The next morning.
Mas maaga ako nagising ngayon, hindi ko alam kung bakit.
"Goodmorning" pumunta ako sa living room at binati si Sehun.
"Hey, goodmorning" nakaupo sya, naka apron.
"Ang aga mo ah.." Umupo ako sa isang couch habang kinukusot kusot ang mga mata ko.
"Ikaw din. Nagising ba kita dahil sa ingay habang nagluluto ako?" Sabi nya.
"Hindi naman" sagot ko.
"..wow! Ang breakfast!" Pagsilip ko sa lamesa nakita ko na punong puno ng mga pagkain, mukha silang masarap.
Madami naman talaga magluto si Sehun, pero parang mas madami pa ngayon.
"Para syang buffet" sabi ko habang nakangiti sa pagkain.
"Maaga kasi ako nagising kaya gumawa ako ng extra"
Ang dami dami talagang pagkain..
"Pwede mo yan kainin lahat kung gusto mo" sabi nya.
"La-lahat?"
"Nakakuha na ako dyan ng kakainin ko mamaya sa school, kaya kainin mo na ang gusto mo" ngumiti sya saglit.
Sa dami ng pagkain na ito, siguradong sobrang aga nya gumising para maluto lahat to.
Para ba to sa nangyare kahapon? Bilang sorry?
Inaalagan nya ako in his own way..
"Umupo ka na, ready na ang kanin" sabi nya at pumunta sa kusina.
"Tutulungan na kita" papasok na sana ako sa kusina pero pinigilan nya ako.
"Ako na ang gagawa ng lahat today" nginitian nya ako at pinaupo.
"Ang saraaap!" Kumagat ako kaagad ng omelette.
Ang sarap sarap talaga nya magluto!
"Syempre, ako nagluto nyan" umupo narin sya at kumain.
"Paano ka nakakapagluto ng gantong kasarap? Turuan mo akoo!" Sabi ko.
"Mahirap i-explain. Kailangan ko ipakita sayo. At tsaka kailangan yan ng practice"
"Turuan mo ako master"
"Good, very good. Wait. Ano tong sinasabi natin?" Pareho kami napatawa.
"Wait, may dessert pa" tumayo sya at nung papunta sa kusina, narinig ko na kumakanta kanya sya.
Ang saya nya ata? Baka dahil nag compliment ako sa galing nya magluto? Haha.
Napatawa ako ng konti, ang cute nya tinnan.
Habang nasa kusina sya, nag ring ang phone ng bahay.
"Sino yun? Sa agang to?" Sabi ko.
"Ako na, kain ka lang" lumabas si Sehun sa kusina at sinagot ang tawag habang tinitinnan ko sya habang nakain.
"Hello, Oh speaking.." Sabi nya.
"Mr. Oh! What have you done!"rinig ko ang boses ng vice principal hanggang dito..
"Mr. Soo, please calm down.. What happened?" Kahit surprised ang mukha ni Sehun, mahinhin parin boses nya.
"What do you mean, what happened?! You.." Rinig ko na galit ang vice principal.. Sumisigaw sya
Binitawan ko ang mga chopsticks ko at tininnan si Sehun.
"Understood. I'll be right in" ibinaba nya na ang phone at huminga ng malalim.
"Anong sabi ng vice principal?" Tanong ko habang nakatalikod parin sya sakin.
"Huh?" Napatingin sya.
"Rinig ko hanggang dito. Anong sabi nya?" Kinakabahan ako ng konti.
"..." Napatingin sya sa ibang direction.
"Tungkol ba yun sa nangyare kahapon kasama si Danielle?" Tanong ko.
"..."
Sabi ko na eh..
"May isang emergency PTA meeting, kaya kailangan ko pumunta. The head of the PTA went into school demanding.. I'll be fired" sabi nya.
"Fired.. Huh?! Bakit?!"
"Hindi ko malalaman yun hanggat hindi ako pumupunta.. Yung head ng PTA.. She's Danielle Jung's mother"
"Ano??" Napatayo ako.
"Sabi ng ibang mga teacher, persistent sya.. There's going to be hell to pay" sabi nya.
"..." Hindi ako makapaniwala.. Mawawala si Sehun sa work nya dahil sa ginawa ni Danielle kahapon?!
"Sige, alis na ako" nilagay nya yung jacket nya at sapatos.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nag hahanda sya. Nag aalala ako.. Ma- fifired ba talaga sya?!
"Bakit ganyan mukha mo?" Ngumiti sya, trying to make me feel better.
"..."
"Wag ka mag alala. Magiging ok ako" sabi pa nya.
"Pero.."
"Sabi ko, magiging ok ako kaya tapusin mo na breakfast mo. Susungitan kita pag may nakita akong tira"
"..." Sehun..
"See you" isinara na nya ang pinti at umalis.
Sehun..
Sa sobrang kaba hindi ko na malasahan ang pagkain na nakahain sa lamesa..Hindi nila pwede alsin si Sehun sa work nya.. Magaling si Sehun and he really works hard on it..
Anong gagawin ko? Paano ko sya tutulungan..?