2.KLARISSE

705 20 0
                                    

KLARISSE DE SILVA : JEWELER/FASHION ICON

Madami na ang nag aabang sa bago kong ilo launch na new design ng KLARISSE jewelry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madami na ang nag aabang sa bago kong ilo launch na new design ng
KLARISSE jewelry.Puro kasi damit na lang ang lumalabas ngayon sa fashion world at nakakalimutan na nilang mas nangniningning ang isang star kapag may mga suot na jewelries.

"Ma'm Klarisse,Ibinilin nga po pala ang daddy nyo na umuwi daw kayo ngayong gabi dahil may salo salo ang buong pamilya tonight.Wag daw na hindi kayo pupunta dahil magtatampo sya sa inyo._Gigi.(my personal secretary)

"Salamat Gie,Ako na ang bahala.Dadaan na lang ako saglit duon para hindi na sya magtatampo sa akin._AKO.Nag iisang anak lang ako nina mom and dad.Mayroon na kasi silang kani kaniyang pamilya nang aksidenteng may mangyari sa kanilang dalawa nuon.Masasabing anak ako sa pagkakasala dahil nabuo ako sa di sinasadyang pagkakataon.

"Ma'm,Okey ka lang ba? Gusto mo,Samahan kita dun sa mansyon ng mga De Silva para naman may back up ka?_Gigi.Napangiti ako ng mapait at saka umiling.Hindi kasi lingid kay Gigi na palihim pa din akong pinagmamaltratuhan ng asawa ni Dad na si Madam Estella kapag hindi naka tingin si Dad.Madalas nung bata ako na kinukurot nya ako at tinatakot na wag magsumbong kay Daddy sa pananakit nya.Hangang sa lumaki ako ay masama pa din ang trato nya sa akin.Bagay na nauunawaan ko naman.
Kasi nga ay anak ako ng tatay ko sa pagkakasala kaya naman never nya akong matatanggap.(Wala silang anak ni daddy)pero may ampon silang lalaki.

"Its okey Gie,Ako na ang bahala.Sanay na ako kay Tita Ester na masunget sya sa akin.Ang mahalaga,Hindi magtampo sa akin ang daddy._AKO.
Si daddy ang dahilan kaya ako nagkaroon ng sarili kong jewelry shop.
Ang DE SILVA ang may pinaka malaking pagawaan ng mga alahas sa bansa.Habang ang Mommy naman ay sa US na nanirahan kasama ng  pamilya nya.Mayroon akong dalawang kapatid na mas matanda sa akin, Sina Harold at Rommel.

"Ikaw ang bahala Ma'm,Basta kapag tinarayan ka ng madrasta mo dapat lumaban kana.Kung tutuusin,Sila nga ng ampon nya ang walang karapatan dun sa mansyon nyo eh kasi ikaw talaga ang may DUGONG DE SILVA at hindi sila._Gigi.May naging ampon sila ng Dad...Si Renzo. Bukod sa tamad at pala away,wala pang inatupag kundi uminum at makipag barkada.Mas bata sya sa akin kaya ATE ang tawag nya sa akin.

"Ate! Im glad your here. Nakaka badtrip na kasi ang Mom.Super ingay nya.Wala na syang ginawa kundi sermonan ako maghapon. Minsan naisip ko ng maglayas eh.Pwede mo ba kong patirahin sa house mo ate?_Renzo.
Tipikal na teen ager si Renzo.Yung kulay nya na kayumanggi at saka hindi katangusan ang ilong ay bumabagay sa kanya.Pinoy na pinoy ang dating.

"Gusto mo bang parehas tayong gerahin ng Mommy mo ha?Wag na wag mong gagawin ang maglayas.Mahirap yun baka akala mo.Saka kawawa naman si Dad,Walang bodyguard kapag maglalaro ng golf.
Pagpasensyahan mo na lang ang Tita Ester,Ganun lang naman yun pero mahal na mahal ka nun kaya palagi kang sini sermunan._AKO.
Pasaway na bata si Renzo dahil inispoiled ng mommy nya pero kapag ako ang kausap nya,Nakikinig sya sa akin kahit paano.

"Salamat naman at nandito na ang napaka ganda kong anak! Akala ko ay hindi moko pagbibigyan sa hiling kong magsalo salo tayo eh.Salamat anak at sinamahan mo kami ngayong gabi sa napaka espesyal na gabing ito._Daddy.Saka ako napalingon kay Tita Ester na hindi kumikibo at naka simangot lang.Sinubukan kong magmano kanina sa kanya pagdating pero
dinedma nya lang ako.

"Dad,Nakakatakot naman yang sinasabi mo.Para namang maghuhuling habilin ka na nyan kay Ate eh!_Renzo.Kahit ako man ay kinabahan din sa sinasabi ng dad

"Dad,Ano nga ba yang espesyal na gabi yang sinasabi mo? Tayo tayo lang naman ang nandito papanong naging espesyal? May problema kaba,May sakit na malubha? Or wag mong sabihin na may bago na naman akong kapatid?_AKO.Kahit alam kong hindi maganda ang dating ng biro ko,Mas okey na yung ganung biro kaysa sa pasabog ni dad.

"Tumigil na nga kayo! Hayaan nyo na munang magsalita ang daddy nyo!
Puro kayo satsat! Ikaw Klarisse,Hindi nakakatuwa yang biro mo.Kahit kelan,Hindi nakakatuwang biro ang pagkakaroon ng anak sa labas!_Tita Ester.Saka sya padabog na tumayo at nauna ng pumunta sa dinning area.

"Pagpasensyahan mo na anak ang Tita Ester mo ha,Sadyang bugnutin lang talaga sya.Ang mabuti pa ay magsipag dinner na muna tayo bago ko sabihin ang special na balita ko.Wag kayong mag alala mga anak,Malakas pa ako sa kalabaw.At lalong hindi tungkol sa ibang anak ang surpresa ko. Mamaya na natin pag uusapan yan after dinner._Daddy.Umakbay sya sa akin at saka kami sabay na naglakad papunta sa dinning area.

Sari sari ang mga putaheng nakahanda sa mesa.Mga pagkaing hindi karaniwang inihahanda sa karaniwang tahanan.Dating chef kasi si Tita Ester kaya kakaiba at mga pang internationa cuisine ang mga inihahanda nyang pagkain.

"Mommy,Bakit ba puro na lang ba pang ibang bansa ang mga niluluto mo. Namimiss ko na tuloy yung sinigang na baboy at saka pritong galunggong.
_Renzo.Isip bata pa din si Renzo kahit na college student na sya.Kasi nga ay inispoiled ng mommy nya.

"Your so cheap! Taas taasan mo nga yang level mo Renzo.Hindi ka taga squatter at lalong hindi pang karenderya lang ang mga niluluto ko.
Mga pagkain yan ng mga hari at reyna kaya wag kang maghanap ng mga ka cheapang pagkain._Tita Ester.Wala talagang pinalalampas si Tita Ester sa pambubulyaw kahit nasa harapan na kami ng pagkain.

"Tama na nga yang mga pagtatalo na yan at kumain na lang tayo.
Wag nyong sirain ang gabing ito.Mahalagang araw ito para kay Klarisse at maging sa akin na din._Daddy.Bakas kay Dad ang kasiyahan habang kumakain kaming lahat.Natatakot akong masira ang magandang mood nya after nyang i reveal ang sinasabi nyang speacial na anunsyo dahil pakiramdam ko,hindi ko sya magugustuhan.

"Dad,Tapos na tayong kumain.Sabihin mo na yung surpresa mo para hindi na kami nabibitin ni Ate Klarisse._Renzo.

"Well since tapos na tayong kumain,Siguro naman pupwede na kong magsalita.Special ang gabing ito para sa akin dahil...Nakahanap na ako ng MAPAPANGASAWA mo Klarisse._Daddy.Para namang bomba ang sumabog pagkarinig ko sa sinabi ni Dad.Napalingon ako kay Tita Ester na napangisi din dahil sa reaksyon ko.

"Dad, What do you mean na mapapangasawa ko? Papanong magkakaroon ako ng mapapangasawa gayung wala naman akong boyfriend? _AKO.

"Napag usapan na namin ito ng mommy Cindy mo.Sinabi ko sa kanya na ako na ang maghahanap ng mapapangasawa mo dahil baka kung sino sino lang dyan ang magustuhan mo.Hindi naman pupwedeng basta basta lang ang mapapa ugnay sa mga DE SILVA.Dapat ay kasing yaman natin at dapat ay KILALA sa lipunang gaya natin._Daddy.Napakunot ang nuo ko.
Kelan pa naging batayan sa pagpili ng mamahalin ang estado at yaman?
Para naman yatang hindi yun makatwiran kahit na sabihin pang kay dad lahat galing kung ano man ang meron ako ngayon.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon