Chapter 20 - Mabubulag ata mga mata ko

317 19 1
                                    

Congrats for reaching LEVEL 20!

THE MORE VOTES YOU GIVE THE FASTER I UPDATE. PLEASE FOLLOW ME NA DIN! 😘

ENJOY AND TAKE CARE!
________________******_______________

Nag spray ng tubig na parang mga Balyena ang tatlong hinimatya na mga sundalo. Makalipas ang anim na segundo ay naubos na ang tubig sa kanilang mga katawan.

"Maputi! Maitim! Romina!" Sigaw ni Armando habang nagmadaling pumunta sa tabi ng tatlo. "Sabi mo ililigtas mo sila!" Sabi ni Armando na may galit sa kanyang mga mata

"Kaya nga" sagot ni Vinz

"Kapag may nangyaring masama sa kanila, humanda ka!" Seryosong sabi ni Armando

"Walang mangyayaring masama sa kanila... Well, I think" napakamot si Vinz sa nuo niya

Napatayo agad si Armando "anong ibig mong sabihin!?"

"Kung ang tanong ay mabubuhay sila, then kaya kong siguraduhin sayo na magigising na sila maya-maya lamang. Pero kung may problema sa katawan nyo, yun ang hindi ko alam. Ginawa ko lamang ang pinaka mabilis na paraan para maligtas kayong apat" paliwanag ni Vinz

"Ibig mong sabihin...!" May biglang narealize si Armando.

Dahan dahang inilipat ni Armando ng pwesto ang tatlong sundalo. Nang matapos siya ay tiningnan niya ng mga pwesto kung saan sila naka higa kanina.

Nakita niya na may tatlong lubog na parte ang barko.
Bakit tatlo lang!?
Tanong niya sa sarili niya, pero naalala niya na tanging si Maitim at Maputi lamang ang sinuntok ni Vinz.
This explains kung bakit tatlo lamang ang dent na nasa sahig.

Tinititigan lamang ni Vinz at Innocente si Armando habang tinititigan din sila nito. Naiintindihan naman nila kunga bakit dahil nakita din nila na ang mga mata ni Armando ay nag lock sa kanila matapos lamang niyang makita ang tatlong dent.

Kinakabahan si Vinz dahil hindi niya alam kung anong palusot ang ibibigay niya.

Lumapit si Armando kay Vinz at iniabot ang kanyang kamay para makipag kamay.

Ayos lamang sana kaso na-aawkward si Vinz dahil seryosong seryoso ang mukha ni Armando.

Nakipag kamay si Vinz at sa mismong oras din na iyon ay may nahalata si Armando. Tumungo ang ulo niya at kinausap si Vinz.

"Ilang taon kana?" Seryoso parin ang mukha ni Armando

"21..."

"Trabaho?"

"Uhm, jobless po"

"Nag e-exercise kaba?"

"Just cardio po"
Ano ba kailangan mo!? Tanong ni Vinz sa sarili niya

Sa isang tabi, sabay sabay nagising sina Romina at nakita nila na tinatanong ng kapitan nila si Vinz ng mga personal information.

"Join the Army!" Sabi ni Armando which came out of nowhere!

"Po!? Bakit!?" Nagtatakang tanong ni Vinz

"Kapitan!" Sugaw ni Romina habang lumalapit kayna Vinz. "Bakit nyo pinapasali sa Army ang bata na ito!?" Kahit na hindi nagsalita si Maputi at Maitim ay gusto rin nilnag malaman ang kasagutan sa tanong na ito.

Inexplain ni Armando ang tungkol sa mga dent sa sahig at kung ang mga iyon ay nandodoon. Hindi makapaniwala sina Maputi dahil parang exaggerated ang sinasabi ng kapitan nila. Lalo na ang parte na ang pwersa na ginamit ni Vinz sa pagsuntok kay Maputi at Maitim ay nakaapekto kay Romina para mailabas din niya ang mga tubig sa katawan niya na hindi naman totoo.

Napa faceslap na lamang si Vinz sa mga naririnig niya na lumalabas sa bibig ni Armando

Dinagdag din ni Armando ang evaluation niya na ang mga muscles ni Vinz ay maaring mas malakas pa kumpara sa mga muscle niya.

Hinawakan nina Romina ang kamay ni Vinz and confirmed for themselves na matigas nga ang mga muscles ni Vinz.

"Matigas nga!" Sabi ni Romina

"Parang bato! Hindi... Parang bakal!" Sabi ni Maitim

"At cardio lamang ang exercise niya" sabi ni Maputi

"Dahil malakas siya kaya gusto ko siyang sumali sa Army!" Sabi ni Armando

"SIGHH..." buntong hininga ni Vinz "salamat po sa offer pero hindi po ako interesado sumali ng Army"

"Sasali ka!" Pilit ni Armando

"Hindi!" Tangi ni Vinz

"Oo!"

"Hindi!"

Nagpatuloy ang debate ni Vinz at Armando hangang sa napuno na si Vinz.

"Okay! Gumusto mo akong sumali ng Army dahil sa mga dent sa sahig diba!? Pwes papakita ko sa inyo na hindi ako ang may gawa ng mga iyon"

Inihanda ni Vinz ang kamao niya at ipinakita sa apat. Agad na sinuntok ni Vinz ang sahig na nag produce ng sound na <<KLANG>> parang dalawang bakal na nagtamaan.

Na amaze ang apat sa lakas ng tunog. Ibig sabihin ay malakas talaga ang pagkaka suntok ni Vinz.

Nakayuko si Vinz kung kayat walang nakakakita ng mukha niya.

Naghihintay ang apat na tangalin ni Vinz ang kamao niya upang makita nila kung may dent nga.

Sa banda naman ni Vinz ay ngumisi siya at pabulong na sinabi "water creation FEEL BAD FOR ME TEARS"
Lumingon na muli si Vinz sabay sabi ng "aww~! Ang sakit!" Habang may mga pekeng luha na tumutulo sa kanyang mga mata.

<<BADUMP!>> tumibok ang puso ng apat

"Hic! Hic! Naniniwala na ba kayo na hindi ko kaya ang sinasabi nyo?" Tanong ni Vinz habang maarteng umiiyak

"Oo nga Kapitan! Paano mo nagawang pag-isipan na ang isang magandang binibini ay may kakayahang sumira ng bakal!?" Pagtatangol ni Romina

"Eh? Binibini? Sino? Ako?" Hindi makapaniwala si Vinz na tinawag siyang binibini ng isang babae.

Lumuhod sa isang tuhod nila si Maputi at Maitim. Kinuha nila ang kanan at kaliwang kamay ni Vinz at hinalikan.

"Huwag kang mag-alala munting binibini hindi ko hahayaang saktan ka ng kapitan namin" ngumiti si Maputi pampadagdag pogi points

"Oo nga Munting binibini, ako ang bahala sa iyo" ngumiti ni si Maitim

Hinawakan ni Armando sa likod ang dalawa at ihinagis papalayo. Lumuhod din siya sa isang tuhod. Habang nakaluhod ay niyakap niya si Vinz at inilapit ang mukha niya.

"Ipagpaumanhin mo sana ang aking kat****han subalit handa kong akuin ang responsibilidad. Pakakasalan kita at pasasayahin araw-araw" Sabi ni Armando

Kung normal na tao si Vinz ay baka naakit na siya ni Armando dahil isang gwapong lalaki ito. Subalit kung kay Aizel na mas gwapo pa ng 100 paligo ay hindi naakit sa kanya, kay Armando pa kaya na normal na tao lamang.

Nagka goosebumps si Vinz ng sinabi ni Armando na pakakasalan siya at PASASAYAHIN ARAW-ARAW.

"Hindi! Ako ang magpapakasal sa munting binibini! Debate ni Romina

"Ako!" Sabi ni maputi

"Ako!" Sabi naman ni Maitim

"Saglit saglit! Lalaki ako kaya hindi ko kayo pwede pakasalan!" Sigaw ni Vinz

tinapik ni Romina ang buhok niya sa likuran ng kanyang tainga at sinabi "munting ginoo isa po akong binibini~😘"

Maganda si Romina at kahit na naka pangsundalo siya na uniform at hindi nabawasan ang kanyang kagandahan.

"Magpapaka babae ako kung iyan ang kagustuhan mo ginoo!" Tiningnan ni Vinz kung sino ang nagsabi nito. Agad din siyang nagsisi.

Sabaysabay pala si Maputi, Maitim at Armando na nagsalita at ginawa din nila ang pagtatago ng buhok sa likod ng tainga na may kasama pang kindat at flying kiss.

Vinz: 😱
Mabubulag ata mga mata ko!

Isang nakakatakot na eksena mula sa tatlong lalaki na malalaki ang katawan

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon