Isang malaking puno na hugis payong ang ulo ang nasa harapan ngayon ni Vinz. Kumikintab ang puno at na akit siya dito. "wow"
Nag lakad siya pa ikot para makita ang bawat angolo ng puno. Nang makarating siya sa parte kung saan makikintab na itim ang dahon ng puno ay napatigil siya. Tila may kakaiba sa punong ito.
"ano yun?" tanong niya habang tinititigan ang isang sangay na mas mataba kesa sa iba.
Lumapit si Vinz sa puno ng hindi tinatangal ang paningin niya sa kakaibang sangay. Meron itong hugis ng isang mukha at katawan.
Gusto kong lapitan ang sanga na yun pero... bakit sobrang taba ng puno na ito?!
"hmp" tumalon si Vinz at yumakap sa puno. Sinubukan niyang umakyat pero pababa siya ng pababa hangan lumapat na ang pwet niya sa lupa; tumalon ulit siya pataas para lamang ulit bumaba. Maka lipas ang ilang pagsubok sa pag akyat ay sumuko na si Vinz at umupo na lamang sa ilalim ng puno habang isinandal niya ang likod niya dito.
Nang binuksan niya ang mga mata niya ay nag iba na ulit ang kanyang kapaligiran. May isang upuan sa harap niya at naintindihan niya agad kung nasaan siya. Nasa loob na ulit siya ng eroplano na sinasakyan niya kanina. Hindi niya namalayan na hindi siya nakakarinig at hindi rin niya nararamdaman ang an hawak niyang kumot.
Hmm? Bakit ako napa tingala? Hindi ko naman iginalaw ang ulo ko ah. Napaharap ulit sa upuan ang mukha ni Vinz. Anong nangyayari?! Bakit para akong kinakalog?! Sa mga oras na ito ay Kinakalog si Vinz ng katabi niyang matandang babae na pilipino din.
Ano tong naririnig ko? "o... ho... iho!" napakunot ang mga kilay ni Vinz at napa tingin sa katabi niya na matanda.
"lola, ano po yun? Tanong ni Vinz
"iho, yumuko ka at ilagay mo ang mga kamay mo sa ulo mo! Babagsak ang eroplano! Sabi ng matanda.
"po?... Po!? Babagsak tayo?! Pero bakit parang maayos naman lahat?" tanong ni Vinz
Nan laki ang mga mata ni Vinz ng hawakan niya ang upuan niya para tumingin sa labas ng bintana. Nalaman niya na hindi niya maramdaman ang mga nadikit sa katawan niya at na naging mahina ang pandinig niya.
Anong nangyayari! Hindi nga ako mamatay sa pagsabog ng katawan ko pero mamamatay naman ako sa pag bagsak ng eroplano!
Kiniskis ni Ni vinz ang palad niya sa upuan at naramdaman niya ito ng kaunti.
Wooh! Namanhid lang pala ako.
5 minuto bago ang aksidente
Naglalaban padin si Aizel at Xin Liu ng bigla silang may narinig na BOOM!
Napa tingin ang dalawa sa pinanggalingan ng pag sabog at nakita nila ang eroplano na may pakpak na lumiliyab.
Walang nagawa ang dalawa kung hindi tumingin na lamang.
"Patay na naman tayo" sabi ni Xin Liu habang naka tinin parin sa eroplano
"anong tayo? Yung kapangyarihan mo ang may gawa nun" sagot ni Aizel
Mabilis na lumingo si Xin Liu kay Aizel habang naka kunot ang nuo n iya na para bang nang gagalaiti.
"pano ba yan, may iba pa pala akong gagawin, kita kits na lang ulit tayo" sabi ni Aizel habang papa alis na
"Umalis ka man ngayon hindi mo matatakasan ang parusa ng mga magulang natin sa oras na sabihin kong nag lalaban na naman tayong dalawa" ngumiti ng mala demonyo si Xin Liu.
Matagal ng magka rebal si Aizel at Xin Liu. Marami na silang naging laban at marami narin silang mga na perwisyo. Sa oras na maka rating sa tenga ng mga magulang nila ang pinsala na nagawa nila ay lagi silang napaparusahan. Kasama sa karanasan nila ang pag lilinis ng dumi ng mga mahihiwagang hayop na minsan ay kasing laki ng isang bahay. Naka ranas narin silang maging punching mga ng kanilang mga magulang, o kaya naman makulong sa madilim na mapeligrong lugar kung saan hindi gumagana ang kanilang mga kapangyarihan para wala silang magamit pang tangol sa sarili nila.
BINABASA MO ANG
Double Cultivation
ФэнтезиSi Vinz Peter Tato ay isang normal na 21 years old na lalaki. Isang araw nakakita siya ng dalawang tao na nag lalaban sa kalagitnaan ng ulap at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang uri ng lakas na dumadaloy sa katawan niya. Hindi lang isa, kung hind...