napansin ni Aizel na nakatulog din si Vinz "Ama, pina tulog mo din siya?"
Napa kamot si Lapu-Lapu sa ulo niya "alam kong mga kasamahan lang niya ang pinatulog ko kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakasama siya sa mga naka tulog"
Tuluyan nang naka baba ang dalawa at tumigil sila sa ulunan ni Vinz.
Nandito na sila! Nandito na sila! Nandito na sila! Kalma lang, hindi nila mapapansin na nag papangap lamang ako. Kung titingnan ng mabuti mukha talagang natutulog ni Vinz, kalmado ang kanyang pag hinga at mukha siyang komportable sa higa niya.
"kaibigan?..." tinawag ni Lapu-Lapu si Vinz para ma kompirma kung talagang natutulog ito, pero wala siyang natangap na sagot.
Pasensya na po kayo pero hindi ko o imumulat ang mga mata ko at hindi ko rin po sasagutin ang mga tawag ninyo kaya umalis napo kayo.
"mukhang napatulog mo din talaga siya, Ama"
"mukhang ganun na nga"
Oo! Tulog ako! Kaya umalis na ka... hmm? Bakit biglang bumigat ng konti ang mga binti ko? Bakit parang lumalakas din ata ang hangin?
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasySi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...