Chapter 14 - Palusot Part 1

449 27 9
                                    

Thank you sa inyong lahat sa paghihintay, paki vote, share at comment your thoughts after nyo itong mabasa para ma-improve ko ang writing style ko. Enjoy!

_______________________________________________________________

NO! NO! NO! NO! NO!

Pumikit si Vinz at ibinaon ang labi niya sa kanyang bibig.

<<WHOOSSHH>>

Isang malakas na hangin ang sumampal sa katawan ni Aizel na nagpalipad sa kanya ng malayong malayo hangang sa hindi na siya makita.

Binalutan si Vinz ng mahinahon na hangin na tinulungan siyang tumayo.

"Ayos ka lang ba Vinz?" tanong ni Lapu-lapu

Nang iminulat ni Vinz ay nakita niya si Lapu-lapu pero agad din itong tumingin sa kanyang paligid ng hindi niya makita si Aizel. Naka hinga na ng malalim si Vinz.

"Ginoong Lapu-lapu, maayos naman po ako. Akala ko katapusan ko na kanina"

"Wag kang mag-alala. Pinapanood ko na kayo sa simula pa lamang kayat sigurado akong walang mangyayari sa inyo"

"ahahaha" pekeng tawa ni Vinz. Sana sa simula pa lamang ay pinigilan nyo na ang anak ninyo!

"Hindi ko alam na may gusto ka pala sa anak ko"

"po?"

Ano po ang kalokohan na sinasabi ninyo!?

Nakita ni Lapu-lapu na parang naguguluhan si Vinz. "wala ba?"

"walang wala po!"

"kung ganon, bakit mo siya inakit?"

Oh my god! Gusto kong umiyak! Kailan at saang banda ninyo nakita na inakit ko ang anak nyo!?

"Ginoong Lapu-lapu... kailan ko inakit si Aizel?" nagtitimping tanong ni Vinz

"noong ginamit mo ang natatangi mong kakayahan habang umiiyak at sinasabihan si Aizel na NINAKAW MO ANG FIRST KISS KO!"

"..."

Hindi bagay ang mukha ni Lapu-lapu sa boses niya habang ginagaya niya ang mismong pagkakasabi ni Vinz sa NINAKAW MO ANG FIRST KISS KO!

"pero wala po talaga akong ginawa . Hindi ako gumamit ng kahit na anong kapangyarihan na pang-akit dahil wala naman po akong ganoong kakayahan" paliwanag ni Vinz.

"Meron kang ganoong kakayahan pero mukhang hindi mo pa ito alam... ipikit mo ang mga mata mo at pakiramdaman mong mabuti ang bibig mo. Malalaman mo agad kung anong kakayahan meron ka dahil parte ito ng katawan mo katulad ng mga kamay, paa at tenga mo"

Sinunod ni Vinz ang sinabi ni Lapu-lapu at matapos ang ilang minuto ay binuksan na niya ang kanyang mga mata.

"naintindihan mo naba ang kapangyarihan mo?"

Mukhang lantang halaman si Vinz habang sumagot ng "opo..."

"paliwag mo nga sa akin ng mabuti kung anong kakayahan ito"

"Para gawing simple, kaya kong mang-akit, magpakita ng illusion at kumontrol ng temperatura at emotion ng mga nakakarinig sa boses ko at tumatagal ito ng tatlong minuto"

"naiintindihan ko... ngayon na alam na natin kung ano ang kayang gawin ng kakayahan mo ay maari mo na itong kontrolin ng mabuti"

Tumango si Vinz bilang pagsangayon.

Mula sa mukha ni Vinz, ay lumipat ang tingin ng mga mata ni Lapu-lapu sa likod nito na tila diretsyo na at hindi na kuba.

"Anong nangyari sa bukol mo sa likod?" nagtatakang tanong ni Lapu-lapu

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon