17.FIONA

351 17 1
                                    

Bakit may kakaiba akong naramdaman kanina habang kaharap ko si Klar at yung Personal secretary nya?Masyado naman kasing obvious sa kilos nila kung gaano sila ka kampante sa isa't isa na parang hindi lang sila basta mag boss-secretary lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit may kakaiba akong naramdaman kanina habang kaharap ko si Klar at yung Personal secretary nya?Masyado naman kasing obvious sa kilos nila kung gaano sila ka kampante sa isa't isa na parang hindi lang sila basta mag boss-secretary lang.Parang mas higit pa.

"FIONA HERRERA,ARE YOU WITH ME? Bakit ba kanina kapa walang kakibo kibo dyan? Kahit nung kaharap natin si Klarisse,Ni hindi ka manlang bumati sa kanya.Ano bang nangyayari sayo ha?_Aly. Dumiretso na kasi kami sa resto after naming makipag meeting ka Chairman DS.

" Oo naman,Nandito naman ako sa tabi mo lang.Wala lang siguro ako sa mood mag iimik today._AKO.Nag ayos ako ng upo at saka tumingin na sa menu.Lumapit kasi kaagad ang waiter sa amin pagkaupong pagkaupo pa lang.

"Gaya nga ng sabi ko,Ano sa palagay mo ang mabuting gawin dun sa last will testament ni Chairman DS?Sa palagay mo ba,Matutuloy ang kasal?_Aly.

"I don't really have any idea.Para kasing paiba iba ng isip yung anak nya eh.
_AKO.After kong sabihin sa waiter yung order ko ay agad kong idinial yung telepono ko.

"What do you mean paiba iba ng isip,I mean nakausap mo ba si Klar kaya mo nasasabi yan?_Aly.Sumenyas ako sa kanya na may kakausapin lang sandali sa fone at lumabas ako ng resto.

"Nakakatuwa yung kaprangakahan nung PA ni Klarisse noh,As in ganun dapat ang mga secretary talaga.Alisto at napaka particular nya sa time table ng boss nya._Aly.Saka ako napasimangot.Ako naman,Hindi natutuwa sa galawan ni girl.Halatang nagpapa cute sa boss nya.Kainis!

"Okey naman,Kaya lang hindi ko masyadong feel yung pagiging feeling close nya sa bago pa lang nyang kakilala._AKO.Matamlay ako at walang gana makipag usap lalo pat ang topic ay tungkol sa mahadera nyang secretary.

"Hahahahha.Grabe sya oh!Parang ang init ang dugo mo kay girl.
Kasi hindi mo din sya pinansin kanina kahit parang gusto nyang makipag usap sayo.Mukha naman syang mabait ah._Aly.

"Hindi naman sa mainit ang dugo,Hindi ko lang sya feel.Saka the way she talk to her boss,Parang ka level lang nya.Hindi naman dapat ganun kapag may ibang taong kaharap,Ilalagay nya sa lugar._AKO.

"WOW! Ikaw ba yang nagsasalita attorney Herrera? Kelan kapa natutong magsalita ng harsh sa taong wala namang ginawang foul sayo ha?
Para kang JOWANG nagseselos dyan eh.hahahaha._Aly. Napaangat ako ng mukha at tumingin sa kanya.Tama ba si Aly sa biro nya,Selos nga bang dahilan kaya ako naiinis sa babaeng secretary kahit wala naman syang ginagawang masama sa akin?

"Haaaaist! Wala naman akong masamang ibig sabihin dun.Yun lang ang napansin ko.Masyado silang close.I don't really mind kung ano man ang meron sa kanila.Its none of my business anyway._AKO. Nginitian lang ako ni Aly ng makahulugan.Hindi ko alam kung para saan ang mga ngisi na yun.

"Joke lang yun ano kaba,Masyado kang defensive dyan! Hahahaha._Aly.
Nakahinga ako ng maluwag.Akala ko totoong yun ang naiisip nya.Na nagseselos nga ako talaga.

"Alam mo bang may client akong businesswoman na super sosyal ngayon.
As in bongga talaga kasi mayaman yung napangasawa nya.Kaya lang, Nadiskubre ng asawa nya na may karelasyon syang TIBO kaya ngayon gusto syang hiwalayan.Kaya ako yung gusto nyang humawak sa kaso nya against her husband._ALY.

"Against her husband? Ibig sabihin nakikipaghiwalay din sya?Hindi nya hahabulin yung lalaki,Akala ko ba mayaman?_AKO.

"Yun na nga ang highlight ng istorya.Mas pinili ni girl na makasama si TIBO kaysa dun sa asawa nya! Imagine,Ipinagpalit nya yung pagiging buhay reyna nya dun sa LESBIAN?Gusto ko ngang iuntog sa pader si ate para matauhan eh.Nakaka inis lang diba? Ano bang fullfilment ang nakukuha nya sa TOMBOY na yun,Shunga lang diba?_Aly.Hindi ako umimik.Pero sa isang banda,Ano nga ba ang mapapala mo kapag pumatol sa sa kapwa mo babae din?

"Grabe ka naman.Porke ba Lesbian wala ng mapapala? Malay mo naman mas masaya sya kapag kasama nya yun kaysa sa asawa nyang puro negosyo ang nasa isip diba? Hindi naman pera lang ang magpapaligaya sa tao.Iba din yung meron kang taong natatakbuhan kapag feeeling mo nag iisa ka.Hindi naman ka shungahan kung sakaling mainlove ka sa kapwa mo,Ang mahalaga ay kung san ka liligaya. _AKO.

"OHHHH MYYYY GAAAD!!! That was a BOMB! Para kang speaker ng mga taga LGBTQ sa haba ng litanya mo girl! Well said. Bigla akong nagising.
May point ka naman dun.Dahil dyan sa sinabi mo,Papayag na kong maging tagapagtanggol nya._Aly.

Kahit ako man ay nabigla sa mga sinabi ko.Hindi ko ugali ang maglahad ng opinyon lalo pa at wala naman akong idea tungkol sa relasyong may kinalaman sa LGBTQ  or same sex relationship.

"Alam mo Aly,Maloloka ako sayo.Mabuti pa,Tapusin na natin itong pagkain natin para maka balik na ko sa firm.Madami pa akong kaso na irereview.
Mabuti ka nga at relax lang dahil pinipili mo lang ang ipagtatanggol mo.
_AKO.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang gumaya sa akin.Wag ka ng magpaka bayani dyan sa pagtatrabaho mo dyan sa public attorneys office.Bukod sa puro mga batang pasaway lang naman yang pinagtatanggol mo,Kakarampot lang naman ang kita.Mabuti na lang mayaman ang pamilya mo kaya hindi ka magugutom.Papano kapag may sarili ka ng pamilya,Natural mas kailangan mong magdoble kayod._Aly.

"Okey lang yun,Masaya namang makatulong sa kapwa eh.Saka kapag naman meron kang client na hindi mo feel i handle,Sa akin mo naman pinagkakatiwala eh kaya okey na din yun sa akin.Pangdagdag din sa ipon ko._AKO.Balak ko kasing bumili ng sarili kong bahay.Para naman kahit papano may matatawag akong sa akin talaga.Sa ngayon kasi ay sariling sasakyan ko pa lang ang matatawag kong mula sa sarili kong pawis talaga.

"Okey,Wala na kong sinabi.Basta kapag gusto mo ng bumili ng bahay para investment mo,Magsabi ka lang.Madami akong kilalalang mga broker.
Mga sikat pa yung mga may ari nung mga binibentang bahay nila.
Or kung gusto mo namang magpagawa na lang,May kilala din akong magaling na architect.Papabols pa! _Alyssa.

"Sira ka talaga!Uu na,Basta kapag nagdecide na ko at nakumpleto ko na yung target na ipon ko,Ikaw ang unang makaka alam.So papano,Tawagan nalang tayo kung anong balita ha.Ingat ka sa pagda drive,Kaskasera ka pa naman.hahahaha._AKO.After ng goodbye beso ay naghiwalay na kami sa pagsakay sa kani kaniya naming sasakyan

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon