Chapter 5 - Lagusan patungo sa Faedis

820 35 0
                                    

"Bakit ako naging kuba!?" Malakas na tanong ni Vinz

"Kaibigan, Hayaan mong tingnan ko ang iyo katawan" sabi ni Lapu-Lapu pagkatapos ay sinarado niya ang kanyang mga mata at nagkaroon ng katahimikan hangang sa imulat na ulit niya ang kanyang mga mata.

"Ginoong Lapu-Lapu, ano po ang problema sa katawan ko?" tanong ni Vinz habang naka lutang parin siya sa hangin.

"Sa totoo lamang kaibigan ay hindi ko rin maintindihan. Maayos ang kalagayan ng katawan mo at base sa nakita ko parang matagal ng parte ng katawan mo ang bukol na nasa likod mo" sabi ni Lapu-Lapu na may seryosong mukha. "Dahil dito, wala akong maitutulong"

Siguro may dahilan naisip ni Vinz. Kahit na naka ngiti ito, malinaw na makikita sa kanyang mga mata ang panga lungkot niya. Tinangap niya agad ang mga salita ni Lapu-Lapu at nginitian ang mag ama habang naka pikit ang kanyang mga mata. "Salamat po sa tulong ninyo, ano man po ang nangyayari sa katawan ko ngayon ay siguradon may dahilan. At saka, wala naman pong masama sa pagiging kuba" sabi ni Vinz sabay lipad pataas ng falls at palayo.

21 lamang si Vinz pero mabait ito. Hindi niya ibinabase sa itsura ng isang tao ang kanilang ugali at kakayahan. Para sa kanya, lahat ng tao ay pantay; mayaman man o mahirap. Kompleto ang kanyang katawan pero alam niya na hindi madali ang maging iba kahit hindi pa niya nararamdaman ang hirap nila. Ang mga taong sinasabing may mga kapansahan, sa harap ni Vinz, ay mga taong kailangan bigyan rispeto dahil kung nahihirapan siya ay siguradong mas nahihirapan sila pero gayun pa man ay nagtatagumpay sila dahil sa sikap na hindi makikita sa lahat.

"Ama, wala ba talaga tayong magagawa?" tanong ni Aizel.

"Sa pagkakataon na ito anak ay wala akong magagawa, maliban na lang..." tumigil si Lapu-Lapu

"Ano po yun Ama?" ang tanong ni Aizel na may tono ng pag-asa

"Ang ating guro! Mahigit 250 taon na rin ng siya ay umalis para intindihin ang enerhiya ng buwan. Oras na para siya ay muling bumalik." ang masayang sabi ni Lapu-Lapu

"Lailan po siya babalik ama?!"

"kung hindi ako nagkakamali ay babalik na siya sa loob ng 1 lingo"

*******

Sa kalagitnaan ng masukal na kagubatan ay lumilipad si Vinz ng mabagal. Konti lamang ang taas niya sa mga puno. Wala siyang ginagawa maliban sa paglipad ng walang patutunguhan na iniisip. Maka lipas lamang ang ilang minuto ay makita siyang isang napakalaking na bato. 5 metres ang taas nito habang may haba naman itong halos 10 metres. Nang makita ito ni Vinz ay nag decision siya na tumigil na lamang sa ibabaw nito at dito magpalipas ng gabi.

100 metres na lamang at makakarating na si Vinz sa ibabaw ng bato pero sa mga sandaling iyo ay napatigil siya sa kanyang mabagal na paglipad.

"May kumikinang na lumilipad" sabi ni Vinz na may nagtatakang hitsura

Dahil mag isa ngayon si Vinz ay nagkaroon siya ng katahimikan at sa mga oras na ito ay na didiskubre niya ang ilan sa mga pagbabago sa kanyang katawan. Uno ay sa kanyang paningin. Malayo pa siya sa bato subalit malinaw niyang nakikita ang sinabi niyang kumikinang na lumilipad at isa itong lambada na naka suot ng asul na one-piece na damit na umaabot hangang sa kanyang tuhod. Maliit ito, ginto ang kanyang buhok at umaabot ito sa likod ng kanyang tuhod.

"huu... huu..." iyak ng lambada habang pinupunasan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay na naka tiklop.

Ang isa pang pagbabago na napansin ni Vinz ay sa kanyang pandinig. Naririnig niya ang pag iyak ng lambada mula sa kung nasaan siya.

*******

"magandang gabi munting lambada, maari ko ba itanong kung bakit ka umiiyak?" malumanay at maginoong na tanong ni Vinz sa umiiyak na lambada habang naka lutang parin siya sa hangin.

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon