24.KLARISSE

350 21 1
                                    

Kung bulk order lang din naman ang pag uusapan,Kami na yata ang pinaka abala sa pag huhulma at pag didesenyo ng mga accessories ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kung bulk order lang din naman ang pag uusapan,Kami na yata ang pinaka abala sa pag huhulma at pag didesenyo ng mga accessories ngayon.
Kasi naman ay nagkasabay sabay ang mga order ng mga bigating costumer sa hindi ko malamang dahilan.

"Papanong nagkapareho ang petsa ng deadline ng deliveries ng MS mall at ng Abaya malls ha Gigi? Ikaw lang naman ang kinakausap ng mga boutique shop nila hindi ba?_AKO.Gaya ng dati,Nagdouble time naman ang mga trabahador ko sa factory.

"Hindi ko nga din alam pano nangyari yun Boss.Basta tinawagan na lang ako ng Abaya malls na sa makalawa na nga daw po yung deadline nila.
As in wala naman akong idea na may order pala sila sa atin.Saka ko lang nabasa dun sa memo na meron nga pero hindi mo naman na approved.
_Gigi.Saka ako napa hampas ng folder sa mesa ko.Siguradong may nananabotahe sa akin.Iisa lang naman ang gagawa nun sa akin eh,Syempre walang iba kundi ang madrasta ko.(ESTELLA DE SILVA)

"Talagang hindi ako tatantanan ni Tita Ester hanggang hindi nya nasisira ang business ko.Siguradong sya ang may kagagawan nito pati yung sadyang pagkasira ng makina nuon._AKO.After kasing gawin nung mekaniko yung nasirang makina nuon,Tinanong nya sa akin kung meron daw bang may galit sa akin dito sa factory.Kasi daw baka may taong galit sa akin at sinadyang sirain ang isa sa mga makina kong pang hulma ng alahas.

"Boss,Sa palagay ko sya nga.Kasi sabi ni Noel sa akin,Dumating daw dito kahapon bago magsara itong si Madam.Wala naman daw ginawa at umikot ikot lang tapos may tinawagan sa fone.Malamang sya yung tumawag sa ABAYA mall nyan._Gigi. Mabilis kong dinampot ang susi sa kotse ko at saka paharurot na pinaandar ang sasakyan.


"At ano naman ang mapapala ko kung sakaling ginawa ko nga ang bini bintang mo aber? May makukuha ba akong salapi dyan sa pagkaliit liit mong alahasan? Hahahaha. Nagpapatawa ka!_Tita Ester. Sa edad na singkwenta ay masasabing bata pa ang itsura ni Tita.Kasi nama'y alaga ng sensya ang mukha nya at katawan.Konting kibot,Nakatakbo agad sa mga beauty clinic.

"Wala naman ibang gagawa nun sa akin kundi ikaw lang.Ikaw lang naman ang galit na galit sa akin mula pa ng aking kamusmusan.Hindi ko makakalimutan yun._AKO.

"Wag kang magparatang kung wala kang basehan.Pwede kitang idemanda sa ginagawa mo.Susugod sugod ka sa pamamahay ko ng walang kaabog abog tapos pagbibintangan mong nanabotahe sa bulok na factory mo? Mahiya ka nga!_Tita Ester.Ganun sya ka bastos magsalita.Walang breeding kahit pa balutan pa sya ng mamahaling damit at alahas.

"Magdedemanda ka? Sure.. Go ahead!Idemanda moko para idemanda din kita.Sa oras na mapatunayan ko na ikaw ang nananabotahe ng business ko, Hindi ako mangingiming ibalik sayo lahat ng mga ginagawa mong pananakit sa akin nung bata pa ako! Na hanggang ngayon ay nakatatak pa din ang mga latay sa katawan ko! _AKO. Saka ako umalis sa bahay nya.
Pakiramdam ko kasi,Gagalisin ako kapag nagtagal pa ko dun.

Matagal din akong natira sa mansyon ng mga De Silva.After mamatay ni Yaya kasi ay wala ng choice si Tita kundi ang patirahin ako sa bahay.
Pero kapalit naman nun ay ang pagmamalupit sa akin ni Tita kahit sa maliliit na pagkakamali ko lang.Kaya ng tumuntong ako sa edad na disi otso,Nagsabi na ako kay Dad na magsasarili na.

"Siraulo din talaga yang madrasta mo eh! Ang kapal ng mukha! Kung ako siguro yung ginanyan nya manghihiram sya ng mukha sa aso.Masyado ka din kasing mabait talaga eh._Millie.Kadarating lang nya from Boston.
Meron silang maliit na business dito kaya madalas syang sa Pinas naglalagi kahit na nasa America na ang buong pamilya nila.Hindi sila magka parehas ng place nina Mommy kaya masasabing hindi din sila close.

"Hindi sa mabait,Hindi lang talaga ako mapagpatol na tao.Hangga't kaya kong magpasensya at nakapagtitimpi pa ako.Ang nakaka inis lang, Sige pa sya ng pagdi deny kahit obvious naman!_AKO.Naghahanda kasi sya ng pagkain sa mesa kaya naka upo lang ako at nag aantay sa kanya.

"Meron ba namang magnanakaw na aamin sya ang nagnakaw,Natural wala! Ang mabuti pa,Kumain na muna tayo,Bago tayo magmamam.
Parating na si Thea dito para sunduin tayo.Sabi ko kasi hindi na tayo magdadala ng kotse para tipid sa gas.Saka isa pa,Kapag bangenge ka na naman,Hindi kana makaka pag drive pauwi._Millie.Tumingin lang ako sa kanya at saka nagsimula ng kumain.Kasi naman ay alam na alam nya na ang mga galawan ko.

"Ang swerte ko talaga at may pinsan akong kagaya mo noh? Kasi kung wala baka napariwara na ko dati pa.Ikaw talaga ang anghel dela gwardiya ng buhay ko Millie.Kaya naman mahal na mahal kita._AKO.
yumakap ako sa kanya bilang pasasalamat.Totoo namang mula ng dumating sya sa life ko ay nagkaroon ako ng buhay.Sya ang nagturo sa akin mag nightlife at makipagkaibigan sa mga sosyalera nyang friends.

"Hahahaha.Para kang ano dyan!Mag asawa kana kasi para may nag aalalaga na sayo!Masarap din naman kapag may kasama at katuwang sa buhay.Mas nagkakaroon ka ng focus.Hindi yang kapag problematik ka at gustong mag inum,Kung saan saang condo ng kaibigan ko ikaw nagpapalipas ng gabi._Millie.Siguradong nagkwento si Thea sa kanya na sa condo nya ako nagpalipas nuon ng gabi.Saka ko naalala si Ion.Pati kaya yung pagtatagpo namin ni ION sa condo nya ay alam ni Thea? Malamang dahil nandun yung gamot na ipinadala ni Liezel sa kanya.haaaist!

"Bakit bigla kang namula dya ha? May naalala ka ba? Hahahaha. Speaking of Thea nga pala,Nagtatanong sya sa akin bakit daw dalawa yung kumot na ginamit mo nung natulog ka dun sa unit nya?Sabi ko nga baka naman masyado kang nilamig sa AC kaya napakumot ka ng doble._Millie. Napakunot ang nuo ko.Parang kakaiba ang tawa nya ngayon.Tawa na may kahalong pang iinis.Hindi kaya may alam din si Millie sa ginawa naming dalawa ni iON sa condo ni Thea? Pero imposible.Papano?

"Hello there mga kapamilya! Hahahaha.Handa naba kayo?_Thea. Na seksing seksi sa suot na hapit na party dress.Agad syang bumeso sa amin pagdating nya.

"Oo naman,Handa na kami syempre! Sakto lang yang dating mo.
Maiba nga pala ako,Kamusta naman yung asawa ni Liezel?_Millie.
Saka ko naalala na naaksidente nga pala sa Ilocos yung asawa ni Liezel.

"Hindi maganda ang lagay,Medyo masama ang pagkaka bangga eh.
Gusto ko nga sanang bumisita pero may mga kompromiso pa akong dapat unahin.Baka this weekend try kong sumaglit._Thea.

"San nga ba yun,Ilocos lang diba? Baka pwede tayong makahiram ng chopper sa tatay nitong si Klar,Para mas mabilis ang byahe kaysa magtravel by land pa.Ang layo kaya nun._Millie.

"E di mas okey,Para makapag beach na din.Tagal ko ng di nasisikatan ng araw eh.May private resort dun ang asawa ni Liezel._Thea.Napa iling na lang ako.Mas para kasing gala ang talagang goal nila duon kaysa dumalaw sa naaksidente.

" L.O.V.E. SHOT "   (G2G)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon