Chapter 13 - May problema ang mga mata at tenga ni Aizel!

424 26 0
                                    

Sa kalagitnaan ng isang kagubatan habang papataas pa lamang ay may isang lagusan na bumukas. Mula sa loob nito ay lumabas ang isang paa na naka itim na medyas lamang. Kasunod na lumabas sa ang buong katawan ni Vinz na sinundan ni Florencia. Nagharapan ang dalawa at mga naka ngiting nag usap

"Hangang dito na lang ako. Lagi mong tatandaan na lagi kang tanggap sa Faedis" sabi ng Reyna

"Naiintindihan ko po mahal na Reyna" bumungisngis si Vinz

"Pero hindi parin talaga ako makapaniwala sa nangyari bago ka umalis"

"Ako din po"

"mga matatalinong nilalang ang mga Usagon pero hindi sila madaling magtiwala bata man o matanda"

Ng papasok na si Vinz sa lagusan papunta sa mundo ng mga tao ay biglang may tumama sa ulo niya na nagpatumba sa kanya sa lupa.

"Aray!" sigaw ni Vinz habang dahan dahang tumatayo

Ang sangol na Usagon ang dahilan kung bakit natumba si Vinz. Kasalukuyan itong masayang umiikot sa ulunan ni Vinz habang tumataas baba ang apat nitong paa.

"Bakit mo ako inatake?" sabi ni Vinz habang hinahaplos ang ulo niya

Lumapit ang Usagon kay Vinz at pagkatapos ay ikinabit ang nuo nila sa isat-isa. Isang boses ng isang bata ang narinig ni Vinz sa ulo niya ng magdikit ang ulo nila ng Usagon.

"kumusta!" bati ng Usagon. "masayang masaya ako at nagpapasalamat ako sa ginawa mo pero... maaari bang makahingi ng isa pang pabor?"

"hm?! Oo naman bastat kaya ko itong gawin" sangayon na sabi ni Vinz

"Salamat... kailangan mo lamang sabihin..."

Binuka ni Vinz ang bibig niya at binigkas ang mga salita na sinabi ng Usagon "Gankas emon eb iom rial!"

Lumiwanag ang mga nuo ng dalawa. Parang dalawang magnet na hindi compatible sa isat-isa ay agad na tumalsik ang dalawa. Tumigil ang katawan ng dalawa sa ere at pagkatapos ay lumabas ang isang tulo ng dugo sa ulo nila kasabay ng kanilang mga kaluluwa.

"Gankas!" sabi ng kaluluwa ni Vinz

"Vinz!" sabi ng kaluluwa ng Usagon na si Gankas

Nagulat si Florencia, si Hiwatnig at ang sundalo na nanonood ngayon kay Vinz at at Gankas.

"Dugo, kaluluwa at pangalan..." mahinang sabi ni Hiwatnig habang manghang mangha sa nakikita niya

"PUT******! ANONG KALE*****N ITO!?"

Mula kayna Vinz ay napapunta ang mata ng lahat kay Florencia habang mga nakanganga. Ang Reyna na palaging mahinahon, malambing at mahinhin sa mata ng lahat ay naging isang mapagmurang lambada sa isang kisip mata.

"A-ate..." nautal-utal na tawag ni Hiwatnig kay Florencia na nasa tabi niya habang naka hawak sa siko nito.

Mabilis na lumingon si Florencia para tingnan ang kapatid niya. Nakita niya na may nag aalalang expression sa mukha ni Hiwatnig at nagtaka siya kung bakit. Sa likod ng kapatid niya ay may isang guardia na may 5 metro ang layo. Napansin ni Florencia na may halos parehas na expression si Hiwatnig at ang guardia. Naguguluhan pa din si Florencia ng biglang may boses sa isip niya.

"akala namin ay habang buhay mong maitatago ang masama mong parte, pero sinong mag aakala na ang magbubuking sayo ay ikaw din mismo hahahaha"

Tumingin si Florencia sa lumilipad niyang mga alaga na mga magulang ni Gankas. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya habang naka kunot ang kanyang mga kilay.

"hindi mo ba tanda? Pwes hayaan mong ulitin ko ang sinabi mo na ilang MINUTO pa lamang ang nakakalipas... AHEM! AHEM!..." Tumingin ang dalawang Usagon kay Florencia at ngumiti ng masama "PUT******! ANONG KALE*****N ITO!?"

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon