Chapter 8 - Paano nyo po ako naging apo?

528 34 2
                                    

"Sino ka at ano ang ginagawa mo dito!?" seryosong tanong ng Demonyong Minotaur sa Engkantado

"Nauna ako dito kayat ako ang kailangan mag tanong sayo niyan" sagot ng Engkantado

Hindi sumagot ang Demonyong Minotaur at nag titigan lamang ang dalawa.

Binuksan ng Demonyong Minotaur ang kanyang kamay at dahan dahang nabuo ang sandata niyang higanteng hammer. Sinarado niya ang kanyang palad at pinaikot ikot ang sandata niya sa ibabaw ng ulo niya. Nag sprint siya gamit ang isa lamang na paa. Sa loob lamang ng 3 segundo ay nakalapit na agad siya sa Engkantado. Tinigil niya ang pag ikot sa higanteng hammer at ipinalo ito na parang isang tennis racket patungo sa Engkantado.

Nang tatamaan na ang Engkantado ay bigla itong nawala at lumitaw sa likod ng Demonyong Minotaur.

"Wag kang masyadong kampante demonyo!" sabi ng engkantado habang bumubuo ng parang seal gamit ang kanyang mga kamay.

Kalmado padin ang itsura ng Demonyong Minotaur. Hindi ito nataranta at nagawan agad niya ng paraan na kontahin ang atake ng Engkantado na nasa likod niya. Pumunta sa gilid ang Iris ng dalawang mata ng Demonyong Minotaur pagkatapos ay ini-ikot nito ang katawan nito pati narin ang higanteng hammer na hawak niya sa isang kamay. Ito ay para matamaan niya ang Engkantado.

Ngumiti ang Demonyong Minotaur at sinabi "nagkakamali ka kung akala mong panalo kana!" sabay paglakas ng atake nito

Nawala muli ang Engkantada sa harapan ng demonyo at lumitaw muli sa likod nito. Sa pagkakataon na ito ay tapos na ang binubuo niyang seal at agad na inatake ang Demonyong Minotaur pagkalitaw niya sa likod nito. Gamit ang dalawang kamao ng Engkantado ay sinutok niya sa likod ang Demonyong Minotaur na nag sanhi ng pasuka ng dugo nito.

Lumipad papalayo ang Demonyong Minotaur dahil sa malakas na suntok ng Engkantado; hangang sa tumama ito sa isang hindi makitang harang. Agad naman ding tumayo ang Demonyong Minotaur at pinunasan ang dugo na nasa kanyang labi.

Umilaw ang Higanteng hammer tapos ay naging itim na particles ito. Ang itim na particles ay bumuo ng dalawang hammer na mas maliit sa higanteng hammer at umaabot lamang sa kalahati ng taas at laki nito.

"Mahusay Engkantado! Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay! Kailangan mo lamang umalis sa katawan ng taong ito at maging aking tagapag silbi!" mayabang na sabi ng Demonyong Minotaur

" Napaka samang alok. Isang napaka samang alok" sabi ng Engkantado habang mabagal na pumapalakpak at umi-iling. "Naniniwala kaba ng hindi kita kayang tapusin sa loob lamang ng 1 minuto?"

"Masyado kang mayabang!" nagalit ang Demonyong Minotaur at agad na muling sumugod!

Gamit ang kanyang dalawang hammer ay pinupukpok niya ng malakas ang Engkantando subalit na iiwasan lamang o kaya naman ay nakokontra sa pag sipa, pag harang o pag suntok. Humampas muli ang Demonyong Minotaur at sa pagkakataon na ito ay tinamaan niya ang puno ni Vinz ng umilag ang Engkantado.

*******

"ah!" sigaw ni Vinz sabay bukas ng kanyang mga mata habang naka hawak sa kanyang tiyan na parang tinatakpan niya ito. Ilang saglit lamang ay may isang makinis at maputing kamay ang humawak sa nanginginig na kamay ni Vinz. Umilaw ito ng pula na nagparamdam ng init sa katawan ni Vinz.

Dahan dahang umayos ang paghinga ni Vinz. Mula sa mabilis na pag inhale at exhale ay bumagal ito hangang sa naging kalma na ito. Dahil kuba sa mga oras na ito si Vinz ay naka tagilid ang kanyang paghiga; kung kayat kinailangan niyang umupo kung gusto niyang makita ang sa tingin niya ay ang tumulong para pagalingin siya.

Tumagpo ang mata ni Vinz sa isang babae na may makinang na pulang buhok na parang ruby at mga gintong mata. Ito ang parehas na babae na nakita niya ng hawakan niya ang itlog na nasa loob ng katawan niya. Ang pagkakaiba lamang sa pagkakataong ito ay ang isang lalaki na nasa likod nito. Naguluhan si Vinz nang makita niya ang lalaki dahil naramdaman niya ang parehas na bagay mula sa babae na nasa harap niya. Ang suot lamang ng lalaki ay isang mahabang puting coat na hindi naka butones at isang puting pantalon na may ternong design na katulad ng sa babae.

Double CultivationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon