Chapter 20

19 1 0
                                    

"Raf dito naba iyong sinasabi mong junkshop?" Tanong ni Maison kay Raf...

"Opo kuya." Sabi niya tapos ay pilit na binubuksan na iyong pintuan...

Bumaba naman ako ng sasakyan at pinagbuksan siya... " Salamat po ate." Sabi niya tapos ay pumasok na siya ng junkshop.

"Tara na." Yaya ko kay Maison...

"Grabe noh, ang hirap ng buhay nila araw-araw." Sabi ko kay Maison.

"Oo nga eh... Nagpapasalamat talaga ako at nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw." Sabi niya tapos ay inakbayan ako.

"Jekjek! May kasama akong magbibigay ng pagkain saatin." Anunsiyo ni Rafraf sakanila.

"Talaga?" Biglang tanong nung kasama ni Jekjek.

"Oo, Poy sina ate Angel at kuya Jeremy." Sagot naman niya. "Ayun sila oh." Sabay turo niya saamin.

"Hi po ate't kuya." Sabay na sabi Poy at Jekjek.

"Hello..." Bati ko.

"Ano pong ginagawa niyo dito ate?" Tanong ni Poy.

"Nakita ko kasi itong si Rafraf sa daan na nangangalakal kaya naisipan kong tulungan siya pati narin kayo dahil may dala kaming mga pagkain ni kuya Jeremy niyo." Paliwanag ko.

"Ahh... Ang bait niyo naman po ate." Sabi ni Jekjek.

"Salamat... Nabenta niyo naba iyong mga kalakal niyo?" Tanong ko sakanila.

"Opo ate... Naka 27 po ako tapos si Poy naman po 28." Nakangiting sabi nila.

"Sa pagod niyo yun na yon?" Takang tanong ni Maison.

"Opo kuya bakit po?" Takang tanong din nila.

"Kasi sa sobrang pagod niyo iyong lang yung nabibigay sainyo." Sabi ni Maison.

"Ayus lang po yon kuya ang mahalaga may mambili po kaming bigas para sa mga pamilya namin." Sagot naman nila.

"Osya... Mamaya nayan kumain na muna kayo at bibigyan rin namin kayo ng pagkaing maiuuwi niyo." Sabat ko sa kanila dahil kita kong pagod na pagod sila at gutom na rin.
.
.
.
"Kuya, ate, salamat po sa binigay at pinakain niyo po malaking tulong na po to para bukas ay madagdagan po iyong pambili namin ng bigas dahil may kainin na po kami ngayon... At masarap pa." Sabi saamin ni Rafraf.

"Oo nga po salamat po." Parehas na sabi ni Poy at Jekjek.

"Walang ano man... Babalikan namin kayo dito ah, pag may time kami ng kuya Jeremy niyo." Ngiting sabi ko sakanila.

"Sige po ate salamat po." Paalam na nila.

"Ahmm.." Sabi ni Maison habang binubuksan iyong wallet niya.

"Ito oh wag niyong pamimigay iyan sa iba ah." Sabi ni Maison sabay bigay sakanila ng tigisa isang libo.

"Ay kuya ngayon lang po ako nakakita ng ganyang kulay na pera mukhang making halaga po yan wag na po... Salamat nalang po." Tanggi nila.

"No... Para to sainyo tumigil na muna kayo sa pangangalakal kahit tatlo o dalawang araw lang." Bilin ni Maison... Kaya mahal na mahal kita eh.

"Pero kuya--"

"Dali na ibigay niyo nalang yan sa mga magulang niyo." Putol ni Maison sa sasabihin nanaman niya.

"Sige na tanggapin niyo na yan." Sabat ko sakanila.

"Maraming salamat po ate at kuya." Sabay sabay na sabi nila na medyo... Naluha?

"Napano?" Takang tanong ko.

"Wala po ate sobrang saya lang po namin kasi po ngayon lang po may tumul9ng saamin na hindi nandidiri saamin at sobrang laking tulong papi ng tinulong niyo." Pahayag ni Rafraf.

"Walang anuman... Babalik kami ah..." Sabi ko tapos ay tumango naman sila.

"Sige po ate lagi lang po kaming nandito pagpalubog napo ang araw. Maaga lang po kami ngayon dahil may mga nanghuhuli po." Sabi ni Jekjek.

"Sige na mga bata paalam na." Sabi tapos ay kumaway na.

"Magpahinga kayo." Sabi ni Maison.

"Paalam po maraming salamat po ate at kuya." Sabi nila tapos ay naglakad na sila palayo, nanghindi na namin sila matanaw ay agad na kaming sumakay sa sasakyan para magpunta na sa bedspace na tinutuluyan namin.

"Mai ang sarap sa pakiramdam ng may natulungan tayong bata ngayon." Pahayag ko.

"Oo nga... Parang nawala mga kasalanan ko." Pahayag niya.

"May kasalanan ka pala?" Ngising sabi ko.

"Hahahaha.... Bakit naman?" Tawang sabi niya.

"Wala lang para kasing ang perferct mo eh."

"Nobody's perfect." Pahayag naman niya.

"Hindi naman yon... Para kasing wala kang kasalanan na intesion mo talagang gawin." Sabi ko sakanya.

"Hahahaha... Grabe kanaman taas pala ng tingin mo saakin."

"Syempre naman kilala na kita pagkabata palang natin." Sagot ko sakanya.

"Oo nga naman." Tumatangong sagot niya.

"Ay, Mai uuwi naba tayo tapos natin dito?" Tanong ko.

"No, pupunta tayong Pangasinan."

(TSOAAJ) The Story of A And J Where stories live. Discover now