"That was good"
"Yeah"
"Pwede ko na ba kunin ang mga plato mo?"
"Oo, salamat"
Kakatapos lang namin mag breakfast, kaya kinuha ko ang mga plato at dinala sa sink sa kusina.
"Kailangan ko na umalis, may morning meeting ulit" rinig kong sabi ni Sehun mula sa dining room.
"Maaga ka bang uuwi or late?" Tanong ko habang nag huhugas ng mga plato.
"Around the same time as always. Bakit?" Sabi nya.
Tapos na ako mag hugas kaya nag pahid ako ng kamay at pumunta sa salas kung nasaan sya ngayon.
"Mag wowork ako sa bar ni Suho mamayang hapon" sabi ko.
"Kung dun nalang kaya ako pumunta pagkatapos ng work ko? Para sabay na tayong umuwi"
"Ok lang, hindi mo na kailangan mag abala"
"Sige na, kailangan natin mag mukha isang masayang married couple" sabi nya.
"Oh.. Sige text mo nalang ako pag tapos ka na sa school?""Gotcha" nilagay na nya ang jacket nya at binuhat yung bag nya.
"Anong tinitinnan mo?"
"Huh?" Oh.. Natulala ako ..nakatingin sakin si Sehun.
"Inaantok ka pa siguro" sabi nya.
"Uh, hindi.. Iniisip ko lang kung ano muna ang lilinisin ko.." Sabi ko.
"Talaga?"
"Oo"
"Kalimutan mo muna saglit yan paglilinis. Wala ka bang nakakalimutan?"
Nakacross arms si Sehun."Ano?"
"Kailangan mo ako 'ihatid' hanggang sa pinto pag na alis ako at pag nadating ako para ma welcome home mo ako" sabi nya.
Huh?
"You're my wife. Ang tagal ko na nag iintay dito, kaya gawin mo na" sabi nya at nag pout ng konti.
"Sorry hindi ko alam" sabi ko.
"Wag ka mag sorry, ok lang"
"So.. Ano? Iniintay mo ako?" Sabi ko.
"Parang ganun na nga. Nag iintay ako dito for about 3 seconds every morning, iniisip na pupunta ka dito"
"Oh.. Hindi ko alam na importante to.."
"Don't get the wrong idea. It's not like i want you to do it for me. Kailangan mo lang talagang gawin yan kasi baka maging sudpicious ang mga kapit bahay"
Kaya pala..
"Ok" lumapit ako sa kanya sa harap ng pinto.
"See you" ngumiti saglit si Sehun.
"Goodbye!" Sabi ko.
Malakas lakas ang boses namin para marinig ng mga kapit bahay.
Parang totoo na to ah..
Pero narerealize ko rin naman na acting lang to, lahat to fake.
Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa loob."Kailangan ko na mag linis" sabi ko sa sarili ko.
Uupo lang ako nung may narinig akong mga footsteps sa tapat ng pinto.
*BANG!*
"Keiyan!" Biglang may pumasok.
"Hi..?" Pumasok si Sehun sa apartment.
"Nakalimutan kong sabihin! Wag kang gagala gala mag isa!" Sabi nya.
"Huh?" Anong ibig nyang sabihin?
"Gawin mo lahat ng gusto mo pag umaga pa pero pag madilim na wag ka na aalis at ilock mo ang pinto!" Sabi nya.
"..."
"Yun lang. Sige alis na ako" tumalikod sya at papunta sa pinto.
"See you.." Sabi ko at sinara na nya yung pinto.
Bumalik sya dito para sabihin yan..? Ah, baka naman dahil sinabi ko kahapon na may sumusunod sakin..
Kala ko ba hindi sya naniniwala sa sinabi ko? .. Nag aalala ba sya sakin?
--
"Hay" tapos na ako maglinis kaya umupo muna ako para makapag pahinga.
Tininnan ko yung oras, hindi pa naman time para pumunta na sa Kunian.
Hmm.. Mamimili siguro ako ng makakain namin para sa dinner mamaya.
Tumayo ako, at papunta na sa kwarto para mag bihis nung..
Bigla nag ring yung phone ng bahay.
"Hello, the Oh residence" sinagot ko.
"..."
"Hello?" Ano ba yan?
*click*
Pinatay yung tawag.
Baka mali ang number na natawag nila?Tumayo na ako pero nag ring ulit.
"Hello, the Oh residence" sinagot ko.
"..." Wala akong naririnig sa kabilang linya.
"Hello? Sino po to?" Sabi ko.
Niloloko ba nila ako?
"..."
"Kung prank to, ibababa ko na" sabi ko.
"Um.." May nag salita, she sounds like a young girl.
"Yes?" Sabi ko.
Sino sya?