Chapter 19

87 8 22
                                    

"I can't believe you came" sabi ng babaeng student.

Hindi naman sya umiiyak, nakatingin sya sa mga mata ko.

"Isa ka sa mga student ni Sehun diba? Anong nangyayare?" Tanong ko.

"..." Yung tingin nya sakin.. Uncomfortable ako.

"Am i wrong..? Hindi ka ba student nya?" Sabi ko.

"Stop it already!" Biglang sinigawan ako ng babae.

"Huh..?"

"Sehun, Sehun! Stop pretending na kilalang kilala mo sya! Stop acting like he's yours!" Sigaw nya.

"..." Napa atras ako sa mga sinabi nya.

"You're in my way!" Sigaw nya.

Umaatras ako pero biglang may tumulak sakin ng malakas kaya napunta ako sa loob ng warehouse.

Pagtingin ko, may dalawang lalaking naka tayo sa harap ko.

Anong nangyayare??

Nagsasara na yung front door, kaya tumakbo ako para lumabas pero hindi ko na kaya, agad syang nagsara sa harap ko.

Wala na akong makita, sobrang dumilim.

"Hey you, behave" may naririnig ako na boses.

"Iabot mo yung tali" huh??

Wala akong makita pero ramdam ko na itinatali nila ang mga braso ko sa likod ko.

Sinubukan ko makawala pero wala. Sino ba yang babae na yan??

"Wala akong makita!" Rinig ko ang boses ng lalaki malapit lang sakin.

"Buksan mo ang ilaw, Danielle!" Sigaw ng isang lalaki.

"Wait lang" rinig ko na yung boses ng babae kanina ng malayo layo.

Biglang lumiwanag paningin ko, nakikita ko na ang paligid.
Pero hindi ko parin maigalaw mga braso ko.. At hindi ko na rin maitago na medyo natatakot na ako.

Ano ba kasi ang nangyayare??

"Ang dali naman sobra.. Sobra ka kung makapagtiwala grabe" lumapit ang babae sakin na Danielle ang pangalan, nasa harap ko na sya.

Ibang iba sya sa babae na umiiyak kanina sa tawag..

"Sino ka ba talaga?" Tanong nya.

"Sasabihin ko lang to sayo ah? Alam mo ba na kahit magsisigaw ka, walang makakarinig sayo dito? Kahit anong lakas ka pang sumigaw, walang makakarinig sayo dahil sa mga walls na to, at walang pupunta dito para iligtas ka. Kaya wag mo na subukan sumigaw" Nagpatuloy sya magsalita habang tinitinnan ako.

"..." Hindi ako makapaniwala sa position ko, kung nasaan ako.

Nakatali ako sa loob ng isang warehouse..kala ko sa mga comics lang to nangyayare..
Hindi talaga ako makapaniwala at hindi ko alam kung ano gagawin ko!

"I can't believe mr. Oh would fall for a useless girl like you" sabi nya.

"..." Nakatingin lang ako sa mga binti ko.

"Kasal ka ba talaga sa kanya?" Tanong nya.

"..."

"Sagutin mo ako"

"Oo" sagot ko at tumingin ako sa kanya.

"Kalokohan" sabi nya habang nakataas ang kilay nya.

"Hindi yung kalokohan.. Totoo yun. Bakit mo ba iniisip na hindi totoo yun?" Sabi ko.

"Kasi hindi kayo bagay. Marunong ako sa mga ganyan" sabi nya.

"..."

"You're just.. You're just not good enough for him!" Malakas nyang sabi at pagalit.

Hindi ko alam kung nag sususpect sya sa fake marriage namin.. Pero ang alam ko, in love sya kay Sehun.

Kaya nya pala ako pinapunta dito..
Nong gagawin nya sakin?

"Kung talagang kasal kayo, pwede mo bang sagutin ang mga tanong ko?" Sabi nya habang nakacross arms.

"..."

"Sasagutin mo diba?!" Sigaw nya.

"O-oo.." Sagot ko.

"So, paano mo nakilala si mr. Oh?" Tanong nya.

"Well.. May cafe yung pinsan ko kaya.." Naalala ko yung kwento na sinabi ni Sehun sa mga magulang ko, kaya yun ang ikwinento ko sa kanya (Danielle) "madalas pumunta dun si Sehun kaya nagkakilala kami ng maayos.."

"Is that true?" Itinaas ulit ni Danielle ang kilay nya.

"Oo. Kung iniisip mo na nagsisinungaling ako, pwede mo itanong mo kay Sehun" sabi ko.

"Question two. How long after meeting him did you fall in love?" Tanong nya.

"Ahm.. Nung moment na makita ko sya.. Alam ko na sya yung para sakin" sagot ko.

Biglang nag salita si Danielle, iba nanaman ang tono ng boses nya.

"But.. He and i.. Teacher sya, student nya ako.. I would feel bad if gets the axe because of me, you know? So nag decide ako na hindi sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko hanggat sa makagraduate na ako. I would wait for his sake. Pero ano? Ayan ka! Sumusulpot ka bigla!" sabi nya.

"I won't let you take him from me! Kasi nakukuha ko palagi ang gusto ko!" Sigaw nya habang papalapit ng papalapit sakin.

Anong gagawin ko..? Makikinig ba sya sa sasabihin ko?

Marrying a stranger (EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon