Ano gagawin ko? Ang hirap sabihin...
Sasabihin ko na sana yung totoo nung..
"Sorry po kung pinag intay ko kayo" ?? Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Sehun. Anong ginagawa nya?! Nakangiti lang sya sakin. Umupo sya sa tabi ko.
"Ako po si Oh Sehun. I'm a high school physics teacher. Nice to meet you po. Matagal ko na po kilala ang anak nyo at gusto ko po sana hingin yung kamay nya" sabi nya.
"Uh..uhm.." Ano pinagsasasabi nya?!
"I see. So you're my daughter's fiance" sabi ni dad.
Usap usap sila at pa-ngiti ngiti pa.
"Ang poging lalake. Naalala ko tuloy sarili ko nung bata pa ako" sabi ni dad habang patawa tawa.
"Now, now, he's much better looking haha" sabi ni mom kay dad.
"Haha salamat po" sabi ni Sehun.
Anong nangyayare dito..
"Hey! Ipapa-alala ko lang sayo na poging pogi ako noon!" Sabi ni dad kay mom.
"Mom..! Dad..! Hindi po sya ang--"
"Hoy.." Hinila ni Sehun ng konti yung damit ko.
"Gusto mo ba malaman nila na iniwanan ka ng fiance mo? Tinnan mo kung gaano sila kasaya, you'll break their hearts." Bulong ni Sehun sakin.
"Pero.."
"Bakit ka palaging ganyan Kei? Palagi ka nalang kinakabahan.. Tinnan mo, ang pula mo" sabi ni mom sakin.
Hindi ako kinakabahan, i'm losing my mind.
"I'm so relieved na ikaw ang magiging asawa ng anak ko" nakangiting sabi ni mom kay Sehun.
"We were half excited and half worried about this.. Pero buti nalang at katulad mo ako haha!" Sabi ni dad.
"Haha. Nung una ko syang nakita alam ko na na meant to be kami" sabi ni Sehun.
-.- meant to be mo ang mukha mo.
"Wow.. Saan mo sya nakilala Keiyan?" Tanong sakin ni mom.
"Uh.." Anong sasabihin ko?
"Uh.. Nakakahiya po sabihin" lol yan ang sinabi ko.
"Don't be so shy." Sabi ni mom.
"Dito po kami nagkakilala. Madalas po ako pumunta dito kasi leader konpo si Suho sa baseball team, at si Keiyan napunta sya dito para tumulong kay Suho." Sabi ni Sehun.
"Oh.. Edi pasasalamatan namin si Suho para dito rin" sabi ni mom.
"Haha hindi na po kailangan" biglang sumulpot si Suho sa likod namin.
"Gusto nyo po ba ng isang drink?" Tanong nya para matapos na ang usapan.
"Ahm, gusto namin pero hindi pwede.. Malalate kami sa flight." Sabi ni dad.
"Huh? Aalis na po kayo? Agad?" Tanong ko.
"Oo, hindi namin pwede pabayaan yung shop. Alam mo ba Yun Sehun, na may shop kami?" Sabi ni mom.
"Opo, nasabi po sakin ni Keiyan noon" sabi ni Sehun.
-.- sinungaling.
"Wow, maybe next time bibisita kami sa place nyong dalawa" dgdag ni mom.
"Huh?!"
"Sige po haha" sabi ni Sehun.
"Sige, alis na kami." Tumayo silang dalawa at niyakap kami. Nag pa alam na sila.
"You owe me. Magpasalamat ka." agad sabi ni Sehun sakin pagka-alis ng parents ko.
"Uhm.. Salamat.." Sabi ko.
".."
".."
".."
"Yun lang?!" Sabi ni Sehun.
"Ba-bakit?" Sabi ko.
"Hindi ka bata, hindi lang isang 'thank you' ang kailangan ko."
"Eh ano?!"
"Isang bagay na ikaw lang ang makakagawa" nakatawa si Sehun.
"A-ano? Wala akong maisip.." Sabi ko.
"Hoy ikaw" hinakawan nya ang braso ko.
"A-ano??" Sabi ko.
"Hindi ikaw yung ideal type ko, pero ok ka lang"
"Huh?!" Ano sinasabi nya??
Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko at sinabing: "marry me"
"Ano?" Hindi ata tama ang narinig ko. Ano sabi nya?
"Let's get married Keiyan" sabi nya.
Whaaat?! Nabigla ako at gusto kong umalis pero hawak nya ang braso ko.
"No way! No no no no no!" Sabi ko.
"Bakit hindi?" Tanong ni Sehun.
"Kasi.. Kasi kakakilala ko lang sayo!" Sabi ko. At tsaka.. Kakabreak up ko lang sa fiance ko..
"Pero pinakilala mo na ako sa parents mo" sabi ni Sehun.
"Bu-but marriage is--"
"Hindi ko naman sinabi na totoong magpapakasal tayo" sabi ni Sehun.
"Huh..?"
"Obvious naman. Bakit ko papakasalan ang isang tulad mo?" Sabi nya.
".." Hindi ko maintindihan.
"Ayoko ng real marriage. Kailangan ko lang ng isang fake marriage" sabi nya.
"A fake.. What?"
"A! Fake! Marriage!" Sabi ni Sehun.
".." Napatahimik ako.
"Mag prepretend lang tayo! Yun lang!" Sabi nya.
"Katulad ng sinabi ko kanina, i'm a physics teacher at an high school which is a famous school for young ladies, at may isang rule doon na kailangan kong sundan. Kung male teacher ka kailangan hindi ka single, dapat married kung hindi, hindi ka nila tatanggapin. When i got hired, i lied. Sabi ko kasal na ako. Naniwala sila pero pinag dududahan ako ng vice principal. Ayoko matanggal sa work ko, kaya kailangan ko mag pretend na i'm a married guy. Kailangan kita as my fake wife." sabi ni Sehun.
Ah.. Ngayon naiintindihan ko na.. Basically kailangan nya mag pretend para hindi sya matanggal sa work..
"Pero.. Bakit ako?" Tanong ko.
"Huh?"
"Madaming babae dyan sa labas, at tsaka may girlfriend ka naman siguro" sabi ko.
"Ah.. I'm prettu popular with ladies pero ayoko na umasa sila na magkakatuluyan kami sa huli" sabi nya.
"Ok lang sayo na ako ang tutulong sayo?" Tanong ko.
"Yeah and you owe me" sabi nya.
"At tsaka.." Sabi nya.
"At tsaka?"
"Wala kang bahay dito diba?"
"Huh?"
"Narinig ko kay Suho, wala kang job, at bahay."
"Kailangan ba natin tumira sa iisang bahay..?" Tanong ko.
"Oo, kasal tayo kaya dapat lang. At tsaka hindi natin alam kung kailan bibisita parents mo. Plus wala kang trabaho at matitirhan kaya you have no choice but to accept my offer" Sabi nya.
Tama sya.. Pero.. Ano? Papayag ako?