"And what did you think you were doing just going off to a place like this?! Aren't warehouses like the most suspicious places ever?!" Inaakayan ako ni Sehun papunta sa labas ng warehouse habang nag sasalita sya.
"Sabi nya kasi, ayaw nyang may makarinig at makakita na iba habang nag uusap kami.." Sabi ko.
"Dapat tinext mo ako, kung kailangan mo ako! Kung hindi ko pa nakita yung memo na sinulat mula mo sa phone call.."
"Memo?"
"Oo, may iniwan kang memo malapit sa phone ng bahay" sabi ni Sehun, napatigil ako.
"Talaga? Kala ko dinala ko yun ah.." Kinuha ko yung memo na dala ko kanina at ipinakita sa kanya.
"Sobrang diin mo mag sulat kaya kita din yung mga sinulat mo sa papel sa baba noon" kinuha din din Sehun yung memo nya at ipinakita, tama sya.
"Ganun mo nalang kung nasaan ako? Wow.. Para kang detective"
"Hindi ito ang tamang oras para mag biro, seriously. Uwi na tayo" inabot ni Sehun ang kamay nya at hinawakan yung sakin.
Yung saglit na hinawakan nya kamay ko, naramdaman ko na safe na ako.
Palagi sya nag susungit, ngayon ko lang sya nakita mag alala ng ganto.
Habang nag lalakad kami, hindi ko makita ang mukha nya. Hindi ko alam kung galit sya, nahihiya or ano. Pero baka hindi nya rin alam.
"Salamat" habang naglalakad kami, bigla akong nagsalita.
"Huh?" Napatingin sya sakin.
..ops.. Hindi ko sinasadyang sabihin ng ganyan kalakas..
"May sinabi ka ba?" Sabi ni Sehun.
"Wa-wala.." Napatingin ako sa baba.
--
That night.
Naisip ko lahat ng nangyare sa mga nakalipas na araw habang nagbababad sa bathtub
Ang gulong nangyare kaninang umaga.. Ano kaya mangyayare sakin kung hindi sya pumunta?
"She's very important to me" naalala ko yung sinabi ni Sehun kay Danielle.
Ang galing ni Sehun umacting.. Naniwala nga si Danielle sa sinabi nya..
*SLAM!*
"Huh?" Ano yun?
Rinig ko ang pagkabukas ng pinto ng kwarto. Bigla akong may nakitang shadow sa harap ng glassdoor ng banyo.
"Huh?! Anong ginagawa mo?!"sabi ko.
"How's the bath?" Rinig ko ang boses nya sa harap ng glassdoor.
A-Anong gagawin ko?! Hindi ko naisip kahit kailan ang posibilidad na pwede mangyari to.
"A-anong gusto mo?" Sabi ko.
"Maligo kasama ang wife ko, ano pa ba? We're newlyweds, aren't we?"
"What..?" Anong sinasabi nya??
"Papasok na ako"
"Wag!!" Sigaw ko.
Kita ko yung kamay nya sa door knob ng glass door, kaya tumayo ako sa bathtub at hinawakan ang pinto para pigilan sya makapasok.
"Wag kang papasok!" Sigaw ko.
"Bakit hindi?"
"Basta, wag!"
"Ano nga? Give me a reason"
"Obvious naman diba!" Itinutulak ko ang pinto para hindi sya makapasok.
"Kung ayaw mong makita kita na hubad, late ka na"
"Huh?"
"Medyo nakikita na kita.." Napalayo ako sa pinto.
..oo nga.. Kung nakikita ko sya sa glass door.. Ibig sabihin..
"Kyaah!" Sigaw ko.
Bilis bilis akong lumublob sa bathtub.
"Joke lang. Hindi kita nakikita" Rinig ko na tumatawa sya.
"Hindi ka nakakatawa!" Sabi ko.
Ano ba yan?! Nakakainis.
"Wag ka na mahiya. Kung gusto mong maligo ako kasama mo, sabihin mo lang"
"Eh kung ayaw ko, huh?! You're always teasing me..!" Sabi ko.
"I'm not teasing you" biglang 'lumambot' ang boses nya.
Tumahimik sya saglit, at nag salita na.
"Sorry sa nangyare sayo today.. Hindi ko hahayaan mangyare sayo ulit yun.."
"..."
"You must be tired. Take your time in there.."
"Sehun.."
"Yun lang. Bye" nawala shadow nya sa harap ng glassdoor.
.. Hindi ko maitago na nagulat ako, nag sorry sya nag nangyare..
--
Pagkatapos ko mag bihis, pumunta ako sa living room.
Nakita ko si Sehun, tulog sa desk nya. Pagod na sya sa dami nyang ginawa.. Hawak hawak nya pa ang isang pulang ballpen, at mga physics test ng mga student. Dinadala nya pala ang work nya hanggang sa daan.
Masasabi ko talaga na mahal nya ang work nya, kasi hindi lang mga grades ang nakasulat sa mga testpaper, kundi, may mga advice na rin kasama. Mga 'keep it up' at iba pa, may sinasabi sya sa bawat student. Nung una ko palang sya nakita sa classroom, kita ko na na good teacher sya.."Sehun.. Gising. Malamig dyan" kinalog ko ng konti ang braso nya.
"..."
"Dun ka na matulog sa kama mo" sabi ko, pero mukhang mahimbing tulog nya kaya hindi ko nalang sya gigisingin.
Kumukha ako ng isang blanket at ipinatong sa kanya para hindi sya malamigan.