"anong kasalanan ang ginawa ko para tulungan natin siya?"
Tumingin si Vinz at Lapu-Lapu sa direksyon ni Aizel. Bakat sa mukha ni Lapu-Lapu ang hindi maipaliwanag na galit at irita na nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Sa kabilang banda naman ay makikita ang ngiting abot langit sa mukha ni Vinz. Sa paningin ni Aizel ay para siyang nagising sa kanyang pagkakahimatay para lamang masilayan ang isang angel at si satanas sa harap niya.
Ipinaliwanag ni Lapu-Lapu sa kanyang anak ang dahilan kung bakit kailangan nilang tulungan si Vinz sa kanyang cultivation at ito ay dahil si Aizel at Xin Liu ang naging daan sa pagiging cultivator nito.
"Thank you Aizel! Dahil sayo isa na akong cultivator at makaka kilala pa ako ng mga chinese cultivator na lumilipad sakay sa kanilang mga espada" sabi ni Vinz
"natutuwa ako at masaya ka sa mga nangyari. Ibig ba nitong sabihin ay pwede kana namin hindi tulungan?!" ang tanong ni Aizel kay Vinz ng may kinang sa kanyang mga mata.
"hindi" ang diretsyahang sagot ni Vinz na tila walang paki alam sa gustong mangyari ni Aizel. "dahil sayo muntik na ako sumabog, kung hindi mo maintindihan ang ibig sabihin noon ay papadaliin ko para sayo. Ibig sabihin noon ay muntik na ako mamatay. Hindi lamang isang beses, hindi dalawa at lalong lalo nang hindi tatlo. Apat na beses na ako muntikan mamatay ng dahil sayo" tuloy ni Vinz sa kanyang sinasabi kanina nang hindi nawawala ang kanyang naka ngiting mukha
Napa hawak si Lapu-Lapu sa kanyang baba at tumungo habang nakapikit ang kanyang mga mata para ipakita na sumasang-ayon siya sa mga dahilan ni Vinz. Nakita ito ni Aizel at naintindihan niya na wala na siyang magagawa kaya naman napa kunot na lamang ang kanyang mukha.
<<growlll>> tumunog ang tiyan ni Vinz
"Ito pa pala, Aizel..."
"Meron pa?! Ang tindi mo naman!" reklamo ni Aizel
"anong magagawa ko, hindi naman ako ang nakikipag laban sa kalagitnaan ng himpapawid at nagpabagsak sa eroplanong dumadaan. Dahil sa inyo ng kalaban mo kanina, magkaka problema sa trabaho ang mga pilot, magkakaroon ng malaking kawalan sa kumpanya ng airline, naging stranded kami sa islang ito, nagugutom at magugutom kami, hindi namin alam kung saan kami kukuha ng aming kakainin, madadagdagan din ang nakaka pagod naming biyahe pauwi, nag dulot din kayo ng pag-aalala sa puso at isip ng pamilya namin."
Natahimik si Aizel habang nakikinig sa lahat ng mga sinasabi ni Vinz. Napanganga na lamang siya. Lumakad si Vinz papunta kay Aizel at iniluhod ang isa niyang tuhod. Ipinatong ni Vinz ang siko niya sa isa niyang tuhod at gamit ang hintuturo ng isa niyang kamay ay itinaas niya ang ulo ni Aizel ng dahan dahan. Magkalapit na ang mukha ng dalawa at nagsimula na ulit si Vinz mag salita.
"gusto mo ba..." tinitigan ni Vinz ng mabuti ang mga mabuti Aizel "na ituloy ko pa lahat ng mga naging kasalanan mo?"
Tumibok bigla ang puso ni Aizel at napalunok. Namula ang kanyang pisngi at parang tila hindi niya naintindihan ang tanong ni Vinz kaya naman tumango na lamang siya ng dalawang beses.
Lumaki ang mga mata ni Vinz sa gulat "hmm?! Gusto mo?"
Iba ang inaasahan ni Vinz na sagot. Sa tabi ng sinabi niya ay naisip niyang baka na konsensya na si Aizel para hindi na gustuhin pang marinig ang iba pang mga sasabihin ni Vinz.
"huh!?" nahimasmasan na si Aizel sabay tungo ng ulo niya pa kaliwa at kanan ng mabilis. Tumingin ulit siya sa mata ni Vinz at sinagot ng maayos ang tanong "h-hindi na. Na intindihan ko na ang pagkakamali ko" pagkatapos ay ibinaba niya ang ulo niya.
Bakit ako biglang na akit? Hindi ko maintindihan kung ano ang nag tulak sa akin para isipin na gusto ko siya! Hindi siya panget pero hindi rin siya kagwa... *&%/!* lalaki nga pala siya at na akit ako sa kanya! Mas gwapo pa ako sa lalaking ito!
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
FantasiSi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...