Chapter 6

118 11 2
                                    

Hay, kailangan ko ba talaga gawin tong pag-papanggap? Sabi ni Suho isipin ko nalang to as work.. Sana maging ok ang lahat..

Bumalik na kami sa salas.

"Umupo ka kung san mo gusto" sabi nya.

"Okay" umupo ako sa isang sofa.

Tumingin ako sa paligid, isang picture ng isang babae ang nasa bookshelf. Ang ganda nya... Mukha syang mabait.. Ka ano ano sya ni Sehun?

"Ano tinitinnan mo?" Sumilip si Sehun mula sa kusina.

"Oh sorry hindi ko namalayan na tinitinnan ko na pala ang mga gamit mo.." Sabi ko.

"Ah, ok lang. Tinnan mo ang gusto mo" sabi nya.

"Ang ganda nya" sabi ko habang tinitinnan ng malapitan yung picture

"Talaga?" Sabi nya.

"Oo. Parang familiar sya.. Parang isang famous actress.." Sabi ko.

"Hindi ko ba sya kamukha?" Sabi ni Sehun at lumapit.

"Ikaw? Kamukha mo..?" Sabi ko.

"Sya ang mother ko. Palagi nila sinasabi na kuhang kuha ako ni mom" sabi ni Sehun.

"Mother mo.." Tininnan ko lalo yung picture tapos si Sehun.

Oo nga, magkamukha sila..

"Saan kinuha ang picture na to?" Tanong ko.

"Sa NSC (naro space center). Nagmakaawa ako kay mom na dalhin ako dyan" sabi nya ng nakangiti.

"Ah. Mahilig ka pala sa mga outer space" sabi ko.

"Oo, nung maliit nga ako gusto maging austronaut, and my mom was my biggest supporter" sabi nya.

"Was..?" Sabi ko.

Napatingin sya sa baba, nagpalit yung expression nya. May nasabi ba akong mali..?

"Namatay sya nung high school palang ako, simula non ang lola ko sa part ni mama ang nagpalaki sakin " sabi nya.

".." Wala akong masabi. Hindi ko naman alam na ganyan ang nangyare..

"Wag kang tahimik dyan, magiging akward" sabi nya.

"Sorry nagtanong ako nag ganun ka-personal na question.." sabi ko.

"Ok lang, kasal nga tayo diba? Magiging weird tinnan kung hindi natin kilala ang isa't isa ng mabuti, kaya from now on feel free to ask me about anything" sabi nya.

Wow, kala ko magagalit sya or ano..
Pumunta sya sa kusina at nung bumalik sya sa salas may dala dala syang teapot at teacups.

"Ok lang ang korean tea sayo?" Tanong nya habang umuupo.

"Oo naman. Wow, gumagamit ka ng isang proper teapot" sabi ko.

"Yan ang tamang paraan para gumawa ng tea" sabi nya.

"Ngayon lang ako nakakakita ng katulad mo na gumagamit ng ganyan" sabi ko.

"Ganyan lang ako nagawa" sabi nya.

Baka nakuha nya to sa lola nya.
Binuhos nya yung tea sa cup nya. Wow.. Ang kamay nya.. Ang galing nya, alam na alam yung tamang pag hawak ng teapot.

Kala ko mayabang sya, rude at walang paki alam sa iba pero.. Hindi ata. Sya nag lilinis nag bahay nya tapos marunong pa mag prepare ng tea..

"Here you go" sabi ni Sehun pagkatapos laggyan yung teacup ko.

"Salamat" sabi ko.

Humigop ako ng konti. Ang sarap nya, ang bango ng aroma.

"Wow ang sarap" sabi ko.

"Talaga? Sige ipagpatuloy mo magsabi ng mga ganyan at baka maconvince ko sarili ko na hindi ako ganun kasamang lalaki" sabi nya.

"Haha, pero hindi nga, masarap sya. Baka dahil ayos ang pagkakagawa" sabi ko.

"Haha sasaya si lola pag narinig yung sinasabi mo" sabi nya at humigop sa teacup nya.

Habang umiinom kami, naisip ko ulit yung sinabi nya. Namatay mom nya yung nasa high school palang sya tapos simula non lola na nya ang nag alaga sa kanya.. Pero what about his father? Hindi na i-mention ni Sehun ang tatay nya, bakit? May nangyare ba sa kanila..?

Marrying a stranger (EXO-K)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon