Alam ko na!
"Ahm.. Excuse me po!" Bigla kong sabi sa babae.
"Yes?" Napatingin sakin ang babae, biglang nagpalit ang expression ng mukha nya, nakataas ang isang kilay.
Tininnan nya ako mula ulo hanggang paa, parang jinujudge ako.. Iba talaga sya ngayon kesa sa pagtrato nya kay Suho kani-kanina lang.
"Anong ginagawa ng isang babae dito?" Tanong nya habang tinitinnan ako.
"I'm sorry.. Pero ikaw po ba ang famous flower arranger, Lily? Nakita ko na pa kayo sa tv! Ang gaganda ng mga flower arrangements nyo!" Sabi ko.
"Oo! How sweet! Salamat! Regular ka ba dito?" Napangiti sya.
"Sya si Keiyan, pinsan ko" sabi ni Suho kay Lily.
"Ang cute naman ng pangalan mo. Nice to meet you Keiyan!" Sabi nya at nag shake hands kami.
"Hindi ko alam na fan ka pala ni Lily" sabi ni Suho habang hinahawakan ang likod ng leeg nya.
"Anyway, may nakita akong magandang restaurant kung saan gumagawa sila ng masarap na hot pot! Pwede mo ba akong samahan Suho?" Tumingin si Lily kay Suho, na napatingin naman sa ibang direction.
"Bu-busy ako eh" sabi ni Suho.
May gusto ata si Lily kay Suho ah.. Haha.
Magsasalita na si Lily nung nag ring cellphone nya.
"Hello?" Sinagot nya.
"Interview..?" Sabi nya.
"Ok, i'll be there soon" sabi nya at ipinatong yung cellphone sa lamesa.
"Sayang! Kailangan ko nang umalis, pinapapunta nila ako sa office! Tapos andito ka sa Kunian! Huh! Sayang talaga" iyamot na sabi ni Lily.
"Sige na, punta ka na dun baka importante pa yun" sabi ni Suho.
"Dadaan ulit ako mamaya" sabi ni Lily habang inaayos damit nya.
"See you around, Keiyan!" Nag wink sya sakin.
"Goodbye!" Nakangiti kong sabi at umalis na sya.
"Mahilig ka pala sa mga arrangement ng mga flowers" sabi ni Suho sakin.
"Syempre, florists kami eh" sabi ko.
"So pwede mo ba akong tulungan? Gusto ko sana laggyan ng mga flowers dito sa Kunian" sabi ni Suho.
"Sige sige. may mga vase ka ba?" Sabi ko habang iniimagine ko na kung paano ko iaarrange yung mga flowers.
"Oo!" Nakangiting sabi ni Suho.
"By the way.."
"Oh?" Nakatingin sakin si Suho.
"Bakit gustong gusto ni Sehun yang all-girls school na pinapasukan nya?" Tanong ko.
"Ano ibig mong sabihin?" Sabi ni Suho.
"Andami daming high school na nag hihire ng mga single men, pero pinili nya yang school na pinapasukan nya ngayon. Is it worth having a fake marriage to work in that high school?" Sabi ko.
"Ewan.. Who knows.." Sabi ko.
"I guess you don't care.." sabi ko.
"No, i do care" sagot ni Suho.
"Hindi naman interested si Sehun sa mga mas bata sa kanya diba..?" Tanong ko.
"Syempre hindi. Siguradong hindi yun ang dahilan kung bakit sya nandun.." Sabi ni Suho.
"Eh bakit..?" Sabi ko.
"Tanungin mo sya" kyaah! Nagulat naman ako sa manager.. Bigla bigla nalang nasulpot sa likod ko.. Kala ko tulog pa sya..
"Kala ko natutulog ka!" Sabi ni Suho sa manager.
"Nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"If there's something you don't know about your husband, you should ask him. A good marriage is based on communication" sabi ni manager.
"Kahit sabihin pa namin na kasal kami, fake marriage lang naman yun.." Sabi ko habang nakatingin sa lamesa.
"Wala naman masama ang makilala nyo ang isa't isa diba?" Sabi ni Suho.
Wala nga ba..? Ok lang kaya kay Sehun ang mag tanong ako ng mga ganyan..?